Literaturang Filipino / Ang Aking Napakalaking Karangalan na Nakamit !!!

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

Ang karangalang aking natanggap ay walang tutumbas sa medalyang inyong natatanggap, Ang karangalan na aking natanggap ay magkaroon ng isang masigla at matalinong anak.

Ako nga pala si Juvie dalawampu't pitong taong gulang at meron akong isang anak na lalake na walong taong gulang na. Taong 2009 ng nabuntis ako sa idad na Labing-walong taong gulang at nag-aaral ako noon sa Sumulong College of Arts and Science sa kursong Hotel and Restaurant Management kaso hindi ko natapos ang unang sem dahil ako ay nabuntis na. Hindi man sabihin sakin ng aking magulang alam ko nagtatampo sila sakin dahil sa nangyari. Ito na, Marso 13, 2010 alas dose ng madaling sumasakit na ang aking tyan at dinala na ako sa ospital dahil ako ay magli-labor na. Lumipas na anim na oras at nasilayan na namin ang aming prinsipe. Ang pinangalan ko sa kanya ay Khian Turvie , dahil idolo ko dati si Kian sa Callalily. Sobrang saya namin ng dumating sya sa buhay namin hindi lang sa amin mag-asawa kundi pati na din sa magulang ko dahil si khian pa lang ang kauna unahan nilang apo.


Taong 2015 ng pumasok sa kinder si Khian. Napansin ko at ng kanyang guro na mabilis matuto ang anak ko. Sobrang tuwa ko ng lalabas na sa silid aralan si khian, sobra ang ngiti nya sa kanyang labi, ang kanyang kamay ay nakatago sa kanyang likuran ang sabi ni Khian:

Khian: Mama may supresa po ako sayo !!
Ako: Ano yun bhe?
Khian: Ito mama oh..
Ako: Wow.

Pinakita nya sakin ang kanyang Braso na halos mapuno na ng star.

Khian : Mama oh dami ko star wika ng aking anak, nasasagot ko po mga tanong ng guro ko kaya nabigyan nya ako ng ganyan kadaming star.

Ako: Ang galing naman ng anak ko pinagmamalaki ka namin ni papa mo. Pag patuloy mo lang ang magandang nasimulan mo.

Khian: opo mama mag aaral po akong mabuti.

Dumating na ang araw ng pagtatapos niya sa Kinder, sobrang pinag-mamalaki ko siya dahil ang dami nya nakuhang medalya, wala man ako nakuhang karangalan o medalya ng ako'y nag-aaral pa, ang anak ko ang nakuha kong malaking karangalan ngayon. Sobra Sobrang karangalan ang natanggap ko ngayon ng dumating sa buhay ko ang anak ko.


Ang karangalan na natanggap ni Khian

~ PINAKA-DISIPLINADO

~ PINAKA-MAHUSAY SA ALPABETO
~ PINAKA-MAHUSAY SA KLASE

Pumasok na si Khian sa unang baitang, pinagpatuloy pa din nya ang magandang nasimulan nya hanggang sa pangalawang baitang. May karangalan pa din siya na natatanggap. Ngayon pasukan ay nasa pangatlong baitang na siya.


21.jpg


ANG KUWENTONG ITO AY TOTOONG PANGYAYARI !! AT ANG KARAKTER NA GINAMIT KO SA KUWENTO AY TOTOONG AKING ANAK.

MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA NAG-BASA NANG AKING KWENTO !!! SANA AY INYONG MAGUSTUHAN

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Syang tunay ate @juviemaycaluma ang mga achievements ng mga anak ang isa sa mga pinaka malaking karangalan na matatanggap ng isang magulang.

Isa pa sa pinaka magandang karangalan na maaring marinig ng isang magulang ay ang mga katagang.

"Napalaki mo ng maayos ang iyong anak"

Nawa'y mas maging mahusay pa si Khian sa pag-aaral at isang huwarang bata sa hinarap.

Good luck po sa patimpalak ng @steemph.cebu!

salamat po @tagalogtrail