Literaturang-Filipino: Natuto Sa Panaginip

in literaturang-pilipino •  7 years ago  (edited)

received_1309713565840306.jpeg

Isang napakagandang babae ang umiiyak sa isang puntod. Maraming luha ang patuloy na nahuhulog sa isang napaka-awang mga mata na puno pagsisi. Siya ay si Anna.

"Ma, patawarin mo ako sa lahat na mga maling bagay na nagawa, Patawarin mo ako kung ikinahihiya kita at hindi ako nakinig sayo. Nagsisisi na ako." Mga salitang puno ng pagsisisi ni Anna. Patay na ang kanyang Ina.

Subalit, nang nabanggit nya ito, may narinig syang boses galing sa langit. " Anak, pinapatawad na kita, Mahal kita anak ko!"

Napatigil si Anna nang ilang segundo. Mukha niyang tila gumuhong gusali. "Ma bumangon ka!😥😥😥 magbabago na ako ma. Hindi man lang kita nayakap at nasabi ko sayo kung gaano kita kamahal. Ngunit ang kalaluan ko ang nangibabaw. Nagsisisi na po ako ina ko" Pasigaw niyang sinabi ang mga salitang ito. Kaya dali dali siyang ginising ng kanyang mga kaklase sabay tanong na "Anong nangyari sayo?"

Pagkagising niya ay biglang lumabas sa kanyang silid-aralan at pinuntahan niya ang kanyang ina. Yinakap niya nang mahigpit ang kanyang ina. "Ma, patawarin mo ako kung naging madamot ako. Natatakot akong mawala ka sa buhay ko ma."

"Okay lang anak"

Natuto si Anna sa kanyang panaginip. Isa siyang dating babae na pinagtabuyan ang kanyang ina. Sinisi niya ang kanyang ina sa kanilang kadukhaan. Gusto niyang lahat ng mga bagay ay mabili niya. Lagi siyang naiinggit sa mga kaklase niya tuwing may bagong damit at cellphones.

Ang panaginip ang nagsisilbing himala na nakapagbabago sa buhay niya.

Ito ay hango sa totoong sturya, si Anna Aquino, kaklase at kapit-bahay ko.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Kung sana lahat ng sutil na kabataan ay magising sa katotohanan minsan edi sana'y wala nang problema ang mga nanay at tatay.


Ito po ay isang entry sa patimpalak ng @steemph.cebu ang tamang tag po ay literaturang-filipino, Pa palitan nalang po siguro ang Cebu na tag at gawin nyo pong literaturang-filipino dahil sa hindi na mababago ang spelling ng inyong main tag.


Good luck po sa contest!

Salamat po ng marami 😊

Okay lang ang tag mo po. Gaya ng post ng kaklase ko ay na main tag niya ang cebu pero nanalo pa ito. Pero next time magdoble ingat nalang po. At tungkol sa storya mo ay malinaw naman pagkasunod sunod ng storya. :)