120-Taong Independensya: Pilipinas, Malaya Nga Ba?

in literaturang-filipino •  6 years ago 

Ginoong Virgilio S. Almario, National Artist

Ilang araw na ang nakakaraan, isa ako sa mga maswerteng tao na nabigyan ng pagkakataong makilala ng personal ang isa sa ating mga National Artists na si Ginoong Virgilio S. Almario. Natatandaan ko pa ang kanyang pangalan bilang awtor ng mga librong ginagamit namin noong ako ay nasa kolehiyo pa at ang makita siya sa personal ay isang malaking karangalan. Siya rin ang kasalikuyang Commissioner ng Komisyon ng Wikang Filipino.

Isa ako sa mga ipinadala ng aming tanggapan upang makilahok sa seminar na ibabahagi ng Komisyon ng Wikang Filipino upang itaguyod ang ating Pambansang Wika at gamitin ito sa lahat ng ahensya ng gobyerno lalo na sa mga komunikasyon at korespondensiya.

Si Ginoong Almario ay isa sa mga tagapagsalita at isa rin siya sa mga nanguna sa pagpapatayo ng Bantayog Wika sa lalawigan ng Bukidnon bilang pagkilala sa Wikang Binukid bilang bahagi ng Wikang Filipino.

Ano nga ba ang Komisyon ng Wikang Filipino at Bantayog Wika?

Bantayog Wika

Lingid sa kaalaman ng karamihan, mayroong isang ahensya ng gobyerno na naglilibot sa buong bansa upang magsaliksik, intindihin at gawing bahagi ng kabuuang Wikang Filipino ang bawat salita at dialekto mula sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Upang mas malinaw, narito ang kanilag mandato;

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Filipinas. Batas Republika Blg. 7104 Batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin.

Ang gawaing ito ay isang malaking responsibilad lalo na at ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t iba at hiwa-hiwalay na lugar at may kanya-kanyang dialekto. Isa itong malaking hamon lalo na at dati ay Tagalog ang batayan ng Wikang Filipino na sa mga katulad kong taga Visayas at Mindanao ay napakalayo sa aming wikang nakagisnan. “Bakit kami magsasalita sa Tagalog kung mas komportable kami at mas naiintindihan namin at ng aming kadalasang nakakasalamuha na ginagamit ang Cebuano-Bisaya?” Isa ito sa mga kinakaharap ng hamon ng komisyon.

Ang Bantayog-Wika ay proyekto ng Komisyong ng Wikang Filipino na isinasabuhay ang mga katutubong wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatayo ng pisikal na estruktura na magsasagisag ng kahalagahan nito kasama ang gawi, tradisyon at kulturang Filipino. Layon nito ang pagsasangkongreto ng isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural heritage).

Mga Pamantayan sa Pagsusulat na Natutuhan ko

Nakakahiya mang aminin ngunit ang dami kong hindi alam sa sarili kong wika. Kaya’t malaki ang aking pagpapasalamat sa mga bagay na natutuhan ko mula sa seminar na hatid ng KWF. Kaya, ibig kong ibahagi rin ito sa inyong lahat.

Kung Anong Bigkas ay Siyang Sulat

Ito ay ang pangunahing tuntunin sa pagbabaybay na pagsulat. Ibig sabihin kung paano bigkasin ang isang salita ay sa parehong paraan din ito dapat isulat.Ngunit, kailangan mo rin isaalang-alang ang mga sumusunod;

Modernisadong Alpabeto

Mayroong walong titik na idinagdag mula sa dating abakada. Kung inyong natatandaan, dati ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z ay wla sa ating abakada. Ngunit dahil na rin sa pag galang natin sa mga katutubong wika ng Filipino ay idinagdag natin ang mga ito lalo na at wala itong katumbas sa Wikang Filipino. Kagaya na lamang ng salitang “Ifugao” na dati ay isinusulat natin sa “Ipugaw”. Dahil na rin sa masigasig na pagsusuri ay naintindihan natin na mayroong titik na “f ang mga Ifugao na wala sa Tagalog o kahit sa ano mang nangungunang Wika ng Filipino.

