Nagmano si Esha sa ama nyang sumalubong sa kanya sa airport matapos mailapag ang maletang kay tagal nyang hinintay na lumitaw sa conveyor belt. Sadyang lagi talaga siyang kinakabahan na baka hindi nya makita ang bagahe nya kapag siya ay nagta-travel. Ayaw nya lasing ma-hassle nang husto lalo na ngayon at marami rami siyang dalang gamit. Dalawang buwan siyang maninirahan sa bahay ng ama sa Cavite. Ito ang unang bakasyon nya na makakasama ang tatay niya mula nang nagpasyang maghiwalay ang mga magulang nya walong taon nang nakalilipas. Walang malinaw na dahilan na sinabi sa kanya ang dalawa ukol sa paghihiwalay. Ang tanging naalala nya lamang ay nagpapaalam ang kanyang ama sa kanya isang araw pagkagaling nya sa eskwela, ibinilin ang gitara nito sa kanya. “Iingatan mo ang gitarang iyan, anak. Aalis lang ang Papang, babalikan ko rin iyan pagdating ng panahon. Tumugtog ka lang, yung kantang ginawa nating dalawa, para kahit di mo ako kasama, parang nandiyan lang ako sa tabi mo,” nakangiting sabi nito ngunit bakas sa mga mata ang matinding lungkot dahil sa pag-iwan nito sa kanya. Bago pa man tumulo ang nagbabadyang luha nito ay tumayo na ito matapos siyang yakapin at hagkan sa noo, binitbit ang backpack at saka umalis na hindi man lang lumingon sa kanya. Tanda nya, maliit lang ang bag na dala ng kanyang ama kaya ang buong akala nya ay sandali lang ito mawawala. Kaya naman araw araw ay tumutugtog sya sa may tabing bintana habang nakadungaw sa bintana, tinatanaw ang bakal nilang gate, nagbabakasakaling darating na ang kanyang ama. Ngunit lumipas ang ilang linggo, na naging ilang buwan hanggang sa umabot ng taon ay walang dumating ni anino man lang ng kanyang tatay.
“Kamusta ang biyahe mo anak?” Bati ng kanyang ama. “Hindi ka ba nahilo sa eroplano? Ako kasi’y sadyang mahiluhin sa byahe mapa eroplano, barko man yan o bus,” pagpapatuloy nito nang hindi siya kumibo. “Ayos lang naman po, P-papang,” hindi na siya sanay na bigkasin ang salitang iyon. “Wala pa ho yatang 45 minutes yung biyahe mula Tagbilaran,” matipid niyang sagot. Kinuha na ni Dexter ang mga bitbit ng anak. Bahagya siyang natigilan nang makita ang guitar bag na nakasukbit sa balikat ni Esha. May kaunting kurot mg sakit ng kahapon ang naramdaman niya ngunit napangit pa rin siya nang hinawakan nya ang pamilyar na lalagyan ng dati nyang gitara. “Mabuti at nabitbit mo ito, namiss ko na rin maggitara eh,” sabi niya habang matamang tinititigan ang bag. Nang dumating ang sasakyan nila ay parang nailigtas si Esha sa sitwasyon. Bumaba ang driver at buong sigla siyang binati nito habang maingat na inilalagay ang mga gamit niya sa compartment ng sasakyan.
Habang nasa biyahe ay napakaraming kwento ni Darryl, ang kanilang driver na hindi mo aakalaing driver dahil ang kutis nito ay napakaputi na para bang suki ito ng glutathione. “Daig pa ako nitong taong to sa kaputian,” sambit ni Esha sa sarili habang mataman nyang tinititigan ang mukha nito mula sa rearview mirror ng sasakyan. May katangusan ang ilong at animo’y may pabrika ng lip gloss dahil sa kintab ng mapulang labi. Katamtaman ang haba ng pilik mata na siyang nagpapaangat ng ganda ng mapungay nitong mga mata na manaka nakang sumusulyap sa kanya habang nakangiting nagkukuwento. Maiksi at maayos ang maalon nitong buhok na parang katulad ng buhok ni James Reid. Mukha rin itong mabango at maayos ang pananamit. Napansin nyang malapit na malapit ito sa kanyang ama. Tantiya nya ay hindi nagkakalayo ang edad ng dalawang lalake. Di tulad ni Darryl, si Dexter ay may kayumangging balat na siya namang minana ng dalaga. Hindi maikakailang mag ama silang dalawa dahil unang tingin pa lamang ay kitang kita na ang pagkakahawig nila. Hindi na rin naman siya lugi dahil talaga namang may kaguwapuhang taglay ang ama. Katamtamang tangos lamang ang ilong ito at ang maliliit nitong mga mata na siyang pruweba na sila ay may lahing intsik. Masyado na nga lang malayo kaya hindi na niya hinanap sa family tree nila kung ilang porsiyento na lang ang pagkaintsik nila. Malamang ay sobrang liit na lamang dahil mata na lang ang naipamana sa kanila. Papasang modelo ang kanyang ama kung hindi lang kinulang sa tangkad. Mabuti na lamang at nakuha nya ang tangkad ng kanyang ina.
Sa edad na 17 ay masasabing stand out siya sa mga kaklase sa probinsya sa tangkad niyang 5’6”. Maliit din ang kanyang mga mata gaya ng sa ama at pag ngumingiti siya ay tila ba ngumingiti rin ang mga ito. Mapilantik ang mahaba nyang pilikmata na siyang lalong nagpapatunay na ang mga mata nya ang kanyang asset. Matangos ang kanyang ilong na siyang sumasalo sa kanyang salamin na bata pa lamang ay nasanay nya nang suot suot. Itim na itim ang hanggang balikat nyang buhok, na gaya ng sa kanyang ina ay alun-alon din. Ilang beses na siyang hinikayat na ipa-rebond ang buhok pero hindi nya talaga napusuang ipapaso ang buhok para lamang magmukhang commercial model ng shampoo. Ang masasabi lamang na kapintasan ng dalaga ay ang pagka-flat chested nya. Hindi naman niya iyon alintana, bagkus ay ipinagpapasalamat pa niya dahil hindi nya problema ang sports bra bilang mahilig siyang sumali sa mga marathon. Itinuro ng kanyang ina ang pamumuhay nang payak at ang pagiging kuntento sa kung ano mang ipinagkaloob ng Diyos, mula sa pinakamaganda hanggang sa hindi kahanga hangang parte ng katawan.
Naalala niya ang kanyang ina. May naramdaman siyang kurot sa puso. Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang pumanaw ang kanyang ina. Ilang taon din itong nakipaglaban sa breast cancer na siyang lumamon sa dating maganda at masigla nitong pangangatawan. Ang kanyang ina ang dahilan kaya siya ngayon bumiyahe patungo sa ama. Isa sa mga huling pakiusap nito ay ang hagilapin sa puso nya ang kapatawaran at pag unawa sa tatay niya. Sadyang napakabuti ng puso ng kanyang ina dahil ni minsan ay hindi niya ito kinakitaan ng galit sa amang nang iwan sa kanila. Dinala rin nito sa hukay ang totoong dahilan kung bakit nagpasyang maghiwalay ang mga ito. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, anak. May mga bagay na mahirap mong maunawaan sa ngayon. Ang lagi mo lang tatandaan ay mahal ka ng Papang mo.” Yan ang laging sagot ng kanyang ina sa tuwing mag-uusisa siya tungkol sa ama. Miss na miss nya na si Mamang. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na mag isa sa tabi ng ilog, doon sa lagi nilang tinatambayan ng ina noong bata pa lamang siya. Masaya siyang tumutugtog ng gitara habang ang ina ay malambing na kumakanta.
Nasa ganoon siyang isipin nang huminto ang sasakyan. Hindi nya namalayan nang lumiko sila papasok sa gate bago tinahak ng sasakyan ang kahabaan ng daanan papunta sa harapan ng tirahan ng ama. Sa magkabilang gilid ng daanan ay malawak na damuhan. Sa bandang kanan ay may maliit na lawa na punong puno ng water lily.
Mayroon pang maliit na tulay sa pinakagitna ng lawa na siyang daan papunta sa sulok ng hardin kung saan may maliliit na kubo at upuan.
Maaaring pagdausan ng enggrandeng handaan ang parteng iyon ng hardin. Nakadagdag pa sa ganda ng lugar ang mga maiiksing baging ng balete na kunti na lang ay aabot na sa pinakabubong ng mga maliliit na kubol. Ang kabilang bahgi ng bakuran ay puro mabulaklak na halaman at punong namumunga naman ang makikita.
May matandang puno ng mangga na may nakabitin na gulong na ngsisilbing duyan. Sa gilid naman nito ay may mg bangkuan na masarap pagtambayan dahil sa lilim na dulot ng mayayabong na puno. “Dito ako madadalas,” sa isip isip ni Esha. May mga pananim ding mga gulay sa ba dang dulo ng dakong iyon.
Hindi niya akalaing napakalaki ng hardin ng kanyang tatay. Kung anong laki ng lupain, ay parang wala sa lugar ang maliit at payak na bahay nito. May garahe sa gilid ng bahay kung saan ipinarada ni Darryl ang ginamit nilang sasakyan. Sa ama pala niya ang sasakyan at hindi pala Grab driver si Darryl. Sa harap ng bahay ay may upuan at lamesang kulay puti. May kalumaan na ang mga ito kaya’t nakikita na ang kalawang . Pagpasok mo sa bahay na bagama’t yari sa bato ang labas, ay mkikita ang kasimplehan loob. Lahat ng apat na kuwarto ay yari sa kahoy na binarnisan. Simple rin ang taste ng tatay ko. Kaya siguro sila nagkagustuhan ni Mamang. Noong bata siya ay lagi lamang iniiba ng mamang nya ang kwento kapag nagtatanong siya tungkol sa pag iibigan ng mga ito.
“Anak, dito ka na muna tumuloy sa kwartong to. Gusto ko katabi lang ng kwarto ko para kpapag may kailngan ang unika hija ko ay madali kong makalapit syo.” Napakamot pa sa batok ang tatay nya, naiilang. “Kailangan kong makabawi sayo kahit papaano. Ang dami kong utang s iyo,” turan nito habang nakangiti. Napangiti lang din si Esha.
Oras ng pananghalian na noong bumangon siya kinabukasan. Sanay naman siyang gumising nang maaga pero marahil ay dahil sa pagod sa biyahe, puyat sa pag aasikaso sa mga bisita noong lamay ng mamang niya, pag iyak dahil sa pangungulila, nangailangan din ang katawan niya ng mahabang pahinga.
“Kain ka na anak!” Bati ng ama niya. “Hindi na kita inistorbo sa tulog mo at alam kong napagod k nitong mga nakaraang linggo.”
Tumingin lamang siya. Partikular sa binatilyo na nakaupo na rin at nakikisalo sa kanila ng tanghalian. “Si June nga pala. Taga diyan lang siya sa kabilang bakod. Mag isa lang siya madalas diyan lalo at laging nasa kung saan saang conference ang mga mgulang niya,” pakilala ng kanyang ama. “Anak ko nga pala, si Esha.”
Agad na inilahad ng binatilyo ang palad at abot tenga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya. Nakipagkamay si Esha pero binawi rin nya agad ang palad. Para siyang nakuryente na hindi maintindihan nang maglapat ang kanilang mga palad.
“Tito Dex, di mo naman sinabi agad na ngayon bibisita ang anak niyo. Sana’y nakaporma man lang ako ng kaunti.”
“Hoy, tumigil tigil ka ha. Hindi porke’t close tayo ay papayagan na kitang lumapit lapit diyan kay Esha. Naku ka June, iba na lang. Madali lang hasain ang itak ko, sinasabi ko sayo,” birong pagbabanta nito.
Natawa ng kaunti si Esha sa pagka-protective ng ama. Natuwa siya pero ayaw niyang ipahalata. Naupo siya sa katapat na upuan ni June. Kitang kita niyang nagliwanag nang husto ang mukha ng binatilyo.
“Talaga namang gaganahan ako nang hustong kumain nito! Tito Dex, kahit di na ako maghima-—” hindi na naituloy ni June ang sasabihin dahil nadagukan na ito ng tatay niya. “Tito naman eh. Or shall I call you ‘Daddy’? Ahh alam ko na!! Tito Daddy!”
At hindi na napigilan ni Esha ang sarili na tumawa sa kakulitan ni June. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang nagkukulitan. “Pagpasensiyahan mo na itong si June, anak. At pagpasensiyahan mo na rin ako, alam mo namang ngayon lang ako nakakabawi sa iyo.” Sabi ni Dexter habang bumabalik sa pagkakaupo.
Ai June naman ay natigilan din at inayos ang sarili sa upuan.”Naku Tito Daddy, hinding hindi mo kailangang ipagtanggol si Esha sa akin. Ipinapangako ko sa iyong habangbuhay akong magiging loyal sa #junesha. Yan ang love team na forever magttrending!”
“Naku June, tantanan mo ako sa forever forever na yan. Kumain ka na lang diyan,” at sabay bumaling kay Esha. “Kain ka lang nang kain. Pagtiisan mo na lang si June. Hindi ko na muna to papupuntahin dito habang andito ka at nang maging mapayapa ang bakasyon mo dito.”
“Ayos lang naman na nanjan siya Papang,” muntik nang mabulunan si Dexter sa tinuran ng anak habang si June naman ay parang nanalo sa lotto ang pakiramdam. “Masaya nga yun, para naman malibang libang ako.” May kaunting bakas ng lungkot na turan nya, sabay ngiti at sabing “Kain na tayo.”
“Wag kang mag alala mahal, lilibangin kita habang nandito ka. Walang problemang maging payaso mo, gagawin ko ang lahat mapangiti ka lang, my loves.” Tinapik ng nang may kalakasan ni Dexter ang likod ni June na halos maibuga ni June ang sinubo nitong kanin at adobo. “Salamat ha,” may panlilisik ang matang sarkastikong pagkakasabi ni Dexter.
At magana silang nagsalu-salo ng tanghalian.
Mas matanda ng tatlong taon si June kay Esha. Ng aaral ito ng kursong BS HRM sa De La Salle University. Ito ang kinuha niyang kurso dahil siya ang nag iisang tagapag mana ng Abrantes Group of Companies na siyang nagma-may ari ng ilang sikat na restaurant sa kalakhang Maynila. Hindi niya gaanong hilig ang naturang linya pero pinagbigyan niya ang kahilingan ng kaniyang abuelo. Ang totoong nasa puso ng lalaki ay ang agrikultura. Nalaman ni Esha na ito ang katuwang ng tatay nya sa pag-aalaga ng hardin.
Halos magkasing tangkad lang silang dalawa ni June. May kaputian ang kutis nito at malinis na malinis tingnan sa semi kalbo niyang buhok. Tamang tama lang ang tipuno ng pangangatawan nito, hindi ganoon ka-toned ang mga masel pero hindi rin naman mataba. May kakaiba iyong biloy sa magkabilang pisngi na di tulad ng sa karamihan ay pahalang ang mga ito.
Pinagmamasdan niya ang masayang pagkukuwentuhan ni June at ng Papang niya habang naghuhugas ang mga ito ng kanilang pinagkainan. Para silang mag ama kung tutuusin. At naisip niya na siguro ay ganun din sila ka-close ng Papang niya kung nakasama niya rin ito nang matagal.
Hindi lilipas ang isang araw na hindi magawi si june sa bahay nila Esha. Kahit anong abala nito ay gumagawi talga siya para dalawin ang dalaga. Madalas ay nagkukuwentuhan lang sila sa tapat ng bahay nila habang nakaupo sa makalawang na garden table. Hinahayaan lang din ni Dexter ang anak dahil tiwala naman siya sa binata pero hindi pa rin nawawala ang pag aalala. Paminsan minsan ay pumapagitna siya sa pagkukuwentuhan ng dalawa, nakikisali at nakikihalubilo.
“Tito Daddy, wala ka bang halaman na malapit nang malanta dun sa likod bahay? Baka hinahanap ka na rin ng mga inahin mong chicks. Sige ka, pag hindi mo hinimas himas yung mga yun, baka magtampo, di ka na bigyan ng itlog.” Minsang biro ni June nang nahahalata niya nang ayaw lang nitong makapagsolo sila ni Esha. Ngingiti ngiti lang din si Esha habang nakatingin sa ama. “Wag kang mag alala Papang, hindi naman ako mapagsasamantalahan ng mokong na to. Para saan pa ang black belt ko sa Judo at ang training ko sa Jiu Jitsu. Masasampolan ko ito pag nagtangka.”
“Hindi naman ikaw ang inaalala ko anak,” pasubali ni Dexter. “Baka kasi mapuruhan mo to, sugurin tayo ng mga magulang pag nagsumbong.”
“My loves naman, hindi pa man ay pinapakita mo nang ia-under mo ako. Ganyan ba ang pinaplano mong kapalaran ng #junesha? Hindi yan magugustuhan ng mga followers ko sa Twitter. Pero wag kang mag-alala, hinding hindi kita sasaktan, pangako yan,” turan nito sabay kindat. Iiling iling at nakangiting iniwan na ni Dexter ang dalawa.
Naging magaang na rin ang relasyon ng mag-ama. Bagama’t hindi nila napag-uusapan ang nakaraan ay nagiging maayos na ang kanilang pagsasamahan. Marahil ay dahil ito sa marami nilang pagkakapareho. Mahilig sa musika ang mag-ama. Mula nang dumating si Esha ay makailang ulit na rin silang nagtugtugan sa ilalim ng punong mangga. Pareho ring mahilig magbasa ang dalawa at natuwa siyang balikan ang serye ni Dan Brown dahil may koleksyon din ang ama ng mga libro nito.
Malaking tulong din ang pagiging maloko ni June sa pagkakalapit ng mag-ama. Kaya laking pasasalamat din ni Dexter kay June.
Nagpaalam si Esha na manonood sila ni June ng sine kinabukasan. Tinanong lamang ni Dexter kung saan sila manonood, kung anong pelikula ang panonoorin at kung anong oras sila uuwi. “Ipagluluto pa ba kita ng hapunan mamaya?” tanong ni Dexter kinaumagahan bago umalis ang dalaga. Nasa labas na si June ng bahay at ipina-park ang motor na gagamitin nila. “Kahit hindi na po siguro Papang. Sa labas na kami magdi-dinner ni June para hindi na rin kayo maabala. Kung gusto nyo po ay sumunod kayo ni Tito Darryl para sabay sabay tayong maghapunan.” Ngayon nya lang ulit nakita si Darryl simula nang inihatid sila nito galing sa airport. Napag-alaman niyang matalik na kaibigan pala ito ng ama. Hindi niya na sinabing napagkamalan niya itong uber driver na suki ng ama.
“Tara na babes?” pilyong sabi ni June nang nakapasok na siya sa loob ng bahay. “Tigil tigilan mo nga yang mga ganyan mo kundi di ako sasama sayo manood ng sine,” kunwang naiiritang sagot ni Esha. Sa totoo ay nakakasanayan nya na ang mga lambing ni June at kinikilig din naman siya.
“O sya, umalis na kayo at nang makapili pa kayo ng magandang pwesto sa sinehan. Anak, wag kang tatabi sa lalakeng yan pag sa dulong dulong upuan ang pinili niya,” Bilin ni Dexter habang lumalabas ng kusina bitbit ang dalawang tasa ng kape na pagsasaluhan nila ni Darryl sa sala habang nanonood. At gumayak na ang dalawa paalis.
Sa sinehan ay kaunti lamang ang tao. Mangilan ngilan lang ang nanonood palibhasa’y weekday at panghuling linggo na ng palabas. Pang apat mula si pinakahuling upuan sa itaas ang pinili ni June para hindi raw sila mangalay sa panonood. Bumili si Esha ng popcorn kanina habang nakalipa ang binata para bumili ng ticket.
Habang puro patalastas ang pinpalabas ay nginangata na nila ang popcorn. Nagbubulungan sila kaya magkalapit na magkalapit sila sa upuan. Nalaglag ang panyo ng dalga kaya yumuko siya para pulutin ito. Pagbalik nya sa pagkakaayos ng upo ay naramdaman ng dalaga ang pagsalubong ng braso ni June sa kanyang likod na marahang pumatong sa kanyang balikat. Maginaw sa sinehan kaya may init siyang naramdaman sa halos yakap na akbay ni June. Tiningnan nya ang kamay ng binata sa kanan nyang braso. Mgkalapit na magkalapit silang dalawa na kung lilingon sya sa kabila ay mgkakadikit na ng kanilang mukha. Hindi malaman ng dalaga kung paanong lilingon sa kaliwa. Pinakiramdaman niya si June. Ramdam nya ay nakatingin ito sa kanya. Marahan siyang sumandig sa braso nito. May init itong hatid na ngbibigay ng ginhawa at kakaibang saya. Sinigurado nyang hindi siya lilingon sa binata, hanggang sa screen lang ang tingin niya. Ang sarap sa pakiramdam ng akbay ni June. May ilang segundo ang nakalipas nang hindi niya matiis ay dahan dahan niyang ibinaling ang mukha sa binata. Nakasandal ito sa upuan habang payapang nakatitig lang sa screen. Tiningnan siya nito nang maramdaman nitong nakatingin siya. Buong lambing itong ngumiti at bahagyang hinigpitan lalo ang pagkakaakbay sa kanya. Dahilan upang magkalapit silang lalo. Hinagkan siya nito sa noo. Naghatid iyon ng isang libo’t isang sensasyon sa buong katawan ni Esha.
Hahalikan niya ako sa labi! Buong tarantang napaisip si Esha habang nakatigig sa lalaki. Bagama’t may kadiliman sa sinehan ay kitang kita niyang nakatitig ang lalaki sa kanyang mga labi. Napatingin din siya sa labi nito. Para rin siyang minamagnet naramdaman niyang lumalapit na rin ang mukha niya sa mukha ng lalake. Naglapat ang kanilang mga labi.
Bilang hindi pa siya nagkakanobyo, ito ang kanyang unang halik. Hindi alam ni Esha kung ano ang gagawin. Nanatiling nakatikom ang kanyang bibig habang magkalapat ang mga labi nila. Dumilat sya at nakitang nakapikit lamang si June kaya pumikit na lang din ulit siya nang mariin. Nanginginig ang kanyang mga labi. Naisip nyang gayahin na lang ang mga napapanood niya sa pelikula. Ikiniling niya pakanan ang kanyang ulo nang hindi inaalis ang mga labi sa pagkakalapat sa labi ni June. Ikiniling niya ulit pakaliwa naman ang ulo. Inulit ulit niya ito. Nakapunot ang noo nya kasi napisip siya Bakit parang nginungudngod ko lang ang labi ko? Ganito ba talaga iyon sa mga pelikula? Parang ang sagwa? Huminto siya sa ginagawa dahil naramdaman nyang ngumiti ang binata. Inilayo nya ang mukha nyang salamat na lang dahil madilim ay hindi makikitang pulang pula. Hinampas nya ang lalaki dahil nakita nyang bahagyang tumawa ito. Hinampas niya pa ulit nang isang beses pero medyo malakas kaya napatigil ang lalaki sa pigil na tawa nito. Lumayo siya nang tuluyan sa lalaki pero kinabig din siya nito pabalik. “Unang halik mo ba ako mahal ko?” hindi niya malaman kung nang aasar ba ang lalaki o ano kaya inirapan nya lang ito. “Umuwi na tayo. Ayoko nang manood!” Tatayo na siya pero pinigilan siya nito. Napaupo siya ulit at niyakap siya ulit nito. Maluha luha na siya sa inis at pagkakapahiya kaya hindi niya na napigilan ang sarili. “Aasarin mo lang ako ayoko na. Umuwi na tayo.” “Hindi my Loves. Hindi kita inaasar.” Pang aalo ni June. “Ngising ngisi ka diyan na damuho ka. Umuwi na tayo kundi sasapakin kita dito mismo.” Niyakap siya ng lalaki. “Hinding hindi kita aasarin mahal. Kaya ako nakangiti kasi ang masayang masaya ako.”paliwanag nito habang nakatitig sa kanya. “Nabitin nang konti, pero masaya ako.” Siniko nya ito sa tagiliran at natawa na rin.
Nagsimula na ang pelikula at nanood na silang dalawa nang magkayakap. Pagkatapos manood ay nagyaya itong kumain. Dinala siya ito sa isang sikat pizza parlor. Iniupo siya nito sa pinakasulok na mesa at nagpaalam saglit habang pumipili siya ng oorderin. Pagdating pa lamang ay sinalubong na ng manager ang lalaki at kinumusta. Mukhang madalas ang binata dito. Pagbalik ni June ay pinagsilbihan na sila ng waiter. Hindi na binanggit ni June ang kahit ano tungkol sa ngudnguran nila sa loob ng sinehan at ayaw nya na rin pag usapan iyon. Pero kitang kita ang kislap ng mga mata nito. Nang matapos silang kumain ay tumayo na sila at lumabas na ng restaurant. Nagtaka si Esha dahil hindi sila nagbayad. Nagpaalam pa si June sa manager na sumalubong sa kanya. Nang tinanong niya ang lalaki ay maikli lang ang sagot nito. “Yun ang isa sa mga ipinapamahala sa akin nina Mama.”
“Ihahatid na kita pauwi my loves. May kailangan akong asikasuhin sa Pizza Parlor. Wag ka mag alala, dadaan ako sa inyo mamayang pag uwi ko.” Sabay kindat at iginiya na siya nito sa parking lot.
Hinatid siya nito hanggang sa kanila. Bago umalis ay tinawag siya ulit nito. Bumaba pa pala ito sa motor at sinundan siya. Napatingin siya sa bintana at nakitang patay ang TV, marahil ay umalis ang Papang nya. Ipinulupot ng lalaki ang isang braso nito sa bewang nya at hinila siya palapit. Naramdaman nya na naman ang kakaibang sensasyon na dulot ng pagkakalapit nila sa isa’t isa. Ang kanyang mga kamay ay nakalapat sa dibdib ng lalaki habang nakatingin naman siya sa mga mata nito. Hinawakan ng lalaki ang kanyang baba at dahan dahang inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Nang halos magkalapit na ang mga labi nila ay tumigil ito at ngumiti. “Ako na ang bahala this time mahal.” Bago pa man siga makapag alburoto ay tuluyan nang inilapat ng lalaki ang labi nito sa bahagya niyang nakabukang bibig. Hinalikan ang kanyang ibabang labi. Maya maya ay lumipat ito sa itaas niyang labi. Mga ilang segindong magkalapat ang kanilang mga labi. Kakaiba ang naramdaman ni Esha. Ganito pala ang pakiramdam! Totoo ngang nakakalusaw ng tuhod. Hindi nya namalayan na nakayakap na siya sa lalaki dahil para siya nanghina at pakiramdam niya kapag bumitaw siya ay hihimatayin siya. Para siyang lumilipad sa alapaap at natatakot siyang kapag bumitaw siya ay mahuhulog siya sa kawalan.
Huminto si June at kitang kita niya ang pagpipigil ng lalaki. Hinagkan pa siya nito ng isang ulit pa. “Babalik ako. Hintayin mo ako Esha. Babalik ako, pangako.” At tumalikod na ang lalaki habang siya nama’y naiwan na nakatitig lamang dito. Matagal nang nakaalis si June bago niya naisip na pumasok na sa bahay.
Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng maiinom. Tahimik lamang siyang umupo at ninanamnam ang mga nangyari. Maaga aga pa at hindi pa lumulubog ang araw kaya naisip nyang umidlip saglit. Habang nakahiga ay hindi mapalis ang ngiti ng dalaga. At nakatulugan nya na ang paggugunita.
~Itutuloy (?) ~
Libre lait po, gusto ko sanang mahasa ang talento ko sa pagsusulat. Huwag lang po masyadong harsh, baka po maiyak ako. Hehe.
Lahat ng larawan sa akdang ito ay kuha ko sa iba't ibang lugar na pinagtagni tagni ng mapaglaro kong imahinasyon.
Lahat ng pangalan, lugar, pangyayari sa akdang ito ay hango sa aking mapaglarong isipan.
Madaming typo lalu na doon sa mga importante na salita na kapag nag-kulang ay iba ang iisipin "maghima" na dapat ay mag-himay at "binate" na dapat ay bi na ti (dahan dahan na medyo mabilis lang sa pag-bigkas siyempre), saka dapat hindi "jan" dapat "diyan". Bumawi naman sa dulo ng storya kasi doon sobrang ganda, maganda din iyong mga naunang talata.
Kapa pala hindi sila sinita sa loob ng sinehan kasi sa kanya pala ipapamahala iyon, kung sa SM sila nanood huli sila hehe. Aabanga ko ang susunod at kung ano ang nakaraan nila mamang at papang. Malas di June kasi bitin haha sumakit ang puson niya malamang.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maghimagas kasi yun. Sinadya kong putulin. Haha.. pero oo nga! Napahagalpak ako sa binate.. ahahahaah.. salamat! Inayos ko na po. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Mahaba-haba ang unang bahagi pero natutuwa naman ako sa nababasa ko. Lalo na sa sa da moves nitong si June. Hokageng-hokage talaga ang datingan niya e. Hahahha.
Ang galing ng pagkakasulat mo sa kissing scene nila, mam @romeskie! Detalyadong-detalyado talaga. Diyan ako kinikilig e, kapag detalyado ang nagaganap. 😁
Isa na ito sa susubaybayan kong kwento rito. Wala pa akong ideya kong ano ang magiging takbo ng kwento nila kaya naman kailangan kong malaman. 😄
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Unang beses kong sumubok magsulat nito kaya nahihirapan pa akong mag hati hati o magputol putol ng mga kabanata. Buti na lang sinubaybayan ko ang BNM mo, nagka-ideya ako. Hehe. Salamat sa pagbabasa ate @jemzem. ♡♡♡
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Iyan din ang napansin ko sa unang bahagi. Pati rin 'yung tuloy-tuloy na talata na walang putol. Pero hindi ko na muna pinuna dahil gusto ko munang basahin ang latest update mo bago ako mag-judge. Charing. 😁
Pero base nga sa latest post mo, naayos mo naman ang problemang iyon kaya good job na. 👍
Ipagpatuloy mo lang at gusto ko ring malaman kung ano ang magiging daloy ng kwento nila at kung paano ito magtatapos. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. Salamat ate Jemzem. :-) Libre lait din naman talaga yan, inilagay ko sa dulo. Haha. Lalo na kung galing sa iyo. ♡♡ Para mas matuto pa ako. Parang naging ebolusyon ng writing journey ko tuloy itong pabebeng nobela na ito na balak ko sana ay maiksing kwento lang. Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang bilis mong matuto, mam @romeskie. Para sa isang writer, best teacher din talaga ang pagiging reader. Kung ikukumpara ko ang unang bahagi ng Summer Love hanggang sa pinakabago mong post na Ikalawang Bahagi ng Tadhana, napapansin kong ang bilis ng improvement mo. Observation nga lang yata at practice, ang bilis mo nang matuto. Ang galing-galing, mam Rome! Natutuwa talaga ako kapag nakakakita ng improvement ng kapwa kong manunulat. ❤❤❤
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Aww.. nakakataba ng puso ate @jemzem.. salamat sa mga magagaling din na manunulat kagaya mo. Maraming baguhan na natututo nang husto.. :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit