Alas-tres ng hapon, napabalikwas ako mula sa pagkakatulog. Mula sa aking silid ay naririnig ko ang aming kapit-bahay na si Aling Fatima.
Sigawan.
Iyakan.
Mga putok ng baril.
Agad akong bumangon at lumabas upang tiyaking ligtas ang aking pamilya. Sunod-sunod na pagsabog mula sa labas ang sumasabay sa aking paghakbang.
"Ina! Ama!" nag-aalalang sigaw ko.
"Ismael! Nandito kami!" narinig kong sambit ng aking ina.
"Magtago lang po kayo at titingnan ko sina Aling Fatima." Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon ng aking ina. Ako'y dali-daling lumabas.
Mula sa aming pintuan, natatanaw ko ang mga rebeldeng nagkalat sa kalsada. Lahat sila ay armado.
Tila wala sa huwisyong tinungo ko ang tahanan nila Aling Fatima, ngunit huli na pala ako.
Nagkalat ang dugo at mga bangkay nilang mag-anak sa sahig. Nanghina ang aking tuhod at napaluhod ako sa aking nasaksihan.
Nakakapanlumo.
Hindi ko maaatim na mangyari ito sa aking pamilya. Sumidhi ang aking poot. Kumuha ako ang dalawang itak mula sa kusina ng bahay at patakbong lumabas.
Para sa aking pamilya.
"Ismael! Anak!"
Para kay Aling Fatima.
"Anak bumangon ka! Tama na, maawa kayo sa anak ko!"
At sa aking ikatatahimik.
"Anaaaaaaaaak!"
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Lalaii (lyxng) 😘👌 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit