"Literaturang-Filipino" Paalam sa Kaibigan Kong ManunulatsteemCreated with Sketch.

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

Noong nakilala kita ako ay namangha
Wala kang katulad sa iyong mga akda
Ang iyong talento ay talagang kahanga-hanga
Sapagkat napabilib mo maging ang mga banyaga

Ang pagtulong mo ay walang katulad
ang aking mga mali'y laging itinatama
Ang iyong pananalita ay kay hali-halina
laging ibinabahagi ang naisip na maganda

May alingaw-ngaw ng bagyo ang laman ng balita
mayroon daw bagyo na dadaan sa lugar nyo
Sa lakas ng bagyo ang lahat ay nagsisipaghanda
Ang lahat ay natatakot pati na mga banyaga

Lumakas ang hagin ako ay nagtanong
Sa Tacloban ba'y malakas na rin ang hangin
Animo'y walang bagyo ang sagot mo
Tila walang unos na tatama sa amin

Nang dapit-hapon na ikaw ay nagsulat
Sa iyong paligid ikinuwento ang nagaganap
kaninang tanghali animo'y walang bagyo
ngunit ngayong gabi ay lumalakas ito

Sa akda ng iyong pinsan ako ay nagulantang
Ikaw raw ay nadag-anan ng pader inyong bahay
kasama ng iyong kapatid nakita kang wala nang buhay
ikaw ay kabilang sa daan-daang namatay

Lumuha ang aking mata ng di ko namamalayan
ako ay nalungkot sa pagkawala mo kaibigan
Kahit anong mangyari ika'y di malilimutan
ang ala-ala mo sa isip ko ay dadalhin habang nabubuhay

#Ang tula ay binubuo nang 194 salita

Salamat @steemph.cebu sa patimpalak na ito.

Nawa ay nagustuhan ninyo ang aking tula na hango sa tunay na pangyayari sa buhay nang aking namayapang kaibigan, isang magaling na manunulat at blogista noong panahon bago nangyari ang bagyong Yolanda.

Pinagmulan ng larawan sa itaas Kinunan noong panahon na binibilang ang mga bangkay sa Tacloban.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nakakalungkot talaga ang mga nangyari. Ipagdasal natin sila.

nakakaawa yong mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay na halos mabaliw na dahil isa lang silang nabuhay pagkatapos ng bagyo at namatay ang buong pamilya nya.

Kailangan magpakatatag para harapin ang buhay. Kahit mahirap, kahit puno ng hinagpis, dapat pa rin magtiwala at umasa na may magandang hinaharap. Nakabangon at bumabangon na mga naiwan. Patuloy pa rin ang buhay.