Magandang araw mga steemians. Ito ang kwento nang aking tunay na pag ibig sa aking asawa. Nakilala ko ang aking kasintahan at asawa ko na ngayon noong dalawamput tatlong taon ako. Isa ko siyang katrabaho pero madali siyang natanggal dahil isa siyang kontraktwal na empleyado. Simula noon wala na siyang trabaho. Lagi nalang umasa sa kanyang magulang at palaging nasa sugalan kasama ang mga barkada. Hindi siya humanap nang trabaho dahil lagi siyang sumama sa kanyang mga barkada. Ang tingin ko sa kanya ay walang pananaw sa buhay. Pero sa puso ko ay mahal na mahal ko siya. Kahit ganun siya ay kayang ko baguhin dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
Hindi ko kayang iwan siya.
Palagi ko siya sinabihan na magbago na siya dahil kahit anong mangyari hindi ko siya iiwanan. Kaya unti-unti ko siyang sinabihan na magbago at maghanap nang trabaho para sa kinabukasan. Ang barkada ay hindi makatulong sa mga problema mo sa buhay. Unti-unting nagbago ang pananaw sa kanyang buhay. Humanap siya nang trabaho at tumulong sa magulang.
Marami silang sinabi tungkol sa kanya na hindi maganda pero hindi ako naniwala dahil sa puso ko mahal na mahal ko siya. Kahit ang mga magulang ko ay tutol sa kanya dahil walang trabaho at marunong magsugal.
Kaya ang ginawa ko ay pinakasalan ko dahil siya ang gusto kong makasama habang buhay. Pagkatapos nang aming kasal marami kaming pagsubok na dumating sa aming buhay. Naoperahan ako nang dalawang beses pero nandiyan siya na umalalay sa akin. Unti-unti siya nagbago dahil sa mga pagsubok.
Sa aming pag aasawa wala kaming anak. Kahit ano na ang aming ginawang paraan para maging ganap na kami na tawaging pamilya pero wala paring nangyari. Kaya tinanggap nalang namin na ito ang aming kapalaran. Maging kapos sa buhay at wala pang anak. Kahit ganyan ang nangyari sa aming pagsasama pero mahal na mahal parin namin ang isat isa. Nagtulungan kami sa isat isa sa ano mang pagsubok na darating. Masaya kaming namumuhay ngayon kahit l kapos pero mahal na mahal namin ang isat isa.
Naisip Kung pumunta sa labas ng bansa para magtrabaho pero hindi siya pumayag dahil kahit wala kaming makain basta magkasama kami. Dahil nakita niya na maraming mag asawa na naghiwalay dahil malayo sa isat isa. Pagbalik dito sa pilipinas ang naiwan dito ay may iba nang kasama. Hindi na kayang ibalik ang mga kahapon kaya huwag nalang subukan. Dito nalang kami maghanap nang magandang buhay na magkasama. Kahit walang wala kami basta magkasama sa hirap man o ginhawa. Kaya kung isakripisyo ang lahat basta't magkasama kami.
Ngayon labing anim na taon kaming kasal wala paring anak. Alam namin na ang anak ang magpasaya sa isang pamilya. Pero lubos naming tinatanggap sa aming puso at isipan na nawala kaming magawa kung hindi kami magkaroon nang anak. Hindi namin hayaang masira ang aming pagmamahalan dahil lang sa walang anak. Ngayon masaya kaming tumulong sa aming pamilya. At walang makakasira sa tunay naming pagmamahalan..... Salamat..
Ang kwento na ito ay hango sa tunay Kung karanasan sa paging.
Salamat sa pagbasa....
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by liamnov being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit