Literaturang-FIlipino: Kababalaghan sa Pagmamahalan

in literaturang-filipino •  7 years ago  (edited)

paranormal-84193_960_720.jpg

image source
Si Vincent at Anna ay isang magkasintahan. Simula noong bata pa lamang sila ay palagi na silang nagkakasama. 8 taon na silang magkasintahan.

Simula noong hayskul palang sila, napakatamis na talaga ang pagmamahalan ng dalawa.

"Mahal, wag mo akong iwan ha, mahal na mahal kita", sabi ni Anna sa kaniyang napakamahal na kasintahan.

"Oo naman, kahit ano ang mangyayari, lage lang akong nandito para sa iyo"

Sumapit na ang kinatatakutan ng dalawa, ang pagkokolehiyo ni Anna. Si Anna ay mag-aaral sa Lungsod ng Cebu upang kumuha ng kursong titser. Si Vincent naman ay magtrabaho na lamang siya para sa kaniyang pamilya.

"Mahal, kahit malayo tayo sa isa't-isa, pupuntahan parin kita doon sa Lungsod ng Cebu, mula dito sa Bantayan, tuwing biyernes" sabi ni Vincent.

"Wag na, mapapagod ka lang. Total hindi naman ako maghahanap ng iba eh, mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Uuwi nalang ako dito sa Bantayan, kahit isang linggo lang sa isang buwan" sabi ni Anna.

Pumunta si Anna sa Lungsod ng Cebu sapagkat malapit na ang araw ng pasukan.

Binisita ni Vincent si Anna, biyernes iyon, at hindi makapaniwala si Anna na talagang pinuntahan siya ni Vincent.

"Grabe ka talaga mahal ko, talagang mahal na mahal mo ako" sabi ni Anna.

"Oo naman"

Umuwi din si Vincent pagkagabi. Nagmotorsiklo siya galing Sa lungsod ng Cebu papuntang Bantayan.

Tuwing biyernes, laging bumibisita si Vincent kay Anna. Hanggang sa ikatlong biyernes ng kanyang pagbisita, nagulat si Anna kung bakit alas 8 na ng gabi naka bisita si Vincent sa kanya. Nakita niya itong nakatayo sa isang puno ng mangga, tinahol siya ng aso. sinabi ni Anna na "Mahal! Akala ko di kana bibisita ngayon kasi gabi na"

"Kahit anong mangyari, bibisitahin kita."

Hanggang sa ikaapat at ikalima ng biyernes, patuloy parin ang pagbisita ni Vincent. Nagplano ang dalawa na pupunta sila sa Lungsod ng Bogo upang puntahan ang kanilang kaibigan, magkita lang silang dalawa doon sapagkat malapit lang ang Isla ng Bantayan sa Lungsod ng Bogo.

Hanggang dumating na ang araw. Nakatayo lang si Anna sa Parke ng Lungsod at hinintay si Vincent. Nakita siya ng kaibigan niya "Uy Anna! Bakit ngayon ka lamang dumating? Lage ka naming tinatawagan ngunit hindi ka "contact". Sayang naman at hindi ka nakapunta sa burol niya. Matagal nga siyang nilibing kasi hinintay namin ang pagdating mo"

Naguguluhan si Anna at sinabing" Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Di mo alam?"

"Ano nga?"

"Patay na si Vincent! Di mo alam?"

"Ano??????!!!!!, binisita pa nga niya ako doon eh tuwing biyernes. Wala naman akong natanggap na tawag sa inyo"

"Yung ikatlong araw na pagbisita niya sa iyo, nadisgrasya siya, at namamaga ang utak niyo kaya namatay"

(Umiyak si Anna) Doon niya napagtanto kung gaano pala siya kamahal ni Vincent. "Kaya pala siguro hindi ako ma tawagan ninyo kasi ayaw niyang mag-alala ako?"

Bumisita si Anna sa puntod ni Vincent. Paiyak niyang sinabi "Mahal ko, hinding-hindi ako mag-aasawa. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba. Maghintay ka diyan ha? dahil magsasama tayo diyan sa langit balang araw."

Ngayon, si Anna ay hindi na nag-asawa. 51 taong gulang na siya ngayon, at patuloy na iniisip ang kababalaghan sa kanilang pagmamahalan.

Sa panunulat ni @ryancalaunan

Ang storya ay hango sa totoong pangyayari

Nickjays finished.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.