Literaturang-Filipino Paligsahan: "Araw-araw ay isang himala"

in literaturang-filipino •  7 years ago 

Sabi nga nila "araw-araw ay isang himala" . Tama nga naman, dahil alam naman nating lahat na ang buhay natin ay hiram lang sa ating Panginoong Diyos.

Ang kwentong ito ay base sa totoong buhay ni lolo jun kung saan siya ay 71 na taong gulang na nag-aaral sa ALS (alternative learning system)

Bilang isang ALS volunteer na destino ako sa rotary club kung saan malapit lang sa amin. Tinuturaan namin ang mga batang hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya at secondary na ngayon ay gusto na nilang makamit ang mga pangarap nila sa buhay kaya nakapagdesisyon silang mag-aral muli sa tulong ng ALS.

Sa tuwing ako ay pumupunta sa center, hindi ko nakikita si lolo jun. Kasi sabi nga mobile teacher namin, minsan daw si lolo ay nagkakasakit kaya hindi siya makapunta. Nalungkot ako, dahil sa edad niya eh malamang mabilis siyang dadapuan ng sakit.

Sa paglipas ng ilang araw, nakita ko na si lolo jun. Isang masayahing kalbong matanda, payat, pero pag tingin mo sa kanya parang malakas pa siya. Hindi ko akalain na babatiin ako ni lolo jun ng

"Ma'am, magandang umaga po."

ang sabi ko...

"tatay jun, magandang umaga din ho."

Gustong-gusto ko talaga kausapin si lolo jun kasi na i-intriga kasi ako kung bakit nag-aaral pa siya sa kabila ng edad niya. Hanggang nagkaroon talaga ako ng pagkakataong makausap siya.

Sinimulan ko ang usapan namin

"Tatay jun, sabi ni Ma'am eh madalas kanang nagkakasakit"

"Matanda na ako talagang mabilis tayong magkasakit"

"Hindi po ba kayo nahihirapan tatay jun?"

"Nako ma'am, ang hirap di mawawala yan, dapat lang talaga tayong magtiwala kasi sa araw-araw ay may himala"

nagpatuloy siya...

"Matagal ko na tong gusto Ma'am ang makapagtapos ng pag-aaral. Natupad ko na ang isang pangarap ko, na makapagtapos lahat ng anak ko sa kolehiyo, gusto ko ako naman, sila na naman ang aakyat sa stage para sakin."

Napangiti ako sa sinabi niya. Si lolo jun pala ay isang dating ofw sa ibang bansa. Mayroong siyang tatlong anak kung saan ay nakapagtapos na ng kolehiyo sa kursong nurse, enhenyero, at teacher. Sa kabila ng pinagdaanan niyang hirap at pagod ay patuloy parin siyang nagsisikap upang makamit niya ang tagumpay.

Hindi basehan ang edad sa pag-aaral. Kaya maituturing isang himala ang buhay ni lolo jun. Sapagkat alam na niyang nahihirapan na siya ay binibigyan parin siya ng pag-asa ng Diyos upang makamit niya ang mga ito. Hindi siya sumusuko sa kabila ng pagod at puyat na kanyang naranasan. Kasi sabi niya

"Habang may buhay, ay may pag-asa. Sapagkat ang Diyos ang nagsisilbing gabay tungo sa ating paruruonan. Siya ang natatanging nilalang na nagbibigay sa ating lahat ng isang himala"

Ang kwento ni lolo jun ay hindi lang isang himala kundi isa rin itong inspirasyon sa lahat ng taong nawalan ng pag-asa. Hindi hadlang ang kahirapan o edad sa pagkamit ng ating pangarap. Hindi pa huli ang lahat, dahil

"Araw-araw ay isang himala"


Mary Claire Cuizon @miriklir

"Maraming salamat sa pagbasa!"

bibicover (1 of 1).jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by miriklir being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Isang inspirasyon si Lolo Jun para sa ating lahat na huwag tumigil sa pagkamit ng pangarap.

Nawa'y palarin ka po sa patimpalak ng @steemph.cebu

Thank you po😊

Congratulations @miriklir! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got a First Reply
Award for the number of upvotes
Award for the number of comments
Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

  ·  7 years ago (edited)

wow! Lolo Jun isa kang inspirasyon na wag tayong mawalan ng pag-asa. Salamat sa pag babahagi @miriklir

Thank you for appreciating my work😊

galing. upvoted you. Cebuano here. BTW

Hi! Join us at our Discord Channel