Mga kaibigan kong Steemians samahan niyo po ako sa pagbabalik tanaw sa pagmamahalan ng aking minamahal na mga magulang. ๐
Apat na dekada na ang nakalipas sa matamis na pagmamahalan ng magkasintahang Mameng at Donio na nauwi sa simpleng kasalan. Dahil sa wala pa silang kakayahan bumukod, nakitira lang muna sila sa tahanan ng mga magulang ni Donio. Hanggang sa sila ay nakagawa ng simpleng bahay kubo. At nagkaroon sila ng unang anak na lalaki, nasundan ng ikalawang anak na lalaki na nagkasakit at binawian ng buhay. Dahil sa hirap ng buhay nagtrabaho sa malayo si Donio bilang sundalo. Habang si Mameng na nagdadalang-tao ay naiwan sa bahay. Lubos na nag-aalala si Mameng sa kaligtasan ng mahal niyang asawa. Dahil ayaw ni Donio na mag-alala si Mameng sinakripisyo niya ang pagiging sundalo para sa kanyang pamilya. Naging masaya sila sa pagdating ng anak na babae. Nasundan pa ng isang babae at isa pa (ako na yun ang bunsong babae ๐). Hindi lamang lima ang anak nila kundi walo dahil nasundan pa ng tatlong lalaki. Subalit dahil nawala sa kanila ang pangalawang anak nila, pito lahat ang mga anak. Hindi naging simple ang buhay nila dahil sa laki ng kanilang pamilya. Sa kabila ng lahat, pinagsumikapan ng mag-asawang nagmamahalan na maibigay ang pangangailangan ng kanilang malaking pamilya. At nagbunga ang kanilang pagsusumikap, nakapagtapos ang kanilang mga anak, nagkatrabaho at ang iba ay meron ng sariling mga pamilya. Kahit malalaki na ang mga anak nila makikita pa rin sa kanilang mga mata ang tamis ng pagmamahalan na meron sila. Pagmamahalan na walang hanggan. Kahit ano pang pagsubok ang dumating sa kanila ay haharapin nilang magkasama at patuloy na ipaparamdam sa bawat isa ang tamis at tatag ng kanilang pagmamahalan kasama ng mga anak at mga apo nila. At kanilang ibabahagi at ipapadama sa kanilang mga anak at apo ang bunga ng kanilang matamis at matatag na pag-iibigan. Sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay mas pinili nila ang patuloy na mabuhay sa pagmamahalan na walang hanggan at napagtagumpayan ang mga hamon sa buhay. ๐๐๐
Sana po ay nagustuhan niyo ang alay kong kwento ng aking mga mahal na magulang. ๐๐
I am grateful of my parents love story. ๐๐๐๐๐๐
Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! ๐๐๐
Everyday is worth to be grateful of!
How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! ๐๐๐๐๐๐
P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:
Yours truly,
@shikika with much love ๐๐๐๐๐๐
Keep steeming! ๐๐๐
Loving each other to grandparents
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Love keeps the relationship stronger. ๐
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post has received a 0.10 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by shikika from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit