Ikalawang Serye ng Tula: #4 Tanghalan [Filipino Poetry Series]

in literature •  7 years ago  (edited)


Image Source

Isa kang malaking palabas na inuulan ng patalastas, wala ng mapanood sa pinilakang tabing na punit na sa mga gilid nito. Sa likod ay nakatayo ka at pinasisinagan ng yong lente ang kurtinang nakaharang sa kung ano ka, at kung sino ka.

Isa kang malaking palabas na mapagbalatkayo, nakatago sa maskara ng pagtatanghal, ipinapakita lamang ang mga kaaya-ayang eksena sa publikong pinaghahangaran mo ng masigabong palakpakang pupuno sa’yong tainga. Magbibigay ng galak sa mga lumuluha mong mata.

Isa kang malaking palabas, sumusunod sa pagkakasulat, umaayon sa anumang sabihin ng direktor na ang nais lamang ay itago ang yong tunay na anyo. Kung sino ka.

Hindi ka lang isa lang malaking palabas, isa kang tagpo na binubuo ng isang libong iba-ibang kwentong naglalaman ng libo pang mga indibidwal na tagpo na muli ay naglalaman ng di mabilang na istorya.

Isa kang makapal na iskrip na hindi mauubusan ng pahina ngunit walang mga nakasulat, kusa lamang itong napupuno sa paglipas ng bawat segundo, minuto, bawat pagtatanghal mo sa entablado.

Ngunit walang tabing, walang tatakip sa mundo upang hindi nila makita ang tunay mong anyong nababalot ng kagandahan, isang komplikadong likha ng sining na hindi kayang itanghal sa kahit saan.

Ngunit wala ring mga manonood, napapalibutan ka ng sandamakmak na tao sa paligid mo ngunit silang lahat ay may sari-sariling pagtatanghal, ang iba ay nakatakip, ang iba’y lantad. Ang iba’y mapagpanggap katulad ng kung ano ka sa ngayon, ang iba ay nagawa nang ibaon ang yaon sa kahapon.

Isa kang malaking palabas, na walang tatangkilik, walang sisigaw, walang mag-aabang, walang maniniwala. Sapagkat hindi naman yun ang importante. Sa palibot mo ay mga tao, pero bago sila ay napalilibutan ka muna ng mga salamin kung saan mapapanood mo ang iyong sariling pagtatanghal, ang iyong palabas, ang yong buong pagkatao, yun lang, ikaw lang, yun lang naman ang mahalaga; ang mapanood mo ang yong sarili at maunawaan mo na hindi mo kailangang magtago sa mga kurtina para lang maipalabas ang peke mong pagkatao sapagkat sa likod nito ay isang obra, isa kang obra...

Isa kang lang malaking palabas ngunit ikaw ang natatangi at pinakamakabuluhan sa lahat kung manonood ka lang.


Maraming Salamat!

Thank you so much!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Dumating ako sa punto ng buhay ko na gusto kong ihubog ang sarili ko ayon sa gusto ng mga magulang ko at ng mga kaibigan ko. Ninais kong mapasaya sila ng lubusan kaya pilit kong ginawa lahat ng magagandang adhikain at ibigay ang sarili ko ng buong-buo sa kanila. Sa unang tingin, iniisip nilang totoong nagagalak ako. Pero umaabot din talaga ako sa puntong kagaya ngayon, ayoko na. Pagod na ako. Nilalamon ako ng depresyon dala ng mga bagay na di ko nais mangyari. Ayokong maging isang palabas sa tanghalan.

Napakaganda. Magaling na magaling

Maraming Salamat!

Ganda.

Naliwanagan ako sa pagpapaliwanag ng paraan kung paano makita ang sarili mong anyo sa isang salamin na ikaw lamang ang makakakita.

isa kang tagpo na binubuo ng isang libong iba-ibang kwentong naglalaman ng libo pang mga indibidwal na tagpo na muli ay naglalaman ng di mabilang na istorya

Ibig ba nitong sabihin ay ang kapiraso mo ay kapiraso din ng iba ibang pagkatao sa anyo ng mga taong nakakatagpo mo at ikaw, maging sila man at bumubuo ng maliliit na istorya na magtatagpo din at magiging isang malaking istorya?

Nalito na ako sa comment ko haha. Salamat.bow.

Nalito na din ako sa tula ko e haha. May kulang. Mabilis yung shift.

No keep it as is.dapat mabilis din mag isip ang magbabasa haha.hanggang sa malito din sila.

i am looking for such post looking forward to see more important stuff from you

  ·  7 years ago (edited)

Wow.. you're so great... para akong naging ngongo. .. ang tagal ko n ring d nkapag basa ng mga Tulang Tagalog... nice piece!

Maraming salamat! :) Sorry napahirapan pa yata kita.

Minsan mas maganda talagang manood na lang kaysa maging isang malaking palabas lamang. :D

Thanks sa comment @zararina. :) Kaya lang minsan di naman ikaw nagtatalaga kung saan ka lulugar.

nahiwa dila ko sa pagbasa...pati rin naman puso ko sa ganda nito. astig @deveerei

Maraming salamat Sir! :)

walang anuman

Resteemed :)

Salamat ng marami Lence!

Amazing post @deveerei
You always bring some nice post to us. Thanks for sharing.

tsk ..galeng ! napa nganga ako whew!

Haha. Salamat! :)))

yun oh!

Simply summarised: great.

Thanks! :)