"Atong! Kumukulo na ba ang aking sinaing Anak?" tanong Ni Aling Thelma sa anak na may pagka-pusong babae.
Agad namang tumalima ang batang sampung taon ang edad na kasalukuyang gumagawa ng kanyang takdang aralin ng gabing iyon.
"Opo Inay! Kumukulo na po! Ako na po ang bahala Inay, marunong naman na po ako magbawas ng gatong upang hinaan ang ating sinaing" tugon niya sa kaniyang Ina na noo'y nagkakadkad ng kamoteng baging upang ito'y gawing suman at mailako sa umaga dahil ito lamang ang tangi niyang ginagawa upang mayroon silang pang-gastos sa araw-araw na pamumuhay Ni Atong simula ng mamatay ang kaniyang asawa na isang mangingisda noon ngunit dahil sa trahedya sila na lamang ngayon dalawa ng kaniyang anak.
Nang mga sumunod na araw, naging maganda ang kita Ni Aling Thelma sa kaniyang paglalako lalo na't katulong niya kasi ang kaniyang anak na Si Atong sa pagtitinda. Nakita Ni Aling Thelma kung paanong estratehiya ang ginagawa ng kaniyang anak sa paglalako nila ng kanilang panindang suman. Hanggang nagdesisyon Si Atong na tulungan niya ang kaniyang Inay sa paglalako araw-araw bago pumasok sa paaralan at pati sa pag-uwi niya naglalako pa rin siya.
Mabilis lumipas ang mga araw, Si Atong na sampung taon noon, ngayo'y nasa labinsiyam na taong gulang na. At magpa-hanggang ngayo'y katuwang pa rin siya ng kaniyang Inay sa pagtitinda ng suman.
"Isang taon na lamang Inay, hindi na tayo muli pang maglalako ng suman lalo na po kayo... Tumatanda na kayo at humihina na ang katawan kaya naman kailangan na mapangalagaan natin ang inyong kalusugan..." sambit Ni Atong habang hinilot ang paang nananakit ng kaniyang Inay.
"Huwag mo akong alalahanin anak, ikaw nga itong iniisip ko ng madalas dahil alam ko na nahihirapan ka na sa ating sitwasyon sa pagtitinda, tampulan ka ng tukso sa labas pag nakikita ka ng iba" pahayag naman ng kaniyang Inay.
"Inay, hindi ninyo po ako kailangang intindihin o isipin man lang, kung ikaw nga po nakayanan akong itaguyod na mag-isa eh' ako pa po ba? Mahal kita 'nay, ikaw na lang ang mayroon akong kailangan kong pangalagaan at ingatan" paliwanag naman niya sa kaniyang Ina habang siya ay nakangiti.
Lumipas ang isang taon, nakatapos ng pag-aaral Si Atong sa kursong Edukasyon. Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga, nakamit niya ang kaniyang minimithi sa buhay. Ang magkaron ng magandang trabaho, magkaroon ng magandang bahay at higit sa lahat mapagaan ang buhay ng kaniyang Inay. Mas lalo siyang nagpursige sa kaniyang trabaho at higit pa ang kaniyang tinamo sa buhay. Nagkaroon ng negosyo, negosyong noon pa ma'y naging daan ng kanilang magandang buhay ngayon, ang magkaroon ng pagawaan ng suman.
"Anak, maraming salamat sa lahat ng sakripisyong iyong ginawa upang makamit ang pagkakaroon ng ganitong antas ng pamumuhay at ipagpaliban ang iyong mga nais sa iyong sarili" sambit ng kaniyang Inay habang sila ay nasa balkonahe ng malaki nilang bagong bahay.
"Mahal kita 'nay kaya ganito tayo ngayon" sambit niya habang niyayakap ang kaniyang Inay.
Ito po ay hango sa totoong buhay na aming kaibigan. May ilang detalye lamang po akong binago at iniba ang kanilang pangalan. Nais ko lamang pong ipabatid sa lahat na hindi lahat ng lalaki na may pusong babae ay irresponsable. Marami sa kanila ang nagmamahal ng tunay lalo na sa kanilang magulang at pamilya. Kaya naman ang mga katulad nila ay talaga namang hindi rin matatawaran ang kanilang sipag at tiyaga upang makamit nila ang kanilang minimithi para sa kanilang pamilya. Tinatalikuran nila ang mga bagay na kanilang hinahangad upang unahin ang para sa mahal niya sa buhay. Kaya naman igalang natin sila sa ating lipunan na ang pagiging binabae nila ay nadudungisan dahil sa mga paratang na hindi pa nila nagagawa.
Maraming salamat sa @steemph.cebu sa pagbibigay ng pagkakataon upang mailabas ang naitatagong kakayahan upang sumulat ng ganitong mga kwento sa ating wika na Filipino ng bawat indibidwal sa atin! Maraming salamat din po sa mga nagbasa! God bless po sa ating lahat!
♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥
♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥
yung nakarelate ako haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Saludo ako sayo san @beyonddisability! Sana nagustuhan mo ^_^
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang ganda girl.. Kya aq proud aq sa tito q...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat po @prettydead24!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit