Ang Pag-ibig Ni Ina

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

Related image
Pinagkunan ng imahe

"Nay! Huwag ka na pong umalis! Huwag mo na po kaming iwan nila Ate Lysa! Wala na nga Si Tatay pati ikaw aalis pa?" paghahabol ng hininga Ni Junior habang nagsasalita na umiiyak sa kaniyang Ina na Si Melda.

Lumuhod Si Melda upang magtapat ang mga mukha nila ng kanyang anak na Si Junior.

"Anak, nandiyan naman Si Tita Gemma para tingnan kayo ng Ate mo habang wala ako" paliwanag Ni Melda sa kaniyang anak na ang tinutukoy niyang Tita Gemma ay ang kaniyang nakababata niyang kapatid.

Habang pinipigilan niya ang kaniyang pagluha, niyakap niya Si Junior upang hindi nito makita na pati siya ay naluluha na rin sa magiging sitwasyon nila.

"Para sa inyo ito Ni Ate Lysa mo ha' anak? Para magkaron kayo ng maayos na pamumuhay at pag nakatapos na kayo Ni Ate Lysa mo sa inyong pag-aaral maaari na tayong magkasama-samang muli at hindi na ko aalis pang muli, pangako" mahabang paliwanag niya kay Junior.

At habang humihikbi-hikbi pa ang bata, tumayo na siya at kinuha muli ang kaniyang bag sa kaniyang anak na panganay na Si Lysa. Niyakap niya ang mga ito sa huling pagkakataon na magkasama sila ngayon.

"Nay, mag-iingat po kayo sa inyong pupuntahan. Lagi po kayong tatawag sa amin ha'? Umaasa po kami Ni Junior na hindi mo kami iiwanan katulad Ni Tatay" naninigurado namang sabi ng kaniyang panganay na anak na Si Lysa.
"Oo naman mga Anak! Pangako yan! Gemma, ikaw na muna ang bahala sa dalawa mong pamangkin ha'? Tatawag ako parati at magpapadala sa inyo ng pera sa tuwing ako'y sasahod. Yung mga bilin ko sa iyo ha'? Ikaw lamang ang aking inaasahan" sabay lapit sa kaniyang nakababatang kapatid at ito'y niyakap din niya.
"O siya, kayo'y mag-iingat sa pag-uwi, ako'y papasok na sa loob at naririnig ko ng tinatawag na ang mga pasahero ng aking sasakyang eroplano. Mga anak, mahal na mahal kayo Ni Nanay. Mag-iingat kayo parati" bago tuluyang nilisan ang kaniyang mga anak.

Mahirap ang naging trabaho Ni Melda sa Gitnang Silangan. Isa siyang kasambahay. Ngunit kailangan niyang magsumikap para sa dalawa niyang mga Anak. Mula ng iniwan sila ng kaniyang asawa ay siya na ang nagtaguyod at bumuhay sa mga ito.
Mabilis lumipas ang mga taon. Malalaki na ang kaniyang mga anak at pawang magtatapos na sa kanilang mga paaralan. Si Junior ay magtatapos na rin sa ika-6 na grado katulad ng kaniyang Ate ay magtatapos na rin ito sa kinuha nitong kurso sa kolehiyo.
Umuwi ng Pilipinas Si Melda upang saksihan ang pagtatapos ng kaniyang mga anak. Alam niya na sa paghihirap niya may katumbas na sarap, ang makamit niya ang minimithing pagtatapos ng mga anak. Wala ng hihigit pa sa pagmamahal nang isang Ina sa kaniyang mga anak kapag sila na ang nagsakripisyo para sa mga ito. Walang katumbas ang kaginhawaan niyang masilayan ang matatamis na ngiti ng mga anak. Pasasaan ba't magsasama-sama muli sila at di na muli pang aalis ng bansa si Melda.

Ito po ay hango sa totoong kwento ng karamihan nating kababayan na mga OFW. Sila po ay nararapat lamang na bigyang pansin sa lahat ng kanilang sakripisyo at paghihirap sa paninilbihan lalo na sa Gitnang Silangan. Karamihan sa ating mga OFW's ay pawang mga Ina na iniwan ang kanilang mga anak sa kanilang pamilya upang sila ay makapagtrabaho sa tawid dagat na bansa. Karamihan rin po sa kanila ay walang mga kabiyak, kaya naman sila na lamang ang bumuhay sa kanilang mga anak. Kaya naman inihahandog ko ito sa bawat Ina na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Maraming salamat sa @steemph.cebu sa pagbibigay ng pagkakataon upang mailabas ang naitatagong kakayahan upang sumulat ng ganitong mga kwento sa ating wika na Filipino ng bawat indibidwal sa atin! Maraming salamat din po sa mga nagbasa! God bless po sa ating lahat!

♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

a mothers love is irreplaceable

Totoo yan san @beyonddisability