Paanu ako Magluto ng"Sinampalokan na Manok"?"Tagalog Blog."

in lutongbahay •  7 years ago  (edited)
Magandang Umaga Mahal kung mga ka Work dito sa Steemit Community,

Ngayong umagang eto magbabahagi ako sainyo ng bagong recipe simple at murang halaga pero masarap. Eto ang "Sinampalokan na Manok" ang mga sangkap nito hindi mahirap hanapin sapagkat nasa tabi tabi lang eto ng kalsada mabibili sa tindahan ng gulay na naka kariton or vendors. Ang mga kailangan natin na sangkap andito sa baba sundan ninyo ako😇.

IMG_20170826_121236.jpg

Ang aking Sinampalokan Manok

Mga Sangkap:

3/4kls Manok
4 na tasa ng Hugas Bigas
2tali ng Kangkong
1pirasong Labanos
1pirasong Talong
2tali ng Okra
Luya hiniwa
1piraso ng Sibuyas hiniwa
3 piraso ng Bawang durogin
4 piraso Kamatis hiwain
3 piraso ng Siling Haba
1kutsara ng Asin
Knorr Sinigang Mix sa Sampalok

Paraan ng Pagluto:

1.] Una igisa natin sa luya, bawang, sibuyas at kamatis. Pakatapos ilagay na yung manok saka asin huluin ng maigi tapos takpan. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot na yung karne ng Manok. Kailagan masangkutsa nang maigi yung manok lalona't my birdflu😀 tayo dito sa pilipinas.
2.] Kapag luto na yung karne ng Manok ilagay na "natin yung Hugas Bigas" eto yung gagawin natin na pinakasabaw ng Sinampalokang Manok. Takpan natin ulit hanggang kumuluto eto. Antayin lang natin hanggang lumambot yung karne ng Manok.
3.] Ilagay na yung Knorr Sinigang mix sa Sampalok pakuluan ulit ng mga 5 minuto. Tapos ilagay na natin yung mga gulay ipahuli yung Kangkong Para hindi maover cooked. Hayaan natin ulit kumulo para maluto ang mga gulay dapat hindi maover cooked yung mga gulay na una natin nilagay kailangan 5 to 6 minuto lang na pakuluan.
4.] Pinakahuli ilagay na natin yung Kangkong isabay narin natin yung siling haba pakuluan natin ng 5 minuto para maluto ang Kangkong wag overcooked. Timplahan ng patis kung hindi angkop sainyo ang lasa.
5.] Ilagay sa mangkok na malaki ilagay sa ibabaw ang siling haba para maganda at my presentation kapa. Ihain na eto at samahan ng mainit na kanin.

Madali lang Lutuin guys ang Sinampalokan na Manok simple pero magaan sa bulsa Masarap pa lalo na't maulan ulan ang panahon natin ngayon.

Kung meron po kayong katanungan o kumento wag po kayong magdalawang isip na magtype sa baba ng comment box.

"Gudluck Guys"

Paki Follow po Ako tapos pa boto narin po Maraming Salamat.

Ang inyong Lingkod,
@ashlyncurvey

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by ashlyncurvey from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

Thank you @minnowsupport

Abot mo sakin yan dito @ashlyncurvey.nagutom ako sarap!!!

Isama mo sa tag ang redfish para lage kita maupvote!

Ok po salamat sir @albertvhons

Kakakain ko lang nagutom ulit. :D

Hehe salamat sis @zararina sa pagdalaw ulit.

sarap naman sis! lagi masrap ulam mo!!
inggit ako nakkagutom sya ah!

Hahaha mahilig kasi Kami magsikain sis Kaya ayan tuloy na papa blog ako sa mga ulam namin salamat sis sa parating pagdalaw saakin 😘