Literaturang Filipino / "PANGITAIN"

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

Ako nga pala si Juvie dalawampu't anim na taong gulang nag umpisa itong kababalaghan na nangyari sa akin taong 2010. Sa tuwing ako ay natutulog sa gabi na akala ko ay tulog na ako pero ang diwa ko ay gising na gising may nakikita ako isang aninong itim na nakalutang sa may paanan ko at palapit siya nang palapit sakin hanggang sa pumasok siya sa loob nang katawan ko hindi ako makagalaw sigaw ako nang sigaw " Tulong Tulong " pero walang nakakarinig sakin kahit meron akong katabi sa higaan. Ang tanging naisip ko lamang ay mag dasal nang "Ama namin" pagka-dasal ko umalis na siya sa katawan ko pero nauulit ito tuwing gabi, alam ko ang sandata na panlaban ko sa kanya ang "Pagdadasal".


pinagmulan

Nasundan pa ang pangyayari na yan nang namatay ang biyenan ko na lalake. Setyembre 2010 pinatay ang biyenan ko, inilibing siya nang buhay na hindi nakilalang lalake sa Tanay Rizal, hindi nahuli ang pumatay sa kanya. Unang lamay, pag tulog ko, napanaginipan ko biyenan ko na lalake napapaligiran kami ng puting usok at ang ganda ng mga tanawin may hawak siya na larawan na gustong gusto na ipakita niya sakin. "Juvie halika ipapakita ko sa iyo itong larawan na ito ikaw ang susi ko para mahuli ang pumatay sakin" habang palapit ako na palapit may biglang gumising sakin, "Juvie tanghali na bangon kana diyan." Hindi ko man lang nakita kung sino yung nasa litrato na nais ipakita sakin nang biyenan ko. Pakiramadam ko sa oras na yan parang nakapunta na din ako sa langit. Nasundan pa yan ng dalawa, tatlo, at marami pang beses kaso may humahadlang talaga na makita ko yung nasa larawan na yun. Hanggang sa nilibing na lang siya na hindi ko nakita kung sino yung pumatay sa kanya.


pinagmulan

Nasundan pa yan nang namatay ang kaibigan ko na si Carlo dahil sa malalang sakit. Nang ako'y pumunta sa burol niya, ako ay nagulat pagtingin ko sa kabaong niya bigla siya dumilat, (pumikit ako) pag dilat ko nakapikit na siya grabe ang kaba ko napaisip ako guni-guni ko lang ba iyon?


pinagmulan

Hanggang sa nakauwi na ako pag higa ko sa aking higaan pagkapikit nang aking mga mata nanaginip ako, nakita ko ang gwapo kong kaibigan na si carlo, ang sabi sakin ni carlo " oh tropa kamusta kana? (sabay apir) hindi man lang kayo dumalaw sakin noong nasa ospital ako hinihintay ko kaya kayo ni pareng nestor", naiyak ako, ang sabi ko pupunta sana kami pero binalita na sa amin na patay kana sorry ah kung hindi kami nakadalaw, okey lang yun tropa dumalaw lang ako sa inyo para kamustahin kayo namimis ko na kayo eh yan ang pagkabigkas nang kaibigan ko na si Carlo. Pakisabi sa mga tropa natin namimis ko na sila ah, yung kulitan at asaran natin. Wag kayo mag alala okey lang kami dito. Maraming salamat sa inyong lahat mga tropa ko. Pag gising ko umiiyak ako at walang halong takot sa aking kalooban sa mga nakita ko.

Ang kwento na ito ay hango sa totoong nangyari sa buhay ko..

MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA NAG-BASA NANG AKING KWENTO!!! SANA AY INYONG MAGUSTUHAN.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Interesting demon drawing & Heaven & a boy. Upvoted.

thank you @joeyarnoldvn

Sweet.

Sobrang nakaka touch naman yung last part.
Grabe miss na kayo ng kaibigan nyo na si Carlo sobrang malapit sya sa inyo.
Salamat sa pagbabahagi at good luck po sa patimpalak!

maraming salamat po @tagalogtrail bitin nga po yan eh madami ako gusto ikwento kaso sosobra na sa minimum words.

yung babaeng itim na iyan pagala gala dito sa looban

Nakikita mo din ba sya sa looban @beyonddisability

nagparamdam sa akin ng mga apat na beses sa ibat ibang pagkakataon.

may 3rd eye kana din pala @beyonddisability