Literaturang Filipino : "ROOM 317 10:38 P.M."

in literaturang-filipino •  7 years ago 

"T-t-tama na..." paulit-ulit niyang sambit. Kahit hinang-hina na, patuloy siyang nagmakaawa. "Utang na loob… tama na…" Isa, dalawa, tatlo... hindi na niya nabilang kung ilang ulit iyon ginawa sa kanya. Wala na siyang lakas ngunit patuloy siyang nagpumiglas. Napasulyap siya sa relong bilog na nasa dingding. 10:38 PM. "Anton..."

Chief Torralba: Anton Almaceren. Bradley Buenavista. Carlos Cruz. Tatlong bangkay sa iba't ibang lugar ngunit magkakatulad ang paraan sa pagpatay, ang kasangkapang ginamit sa krimen, at ang tinatayang oras ng pagpanaw.

Detective Martinez: Isang matalim na barahang "Queen of Hearts" na gawa sa carbon steel ang nakasaksak sa pribadong parte ng mga bangkay, mukhang ito rin ang gamit upang sugatan ang iba't ibang parte ng katawan nila.

Detective Santiago: Lingchi. 'Yan ang sining ng pagpapahirap na galing sa mga Intsik. Sinusugatan at hinihiwa ang iba't ibang parte ng katawan ng biktima upang ito'y maghirap nang husto at kalauna'y mamatay sa kawalan ng dugo. Matindi ang galit ng salarin sa tatlo.

Detective Martinez: Makikita sa tiyan ng mga biktima ang mga inukit na katagang "ROOM 317 10:38 P.M."

Pareho ang estilo sa pag-ukit at masasabi nating iisa lang ang gumawa ng lahat nang ito.

Torralba: Mukhang konektado ang kaso ngayon sa kaso isang dekada na nakaraan, ang "Aira Peralta Rape-Slay Case". Pinatay matapos gahasain ang dalagang si Aira ng tatlong lalaki. Dahil galing sa makapangyarihang pamilya, naibaon ang kaso at kakaunti lamang ang nakakaalam dito. Mukhang paghihiganti ang motibo sa krimen ngayon.

Santiago: May kapamilya o kasintahan ba si Aira Peralta na maaaring naghihiganti ngayon?

Torralba: Ulila na si Peralta at wala siyang kasintahan. Mayroon siyang kakambal na lalaki, si Anton Peralta, ngunit sampung taon na siyang comatose sa Brightwood Hospital dahil sa isang aksidente. Naaksidente si Anton isang linggo bago ginahasa at pinatay si Aira, kaya hindi siya ang ating suspek.

Santiago: Si Almaceren ay pinatay sa kanilang mansyon, si Buenavista ay pinatay sa loob ng kwarto niya sa hotel at si Cruz ay pinatay sa loob ng kanyang opisina. Paano nakapasok at nakalabas ang salarin nang walang nakakakita? Hindi rin ito nahagip ng mga CCTV cameras.

Martinez: Nakakapagtaka rin ang resulta ng imbestigasyon ng forensics. Ayon sa kanila, walang bakas na may ibang tao sa loob ng kwarto ng bawat biktima. Walang fingerprints at footprints na maaaring makapagturo sa salarin. Para bang... lumilipad ang pumatay sa kanila.

Santiago: Multo! Baka multo ni Aira Peralta ang pumatay sa kanila at--

Torralba: Nababaliw ka na ba?! Anong multo ang pinagsasasabi mo?!
Insp. Cordovez: Chief, may isang Anton Peralta na nais kumausap sa'yo.

Anton: Astral projection.

Martinez: Ano daw?

Santiago: Astral projection, ang paghihiwalay ng kaluluwa ng isang tao sa kanyang pisikal na katawan. Sinasabi mo bang astral body mo ang pumatay sa mga gumahasa sa kapatid mo? Aba Chief, baliw din to.

Peralta: Hindi ba kayo nagtataka kung bakit sabay-sabay na pinatay ang mga hayop na iyon kahit wala sila sa iisang lugar? Walang nakitang lumabas-masok kwarto nila at wala ni isang bakas na iniwan ang salarin, hindi ba?

Martinez: Diyos ko...

Nagising ang dalagang si Aira sa isang kwarto. "Nasaan ako? Bradley? Bradley, ikaw ba 'yan? Nasaan ako?" Hindi siya sinagot ng binata. Bagkus, unti-unti itong lumapit sa kanya habang dahan-dahang hinuhubad ang damit nito. "Brad, anong ginagawa mo?! Lumayo ka! Tulong!!"
"Ano ba 'yan, Brad?"
"Carlos! Tulungan mo ako! Utang na loob!" Hindi pinansin ni Carlos ang hinaing ng dalaga.
"Dalian mo na 'yan, takam-takam na akong tumikim dyan," natatawa-tawang sambit ng kararating lang na si Anton Almaceren.
"TULONG! TULUNGAN 'NYO AKO! TULO--" hindi na nakasigaw pa ang dalaga nang suntukin siya sa tiyan. Unti-unti na siyang nawawalan ng malay.
"T-t-tama na..." paulit-ulit niyang sambit. Kahit hinang-hina na, patuloy siyang nagmakaawa. "Utang na loob… tama na…" Isa, dalawa, tatlo... hindi na niya nabilang kung ilang ulit iyon ginawa sa kanya. Wala na siyang lakas ngunit patuloy siyang nagpumiglas. Napasulyap siya sa relong bilog na nasa dingding. 10:38 PM. "Anton..."
"Anton, kapatid ko. Pasensya na... hindi ako makakadalaw..."

Peralta: Nasaksihan ko kung paano nila binaboy si Aira dahil nandoon ako noong gabing iyon. Iyon ang unang beses na nag-astral project ako. Nandoon ako ngunit wala akong nagawa...

Torralba: Ang mga barahang ginamit mo, bakit "Queen of Hearts?"

Peralta: Dahil si Aira ang reyna at ako ang hari. Hindi nagawang protektahan ng hari ang kanyang reyna..


Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng oras para magbasa sa blog na ito. Nawa'y nagustuhan ninyo ang aking munting handog sa inyo na ipamalas ang talento ko sa paggawa ng mga kuwento :)

Ito ay entry para sa "Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. (Contest#4)" sa @steemph.cebu #literaturang-filipino at #mahika

Hanggang sa muli,
@thonnavares

Credits : 1 2345

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

W0w so wow

Thank you kabayan! Masaya akong nagustuhan mo :)

Ang ganda ng pagkakagawa ng kwento napakahusay.

Maraming salamat igan ! :)

Isang napakagandang kwento ..

Thank you so much for reading :)

Abay magaling. Kahanga hangang kuwento.

Thank you @baa.steemit naway supurtahan mo ko hanggang sa huli :)

Magaling po! Para akong nanunuod ng ang probinsyano sa scripting wala nga lang magic si Kardo ay meron pala unli bala at hindi namamatay


Good luck po sa contest ng steemph.cebu.
Pwede ko po bang i share ang gawa nyo sa FB page ko? Salamat po :)

Maraming salamat po sa pagbasa haha para ngang may pagka probinsyano.
Maaari nyo pong i share :)

Salamat po ng marami 😇 done na po. Na share ko na sya sa aking FB page. sympre nandun parin ang link ng gawa nyo muli good luck po at salamat sa pahintulot 🙏

Mahusay

Salamat bro :)

nice one, keep it up. @chetachi26

wow! napakaganda naman ang kwento mo sir @thonnavares, kudos sayo. mabuhay ka.!

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by thonnavares being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Very interesting, nice work. ID @grace234

Thank you grace :)

great job, thanks for sharing @jamescrusader

Thank you james , Much appreciated

Wonderful to see how energetic the friendly faces of Philippines are thank you for sharing.

Greetings from @kryptonia