Ang mga modernong alpabetong ito ay maari na nating gamitin sa mga bagong hiram na salita mula sa Ingles, Espanyol at iba pang lengwahe. Ngunit, pakakatandaan ang alituntuning ito ay para lamang sa mga bagong hiram at hindi na kailangang i-apply sa mga nakagawian ng salita kagaya ng “porma”. Hindi ibig sabihin na sapagkat tanggap na natin ang letrang “f” ay ibabalik natin sa paggamit ang orihinal na salitang “forma” mula sa Espanyol sapagkat ang salitang porma at ang iba pang mga deratibo nito kagaya ng pormal, impormal, pormalidad at pormalismo ay nakagawian na.

Espanyol muna Bago Ingles

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat o kahit ng buong mundo ang tagal ng panahon na tayo ay nasa ilalim ng kolonisasyon ng Espanya at ng Amerika. Dahil na rin sa pananakop na ito ay naimpluwensyahan na rin pati kung paano natin gamitin ang ating wika. Kaya, sa mga panahong nag-aalilanlangan tayo kung alin sa dalawang impluwensya ang dapit sundin, inimungkahi na sundin muna ang salitang Espanyol bago ang Ingles. Halimbawa sa salitang “bagaje” ng Espanyol, mas mainam itong gamitin kaysa sa “bageyds” (baggage) ng Ingles. Alalahanin ulit na dito kailangang isaisip ang tuntuning “kung ano ang bigkas ay siya ding sulat.”

Mga Salitang Siyokoy

Ayun kay Ginoong Virgilio Almario asy dahil na rin sa kakulangan ng bantay-wika ay maraming nagsipaglaganap ng mga salitang siyokoy. Ito ay ang mga salitang hindi nagmula sa Espanyol o Ingles at bunga lamang ng kakulangan ng unawa o kamangmangan sa wikang Espanyol o Ingles. Halimbawa nito ay ang mga salitang “aspeto” na kung sana ay dapat “aspekto” kung susundin ang “aspecto” ng Espanyol o “aspect” ng Ingles.


Ang lahat ng ito ay simpleng pasilip lamang sa tatlong araw na seminar na ginawa ng KWF at kung totohanin, marami pang importanteng bagay na maari kong ibahagi sa inyong lahat upang matutuhan niyo rin ang mga alituntunin sa pag gamit ng Wikang Filipino. Upang mas maunawaan natin, napag-isipan kong gumawa ng ibang artikulo sa bawat teknikal na alituntnin upang maging mas focus ang ating pag-aaral at maiwasan ang kalituhan. Ang mga sumusunod ay mga teknikal na alituntunin na ibabahagi ko sa inyo sa susunod ko pang mga gawa;

  1. Wastong Gamit ng Gitling
  2. Mga Bantas
  3. Kasong Kambal-Patinig
  4. Kasong Kambal-Katinig at Digrapong SK, ST, SH KT
  5. Palitang E/I at O/U
  6. Pagpapalit ng D tungo sa R
  7. Kailan “Ng” at Kailang “Nang”

Sa dinami-rami kong gustong ibahagi sa inyo patungkol sa ating wika, kalakip nito ay ang pagtataka at halong hiya sapagkat karamihan sa atin ay sobrang gamay at todo ang pagkakadalubhasa sa wikang banyaga. Habang hanggang ngayon ay di pa natin lubusang naiintindihan paano gamitin ang sariling wika natin. Kaya, tanong ko lang... malaya nga ba tayo?

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much @c-squared!

Posted using Partiko Android

Ito pala ung sinasabi mong isusulat mo bes. Akala ko naman ang reason ng pag change DP mo. 😂 Maligayang pagbabalik sa platform!

Hahahahaha ssshhhhh!!!

Posted using Partiko Android

Maligayang pagbabalik, Valerie :D Napakaganda at napakamakabuluhan ng iyong akda ngayon. May mga bago akong natutunan at nais pang matutunan. Tiyak na aabangan ko ang mga susunod mong pagbabahagi tungkol sa larangan ng wika at pagsusulat.

@jazzhero!!!!!! Na miss kita ng sobra!!!!
Hahaha babalik ako sa discord, pramis.
May ibang pinagkakaabalahan lang. Nakakabaliw.
Pero na miss kita, totoo!

Sige, tapusin mo muna kung anuman yan at balik ka agad :)
Pag-igihan mo rin ang pag-aaral haha. Kitakits soon!