Babala: Ito'y kathang isip lamang ng may-akda. Sana'y maantig ang inyong mga puso sa storya ng buhay ni Grasya.
Si Grasya ay ang kaisa-isang anak ni Aleng Tiya. Sila ay nakatira sa isang liblib na baryo na kung tawagin ay Kapos. Milya-milya ang layo ng bayan sa kanilang maliit na baryo kaya si Grasya ay hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa sekundarya. Ganunpaman, siya'y lubos na nasisiyahan sapagka't mayroon namang elementarya sa kalapit na baryo.
Noong nag-aaral pa lamang siya’y tinatahak nila ang masukal na gubat at ang rumaragasang agos ng Ilog Galit. Matapos ang isang oras at mahigit ay narating na nila ang bayan ng Timawa. Sa isang eskinita nagpapaiwan ang kanyang ina para maglako ng panindang kamoteng-kahoy habang si Grasya ay pumapasok sa Paaralang Elementarya ng Timawa Sentral.
Si Grasya bilang isang mag-aaral ay napakasipag. Isa syang tunay na huwaran sa lahat ng mga mag-aaral dahil sa kabila ng kahirapan ay nakapagtapos siya ng elementarya na may tatlong medalya - isa para sa pagpaparangal bilang Salutatorian, isa para sa pagiging ehemplo ng mabuting asal, at isa bilang patunay ng iskolarship na iginawad ng Gobernador ng kanilang probinsya. Lubos na ikinagalak ng kanyang ina ang lahat ng biyaya na natamo ng kanyang bunsong anak. Pero…
"Inang, punta na ho tayo. Nasbihan ko na po si manong Berto para bantayan ang alaga nating kambing."
...
"Inang?"
Isang nakapang lulumong eksena ang nasaksihan ni Grasya. Ang kanyang ina ay naghihingalo na.
"Inang? (humahagolgol) Inang...."
"Aking pinakamamahal na anak..p-p...pagtibayan m-mo ang iyong loob..Ako'y hahayo n-na."
"Inang? Ano po ang iyong ibig sabihin?"
At sa isang iglap lang ang kanyang ina ay pumanaw na sa edad na otsenta'y nwebe.
"Panginoon. Ako po'y patawarin n'yo sa aking gagawin. Hindi ko na p-po..."
At biglang nalaglag si Grasya sa bangin.
Dalawang araw ang nakakalipas, isang mangangaso ang napadpad sa paanan ng talon.
"Ano yang nasisilayan ko? Isa ba yang uniporme?"
Nilapitan ng mangangaso ang nakakabagabag na bagay na lumulutang sa batis.
"Ito nga'y isang uniporme! Ngunit ito'y nagkalasog-lasog na. Ako'y nagtataka kung kaninong palda ito."
Ang paanan ng talon ay may isang kweba. Sa kanyang pagtataka, pumasok sya sa kweba.
"Ano to? Isang batang babae?"
Bahagyang gumalaw ang mga kamay ng babae.
"M-manong..Ako'y naliligaw..M-may binabantayan akong bata..M-marami syang sugat at pasa..N-nakita ko siyang nakasabit sa puno ng mangga malapit sa bahay namin. (humahagolgol)"
"Sshhh. Tahan na. Anong pangalan mo at taga san ka ba neng?"
"Ako po'y nakatira sa taas ng talon. Inutusan ho ako ng aking ama na kumuha ng dahon ng bayabas ngunit ako'y naligaw. Natakot ako sa baboy ramo na nakita ko kagabi kaya dito na lang ho ako nagpalipas ng gabi. Ang pangalan ko po ay Mayumi"
"Wag kang mag-alala Mayumi. Iuuwi kita sa inyo. At tutulungan din kita."
Tinulungan ng mangangaso ang mag-ama at ang batang inaalagan nila. Lingid sa kaalaman nila, ang mangangaso pala ay isang doktor mula sa bayan ng Malaya at napadpad lamang sya sa lugar na iyon. Makalipas ang ilang araw…
"Manong. Gising na ho yung bata."
"Kamusta ka na neng? Anong pangalan mo?"
"Ako po si Grasya."
Ang Katapusan
Marahil himala kung ituring ang pagkakaligtas ni Grasya ngunit ang tunay na himala ay ang kabutihang ipinagkaloob ng mangangaso sa mga taong hindi naman niya kilala. Sa panahon natin ngayon, madalang na lamang na makatagpo tayo ng mga taong may busilak na puso. Tunay nga, "Ang himala ay nasa puso ng tao."
Ito'y isang lahok sa patimpalak na inorganisa ng @steemph.cebu bilang isang parte ng "proyektong sndcastle". Upang makasali sundan lamang ang mga palatuntunin na inilahad sa blog na ito at nawa'y mas mapaglinang pa natin ang ating kakayahan sa pagsusulat. Maraming salamat sa pagbasa sa aking ginawang kwento. Sana'y nakapulutan nyo ito ng aral. Hanggang sa muli!
Lubos na gumagalang,
@nikkabomb
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by nikkabomb being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
thanks as always @steemph.cebu :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ganda ng pagkasulat. Upvoted :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
maraming salamat @janicemars :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maganda po ang pagkakalapat, medyo mabilis lang ng bahagya ang takbo ng kwento lalo na sa eksenang ito.
Pero ayos parin naman po kasi restricted din naman sa salitang kailangan magamit para sa patimpalak.
Naibigan ko po ang inyong likha 😉 good luck po sa patimpalak.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
maraming salamat @tagalogtrail. oo limited kasi yung words para sa patimpalak.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Gusto ko yung storya niyo ate. pero ate wag kang ma offend ha. Ang suggestion ko po ay. Kapag may linya ka na "si ano at si ano ay nasugatan" sabi ni pangalan. Para di malito ang mambabasa ate kung sino ang nagsasalita. Yun lang po ate. :) Salamat and Good luck and God bless sa patimpalak na iyong sinasalihan. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
maraming salamat @jenel. tinipid ko yung words kasi may limit na hanggang 500 lang. pero yes, icoconsider ko yung suggestion mo. malaking tulog yan. salamat. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Si Grasya nadisgrasya hehe.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hehehe. di to pinag isipan masyado. I felt like participating the moment i saw the post of @steemph.cebu. hahaha right then and there nabuo ang storya ni grasya. haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow ha. Galing naman. Talented talaga. Pano na kung pinagisipan mo pa yan? :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hindi nmn. The words went on and on hanggang sa matapos ang kwento. I had to copy paste it sa word to make sure it didn't exceed the limit. It did so I edited a few lines. So parang pinag isipan pa rin, hindi lang masyado. hehe. God's grace!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
God's grace and inspiration lead to composition such as this.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Commended! Your articles are also amazing! :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit