Literaturang Filipino : Angel na tagapag-alaga

in literaturang-filipino •  7 years ago 

untitled01.jpg

Pinagkunan ng Larawan

"Halika ka na nang makapili tayo ng uupuan sa bus" wika ng kaniyang Lola

"Tatlong upuan Lola ang kunin natin"

Hindi siya pinansin ng kaniyang Lola sa sinabi niya. Tinungo nila ang upuang nakapangalan na sa pala sa kanila, hindi na maaaring mamili pa. Bago mag-umpisa ang byahe nila ay taimtim na nagdasal ang batang lalake sa Lumikha na ingatan sila sa kanilang byahe.

Ang lahat ng pasahero ay nagagalak at nasasabik ng marating ang Zambales. Ito ang unang beses na bumyahe ng malayo ang mag-lola para magbakasyon ngayong tag-araw. Sa kahabaan ng kanilang byahe ay tila may mali sa kanilang sinasakyan na hindi nila mawari. Biglang bumilis ang takbo nito at tila lasing na pasuray-suray. Natatakot na ang karamihan, ang iba naman ay natataranta na at sumisigaw. Nasa kalagitnaan sila ng kalsadang nasa may mga bangin, sa panahong ito ay hindi pa kasing-ayos ng kalsada ngayon.

"Apo yumakap ka lang kay Lola, huwag ka matakot hindi tayo pababayaan ng Diyos!"

"baag baaag baaagg"

Maya-maya pa ay nawalan ng malay ang kaniyang lolang nakayakap sa kaniya habang gumugulong ang bus pababa sa mahigit anim talampakang bangin. Marami ng sugatan at mayroong mga hindi na humihinga ng bumagsak sa ibaba ang bus.

May dumating na mga tao mula sa baranggay kung saan nangyare ang aksidente , may kasamang mga nars at iba pang taong may alam sa unang lunas. Dinala silang lahat sa ospital.

Tanging sila lang ng kaniyang lola ang walang galos, ngunit nawalan ng malay ang matanda dahil sa nerbyos. Ayun naman sa doktor ay kailangan lang ng pahinga dahil normal naman ang lahat, nang magising ang kaniyang lola ay kinwento niya ang nakita niya.

"Lola niligtas Niya tayo, nakita ko siya na niyakap tayo. Hindi ko alam kung ano siya pero kulay puti siya na nagliliwanag. Marami sila. Pero mayroong kulay itim din sinasama na yung ibang bata at matanda. Hindi sa atin lumapit ang mga kulay itim, puro mga kulay puti lang."

Napaluha ang Lola sa sinabi ng apo, malamang Anghel ang nagligtas sa amin. Mas tumibay ang pananalig niya sa Diyos na minsan ay halos isumpa niya ng mamatay ang kaniyang anak ng ipanganak ang kaniyang apo. Malamang ay hindi pa siya kinuha dahil may misyon pa siya, ito ang alagaan at palakihin ang kaniyang apo na may paniniwala sa Diyos.

Kinabukasan ay pinalabas na sila ng ospital at bumyahe na pauwi.

"Lola huwag ka na mag-alala, kasama natin siya. Kanina pa siya nakabantay sa atin."

Napangiti na lang ang Lola, alam niyang totoong ng sinasabi ng apo. Hindi niya kailangang makita sapagkat nararamdaman niyang kailanman ay hindi siya iniwan ng "guardian angel" na itinalaga para bantayan sila.


Ang kwentong ito ay hango sa tunay na buhay ng isang kaibigan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi @rodylina, thanks for using @steemph.antipolo's services I give 90% upvote for this post thanks to : @rodylina

Nakakatindig balahibo ang mga kwentong ganito. Marami din kwento ang nanay ko pag nagagawi siya sa isang lugar na malayo at siya lang magisa regarding sa may nakikita daw ibang tao na may kasama siya pero di nakikita ng mama ko. Marami pang kwento na nasasabi sa church about sa mga gantong experience.

Naniniwala din ako na may nagbabantay sa bawat tao :)

Naniniwala din ako my friend.

congrat. kay inam na kwento. Mas pinainam dahil ito ay hango sa totoong buhay

Nangyayari pala talaga ito sa totoong buhay.Akala ko sa Nobela lang o kaya sa pelikula.

Nangyayari talaga yan 😊

Ang galing! Ang ganda po ng kwentong ito nagpapatatag sa ating pananampalataya. Pinaka paborito kong parte nito ay ang pagsusulat mo ng Niya at Lumikha at Diyos.

Nalalaman ng mga mambabasa na ang tinuturan na Niya, Lumikha at Diyos ay ang ating Diyos na buhay.

Salamat @tagalogtrail, opo sinadya ko yan dahil may nagturo sa akin na dapat palaging nag-uumpisa sa malaking titik ang pangalan ng Panginoon. 😊

hanggo ba ito yung nasa news lang nang nakaraan.? nakakatindig balahibo naman. galing salamat sa pag share kabayan

Hindi po siya hango sa news o balita nung nakaraan, dahil nangyari po ito matanggal ng panahon.