Tula # 14: Sugal [Filipino Prose Poetry Series]

in literature •  7 years ago 



Image Source

Sabi nila dapat daw sumugal, itaya ang lahat lalo na sa larangan ng pagmamahal. Yung tipong kahit wala ka nang ibibigay ay magbibigay ka pa rin, pilit mong pipilitin hanggang wala ka nang kayang pigain.

Sabi nila sapat na daw kahit matagal, biyaya ng lahat ng palalo sa lansangan na puno ng pagal. Yung tipong kaya mo pang maghintay pa rin, at patuloy na maghihintay patungon sa punto ng pagsuko kasi wala ka na palang hihintayin.

Isa kang hangal, sa pakikinig. Inubos mo ang iyong dangal, nakakapanginig. Sinayang mong lahat ng oras na pumatak patungo sa lupa ng kawalan. Inupos ang lahat ng bagang nagbibigay buhay sa pag-ibig mong mula sa puso mong walang katapusang kaibuturan.

Dasal ka ng dasal pero di ka marunong makinig. Kinapos ka na sa biyaya ng Maykapal hindi ka pa rin makatindig. Itinapon lahat ng luhang nabuno ng kahihintay. Ibinuhos ang natitirang pag-asang ang inaasam mong pangarap na pag-ibig sa isip mo na lang pala mabibigyang buhay...

Sabi nila wag kang susugal, kung hindi mo kayang matalo sa larangan ng pagmamahal. Pagmamahal? Pagpapakapagod at pagpapakapagal. Isa kang asong ulol na walang pinatunguhan - batang lansangang walang pinag-aralan at pinagkaitan ng matinong utak na kayang matuto - mula sa mga kinasadlakan at mga pagkakamali. Ayaw mo kasing sumuko. Hintay ka ng hintay sa wala kasi sa maling direksyon ka nakatingin. Pilit ka ng pilit pero maling tao yugn napagdiskitahang pilitin.

Sabi nila pag tatawid ka daw sa kalye tumingin ka sa kaliwa at sa kanan. Para di ka masagasaan. Pag tatahak ka sa daan ng pag-ibig nakabubuti ring tumingin muna sa kaliwa at sa kanan. Una, baka hindi ka makatawid kasi mabilis yung mga sasakyang bumabagtas ng mainit na aspalto. Pangalawa, baka kailangan mo lang humanap at tumiyempo ng tamang pagkakataon para makatawid ka ng ligtas patungo sa kanya. Ikatlo, at huli, baka pagtingin mo sa kaliwa - o kaya'y sa kanan - may kasabay ka palang naghihintay. Baka pagtingin din nya sa kaliwa - o di kaya'y sa kanan - magtampo ang inyong mga matang namumungay.

Malay mo...

Love at first sight pala.


Orihinal na tula unang nailathala dito sa Steemit. Draft talaga to - walang edit - basta na lang isinulat - walang paghahanda - walang konsepto. Basta na lang hinayaang tumula ang mga daliri sa keyboard.

Ini-schedule na post gamit ang Streemian.

Napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang serye ng tula - itong ang ika-labing-apat na paglalathala.


Maraming Salamat!

Thank you so much!




Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

very nice

This is nice!

Inlab si kuya! :-)

:) Lahat naman ng tao in love - ayaw lang umamin nung karamihan haha.

Awkward kase minsan haha! So mas mabuti na lang ma-inlove sa sarili or sa ibang bagay like kung ano yung passion mo sa buhay. :-)

Gusto ko yan. :)

wow nice post on steemit
I will support you,upvoted
You all have good news from me that you work with me so you can earn a lot of money but you do alone
So you have taken a lot of time like you did not even mind afterwards, speaking in this for the sake of doing mill work, we can earn a lot of money in one month.
If you want to contact me, send me a WhatsApp number message.=======9737525233===========