Tula # 11: Iniibig Kita [Filipino Prose Poetry Series]

in literature •  7 years ago  (edited)



Image Original by @deveerei

Basta ganun na yun, huwag mo nang itanong pa kung bakit
Gusto kita, higit sa kung anong maibibigay ng mundo
Iniibig ka kahit na hindi pa kita nakakausap
Kahit na hanggang titig na lang ako sa'yo sa maghapong nakaupo sa silya mo sa kabilang panig ng kwartong ito
Alam mo yun? Siguro hindi, malamang hindi nga.
Gusto kong maging mantikang tulog sa loob ng garapon na puso mo
Yung mahihirapan kang alisin, yung mabubuwisit ka
Gusto kitang kulitin
Gusto ko maasar ka sa akin
Baka sakaling sa ganong paraan, mapansin mo din ako
Sumagi din ako sa isip mo
O baka, baka lang naman, tumambay din ako dyan
Gaya ng pagtambay mo sa puso ko
Sa maghapon, sa magdamag
Sa bawat araw na dumadaan, ikaw na yata ang pumupuno dito
Madami na akong utang sa'yo, andaming araw na kinumpleto mo
Gusto ko din sanang bayaran yun
Baka sabihin mo di ako marunong tumanaw ng utang na loob
Sabihin mo lang, bubuuin ko din yang araw mo
Basta ganun na nga yun, huwag ka na ding makulit
Hindi ko sasagutin kahit ilang beses ka pang magtanong
Gusto talaga kita, at walang papalit sa'yo kahit pa buong mundo
Ikaw kasi yung mundo ko
Ibig kang kausapin para maipadama ang laman ng puso sa'yo
Hindi yung buong araw ka na lang tititigan at hanggang dun na lang
Nakaupo sa silyang malayo sa kinauupuan mo
Nahuhumaling sa ngiti mong sana lumapit naman
Kahit minsan lang
Alam mo yun? Siguro alam mo na nga
Masyado na yata akong halata
Pero pinili mong huwag pansinin, ipagwalangbahala
Gusto kong makulong sa puso mong magiging hawla ng pag-ibig ko
Yung mahihirapan akong makatakas, yung habambuhay na akong bihag ng pagmamahal mo
Gusto kong ibigin mo din ako
Gusto kitang hagkan
Gusto ko mahulog ka din sa akin
Sa kahit ganong paraan man lang ba, mapansin mo din ako
Sumagi din ako sa puso mo
O di kaya, sana lang, dyan na ko manatili
Sa maghapon ng lahat ng magdamag
Sa bawat araw na darating, na sabay nating pupunuin
Madami na akong naisulat dito, andaming katangahan na di makukumpleto
Gusto ko sanang matupad pero
Baka sabihin mo lang, nahihibang na yata ako.



Makikita ang orihinal na tula sa website sa Wordpress at Tumblr.

Ini-schedule na post gamit ang Streemian.

Nais mo bang gumawa ng tula at manalo? Pumunta sa blog ni @jassennessaj at sumali sa kanyang patimpalak.

Napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang serye ng tula - itong ang ika-sampung paglalathala. Tignan ang ika-pito.


Maraming Salamat!

Thank you so much!




Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ligaw tingin na tula. Galing. :D

Salamat!

nice @deveerei i folow u!

Thanks.

Palakpakan! 👏👏👏 Nice @deveerei!

Salamat salamat!

Reading while playing the song "ikaw na nga by willie revillame"

Maganda rin naman yang kanta na yan. Magaling writer.

Napaka sweet kung babasahin ng iyong sinisinta @deveerei

Maraming salamat.

Sa maghapon ng lahat ng magdamag...

Lol! Wahahahahaha the best ito! Weeee!