Pinagmulan
Nagmulat ng kanyang mga mata Si Bella. Minamasdan niya ang paligid niya, ngunit ito ay madilim. Hindi rin siya makagalaw. Sumisigaw siya ngunit puro ungol ang tanging nalabas sa kanyang bibig. Hanggang naisip niyang umusal ng "Ama Namin", bigla na lamang sa isang iglap siya ay nakagalaw, bumangon siyang abot-abot ang kanyang paghinga. At uminom ng tubig sa basong nakapatong sa kanyang lamesa na nasa tabi ng kanyang higaan.
Ilang gabi na siyang binabangungot. Simula ng sila ay nagpunta sa isang pook na kung saan ay parang ilang na ilang ang mga tao roon sa mga dayong katulad nila nang kanyang mga Kaibigan. Hindi niya alam kung anung nangyari sa kaniya dahil wala naman siyang natatandaan na may nagawa siyang hindi maganda bukod sa kanyang pagiging palabiro sa kanyang mga Kaibigan. Madalas niya kasing niloloko ang kanyang mga Kaibigan na kakausapin ang mga ito pero bigla siyang nabaling ng tingin sa iba at doon kakausap kahit wala naman siyang kausap.
Hindi na tama ang nangyayari sa kanya kaya naman tinawagan niya ang kanyang Kaibigan na Si Cathy.
"H-hello,Cathy?," halos pabulong niyang sabi sa telepono.
"M-maaari mo ba akong puntahan ngayon dito sa aking tinitirahan? W-wala akong kasama rito mag-iisang linggo na, nasa bakasyon ung kasama ko dito, dalawang linggo daw siya mawawala," mabilis niyang paliwanag sa kanyang Kaibigan.
"Kailangan ko ng tulong Cathy, dito ko na ipaliliwanag sayo," dugtong pa niya.
Maya-maya pa'y nasa kanyang tirahan na Si Cathy. Ipinaliwanag niya dito ang nangyayari sa kanya ilang gabi na.
"May alam ako na maaari nating mapagtanungan tungkol sa kondisyon mo, isang magaling na albaluryo sa bayan," sabi Ni Cathy sa kanya.
Agad nila itong pinuntahan sa bayan. Nakita nila ang isang babae, di pa siya nagsasalita sinabi na nito sa kanya ang mga nangyayari sa kanya gabi-gabi.
"Iha, kasama mo ngayon ang iyong taga "Subaybay at sobrang makapangyarihan ito," mahinahon nitong sabi.
"T-taga-subaybay??," nangangatal niyang tanong sa Albularya.
"Oo iha, ang tawag sa kanila ay "Ingkubo", sila ang demonyong nanghahalay sa mga nais nilang halayin sa kalagitnaan ng pagtulog ng mga ito ng mahimbing sa gabi, katulad ng sitwasyon mo. Yan din ang dahilan kung bakit laging masakit ang iyong balakang, dibdib at leeg," paliwanag nito.
"O-opo, parang may kung anung nakadagan sa ibabaw ko," tugon niya sa paliwang nito.
Maaari raw itong mangyari sa kahit na kanino. Kailangan daw magsagawa ng ng pag-oopera sa kanya. Hindi niya alam kung anong klaseng pag-oopera ang gagawin sa kanya. Pumayag na rin siya na magpa-opera.
Isinagawa ang pag-oopera sa kanya. Naramdaman niyang may ginagalaw sa kaniyang tiyan, hinahalukay ito at maya-maya pa'y tapos na ang pag-oopera sa kanya. Nakita niya ang kaniyang tiyan sa bandang pusod na namumula ito, tila ba masakit sa loob nito ngunit wala namang sugat sa labas ng kaniyang tiyan. May nakuha ritong "Supot na Asul", itinanim daw sa kaniyang tiyan ng Demonyo. Mabuti daw at ito lang ang ginawa sa kaniya, dahil sa gabi-gabing ginagalaw siya ng Demonyo maaari daw niya itong ika-buntis. Salamat sa Diyos at hindi na muli siya nitong binalikan matapos siyang operahan ng Albularya.
"Ito po ay hango sa totoong buhay ng aking Kaibigan. Pinalitan ko na lamang ng pangalan. Mangyaring magdasal muna bago matulog upang tayo po ay may basbas pa rin bago matulog, yan po ay isa sa bilin ng Albularyang nagsagawa sa kaniya ng pag-oopera."
Maraming salamat sa @steemph.cebu sa pagbibigay ng pagkakataon upang mailabas ang naitatagong kakayahan upang sumulat ng ganitong mga kwento sa ating wika na Filipino ng bawat indibidwal sa atin! Maraming salamat din po sa mga nagbasa! God bless po sa ating lahat!
♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥
♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥
Ay ang galing 😊😊 ang ganda ng pagkaka sulat ng detalye goodluck satin
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hahaha'... salamat bhe! Pero mukang mas maganda yung sayo ^_^
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nakagawa na ako at naisumite ko na din be.. basahin mo 😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
detelyado ang pag kaka sulat dito @julie26 gumagaling na kayo lahat unti unti. :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit