photo source
Hi po sa lahat, magandang araw po. Ito po ang una kong pagkakataon na sumali sa patimpalak na Ito at ang aking isusulat ay hango sa tunay na panyayayari at may hugot talaga. Wala po akong mapagkwekwentuhan at gusto ko na lamang ibahagi sa inyo. Lubos na po akong naapektuhan sa mga panyayayari sa aking matalik na kaibigan. Saktong sakto naman at pag-ibig ang ating tema ngayon.
Mahal mo pero sinusuntok mo? Okay lang na masaktan ka dahil mahal mo?
Habang kumakain ako, ito ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Pagmamahal pa ba ito? Sa buhay natin, pag-ibig na siguro ang isa sa pinakamasayang mangyayari at lubos na inaasam natin, diba? Pero ang pag-ibig din ay May iba 't ibang dimensyon. Isa na dito ang sakim na Pagmamahal o sobrang pag-ibig.
photo source
Araw-araw nalang may pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan itong aking matalik na kaibigan. Takot, nanginginig at umiiyak, Ilan lamang iyan sa aking nakasanayan at nadadatnan sa tuwing siya ay bumibisita sa akin. Hindi ko lubos maisip ang sakit at pait na kanyang nararamdaman. Niyakap ko siya. Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Ang kanyang mukha ay punong-puno ng pasa. Kitang kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Sakim na pagmamahal na ito, sigaw ng isip ko.
Matagal na magkasintahan itong matalik kong kaibigan at kanyang nobyo. Sa apat na taon ng kanilang relasyon ay hindi ko na lubos mabilang kong ilang beses na siyang muntik mapatay nito. Minsan hinahampas sa pader, sinasaktan gamit ang sinturon, sinasakal at binubugbog. Ilan lang iyan sa mga nalaman habang siya ay nagkwekwento. Halos tumulo na ang aking luha habang siya ay nagsasalita. Litong lito siya sa puntong iyon.
Dagdag pa niya, hindi naman daw siya ganoon noon, pero bigla nalang daw nagbago ang pagtrato nito sa kanya. Mabilis na mag-init ang ulo at mas naging seloso Ito. May pagkakataon din habang siya'y mahimbing na natutulog at ginising siya ng suntok nito habang may dalang kutsilyo. Pinagbibintangan siyang may ibang kalaguyo o lalaki. Mahigit isang taon na niyang tinitiis ang pambubugbog na Ito.
photo source
Pero ang hindi ko lubos maisip ay bakit hindi parin siya nakikipaghiwalay at bakit siya kumakapit parin. Palagi na naming sinasabihan siyang humiwalay pero ganoon at ganoon at di niya parin lubusang magawa.
Sobra na talaga ang pang-aabusong ito.Maganda at edukada itong kaibigan ko at iyong ang lubos kong ikinakalungkot at ipinagtataka.
Ganoon na ba siya ka Martyr?
Ganoon na ba siya binulag ng SOBRANG Pagmamahal?
Hanggang kailan siya mag titiis?
Bilang isang kaibigan ako din ay litong-lito sa aking gagawin. Mayroong isang parte na pabayaan ko nalang at huwag na makialam. May bahagi naman sa akin na nagsasabing tulungan ko siya at gawin ang tama.
Sa ngayon ay hindi ko pa alam. Ibinahagi ko ang sensitibong kwento ito para mag bigay aral at leksyon at higit sa lahat mag mu lat sa ating lahat na ang SOBRANG PAGMAMAHAL AT PAGMAMALABIS ay may mga hindi magandang dulot.
Sana may natutunan kaayo sa aking kwento. Ang inyong mga komento at payo ay higit na makakatulong din sa aking sitwasyon ngayon☹️
Kahit anong sobra po ay walang magandang dulot. Kahit kailan ay hindi naging tama ang pananakit.
Minsan napapako nalang tayo sa ilusyon na "baka" magbago pa ang isang tao kaya tayo nananatili sa isang relasyon pero ang tanong hanggang kailan?
Kung kailan patay na sya. "I'd suggest na hiwalayan nya na she might die in the process."
She need to free herself from the chains of that called "love" most gentleman like us will do agree on my point believe me.
( Gosh napa English ako ng wala sa oras okay balik sa Tagalog"
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you po, oo nga po I get your point awang awa na ako sa kaibigan kong Ito. Hays😔 Hindi parin ndala
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by zam398 being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit