Tanghaling tirik ay binagtas ni Mayumi ang eskenita sa may simbahan. Mabagal lang ang kaniyang paglalakad sa dahil siya ay nagdadalang-tao.Tuliro syang nakikipagbalyahan sa mga taong dumadaan. Hindi alintana ang kaniyang kalagayan nagpasikot-sikot siya upang hanapin ang pwesto ni Aling Charing. Sikat siya sa mga buntis, hindi dahil sa isa siyang komadrona ngunit dahil sa siya lang ang nagtitinda ng mga gamot pampalaglag.
Hindi mo aakalain na ang mga halamang nakahanay ay kaniyang ginagamit upang kitlin ang buhay ng sanggol. Isama mo pa ang mga botelya ng langis, at mga tableta ng cytotec na maaring pagpilian.
Isang matamis na ngiti ang ibinungad ni Aling Charing kay Mayumi, alam niya na sa pagdating ng dalaga siya ay magkakaroon na naman ng pera. Tahimik lang ang kanilang naging transakyon at pagkatapos niyang mabili ang kailangan siya ay umalis nadin.
Ngunit bakit nga ba sumagi sa isip ni Mayumi na kitlin ang kaniyang supling sa sinapupunan?
Ang batang ito ay produkto ng pagmamahalan nila ni Makisig, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon napatay ng mga rebeldeng NPA ang kaniyang kabiyak at doon na nag-umpisa ang kaniyang dusa. Walang kakayahan si Mayumi na buhayin ang sanggol, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at tanging paglalaba lamang ang kanyang alam na ikabubuhay.
Sa kaniyang pag-uwi, agad niyang inihanda ang sarili sa gagawin. Apat na tableta ang kaniyang tinunaw sa kaniyang dila at iniluwa ang mga hindi natunaw paglipas ng tatlumpung minuto. Kanya itong inulit hanggang sa makaubos siya ng labing dalawang tableta.
Humilab ang kaniyang tiyan sa sakit, malakas ang kaniyang sigaw at unti-unting dumaloy na ang dugo sa kanyang hita. Sa lakas ng kaniyang sigaw, narinig ito ng kaniyang mga kapitbahay, dahilan upang siya ay saklolohan. Sumigaw siya ng sumigaw na hindi nya kailangan ng tulong at nagsabing hayaan nalang siya hanggang sa siya ay mawalan na ng malay.
Sa kaniyang pagmulat, siya ay nasa pampublikong hospital na. inaasikaso ng mga nars na nakadestino. Agad niyang tinanong kung napaano na ang bata at sinabi naman ng nars na kaniyang bantay na siya ay nakaligtas at nasa inyubeytor dahil sa ito ay kulang pa sa buwan.
Dito na nagwala si Mayumi na dapat sana’y namatay nalang ang bata dahil sa hindi naman niya ito kayang buhayin pa. Sana’y dalawa silang namatay para sa gayon silang mag-ina ay wala ng paghihirap pa.
Tumulo ang luha sa mata ng nars at sinampal si Mayumi.
Sinabihan niya ito na dapat hindi nya sukuan ang buhay at naroon ang kaniyang supling nakikipaglaban para makita ang mundo. Sana’y maging matatag din sya dahil siya ang magiging sandigan nito.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mayumi at nabatid na tama ang tinuran ng nars. Nagdasal sya na maging maayos ang kalagayan ng kaniyang anak at dininig naman ng Diyos ang kaniyang panalangin.
Naghirap siya sa una ngunit sadyang matalino ang bata at masipag at sa huli ang buhay nila ay guminhawa.
Paano ko nasabi? Ako ang supling na nabanggit at ito ay ang kwento mula mismo kay Inay.
Bilang ng salitang nagamit ayon sa Microsoft Word: 496
Ang himala o milagro ayon sa wikipedia ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya na minsan ay palatandaan ng kapangyarihan ng Diyos. Sa nasabing akda, bagama't pinilit ipalaglag ni Mayumi ang kaniyang anak, isang himala ang naganap dahil sa:
- Narinig siya ng mga kapitbahay na nagdurusa,
- Nabuhay ang bata na dapat ay mamatay dahil sa kaniyang pag-inom ng gamot
- Natauhan si Mayumi sa mga pangyayari.
Ang nasabing akda ay mula sa malikot na diwa ni @tpkidkai, kung mayroon mang pagkakahawig sa tunay na buhay sa pangalan ng karakter at pangyayari ito ay pawang nagkataon lamang.
Nawa'y inyong naibigan ang aking likha para sa patimpalak ng @steemph.cebu
grabe!, tumaas balahibo ko don ah. "dapat sana’y namatay nalang ang bata "
Galing sir @tpkidkai, salamat muli sa pag likha at pag share sa gawa mong kwento.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
salamat bro sa pagbisita at pagbasa ng aking munting akda. Medyo mahirap ang prompt ngayon ng patimpalak ng steemph.cebu taliwas ito sa mga pabebe kong kwento. Salamat at iyong nagustuhan!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit