Magandang araw sa inyong lahat. Ako po ay labis na natutuwa na meron palang mga paligsahan sa paggawa ng mga kwento. Ito ay ginawa ko boung puso at itong kwento ay imahinasyon lamang sa aking isip.
May isang balitang kumalat sa bayan ng Cavite. Isang karumaldumal na krimen ang sinapit ng isang lalaki hababang binabaybay ang isang eskinita. Mahigit sampung saksak sa tagiliran at ilang hampas ng bakal ang inabot ng biktima. Sa hindi pa ito binawian ng buhay ay humiling pa raw ito ng isang kahilingan ngunit hindi pinagbigyan ang biktima at hinampas pa ito ng malakas sa likod na agad namang nalagotan ng hininga. Maraming dumanak na dugo sa sahig habang ang biktima ay nakahimlay. Ang biktima ay si Berto na may hawak pa na kwintas na balak daw ibigay sa kanyang nililigawan.
Hindi nagtaggal si Berto ay nagpakita sa kanyang nililigawan. Ang nais ni Berto ay makita ang kwintas na kanya sanang ialay sa kanyang nililigawan. Isang gabi may isang pulubi ang nakakita ng kwintas. Pinulot ng matandang pulubi ang kwentas habang kinikilatis ito at sinusukat ay hindi nya ito nagustuhan.
Dumating na ang araw na kung saan handa na si Martha na ialay ang kanyang sarili ng buong puso para kay Berto. Sa sementeryo, nagtipon-tipon ang albularyo, si Martha at mga magulang ni Martha pati na rin ang malapit na kaibigan. Isang ritwal ang ginawa na kung saan sa isang baso ay inilagay ang kwentas at preskong dugo ni Martha mula sa kanyang kanang kamay. Kukunin ang kwentas at ito'y isusuot ni Martha habang unti-unting iniinom ang nasa baso. Biglang nanghina si Martha at agad binawian ng buhay. Umiyak ang lahat ng nakasaksi lalong lalo na ang kanyang mga magulang. Dahil nga sa nag-iisang anak lang nila iyon. Pagkauwi ng magulang ni Martha ay may nakita silang litrato na magkasama silang Martha at Berto sa iisang larawan. Silang dalawa ay masaya na at makikita sa larawan ang tunay na pagmamahalan ng dalawa.
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by vinzie1 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit