Ang pag-ibig, hindi palaging masaya. Minsan, may mga panahon ding ang pag-ibig ang nagbibigay ng tinik sa ating mga puso. Hindi mo man mamalayan pero, minsan, ito din ang nagbibigay sa atin ng takot na umibig pang muli.
Sobrang tagal ng inantay niya bago niya marinig ang isang "Oo" galing sa'kin. Highschool pa lamang kami, nagsimula na siyang manligaw sa'kin. Pumupunta pa nga siya sa bahay para lang makita ako. Magkaibigan din kasi yung papa niya at papa ko.
Minsan nga, sinisira niya yung appliance nila sa bahay para may dahilan siyang pumunta sa'min kasi, electronic technician yung papa ko.
Kaya nung nag college kami, sinagot ko siya. Alam ko din kasi ang hirap kapag naghihintay ka.
Nung hapon ding iyon, pumunta siya sa bahay namin para sunduin ako at pumunta kami sa bahay nila.
Pagdating namin dun, kaming dalawa lang. Wala yung mama at papa niya. Tapos, nagkukuwentohan lang kami.
"Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon? Sobrang tagal ng inantay ko para mapasagot at ngayon, natupad na din! Ang saya saya ko." -- MARK
Napangiti nalang ako kasi, kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata. Masaya din naman ako kasi, kahit papano, nahulog na din ang loob ko sa kanya.
Tapos bigla, niyakap niya 'ko. Niyakap niya 'ko ng sobrang higpit at binulong niya sa tenga ko ang mga salitang,
"Mahal na mahal kita."
Muntik nang tumulo ang luha ko kasi ramdam kong totoo yung sinasabi niya at naririnig ko ang tibok ng puso niya habang nakayakap siya sa'kin.
Nilalapit niya yung labi niya sa labi ko. Yung tipong gusto niya akong halikan pero, umiwas ako kasi alam kong hindi tama at natatakot ako kasi, hindi ko pa naranasan yun at sa isip ko ay yung unang halik ko, gusto ko, sa harap ng altar... sa aking kasal.
"Ba't ka umiiwas?"
Tanong niya sa'kin na siyang tanong ko din sa aking sarili. Hindi ako nakasagot kasi, yung puso ko, anlakas lakas ng tibok. Yung pinaghalong kaba at kilig.
"Natatakot ka ba? Hindi ka naman dapat matakot."
At nilapit niya ang tenga ko sa puso niya.
"Dugdugdugdugdugdug."
Tapos hinalikan niya 'ko sa noo.
Ako naman, para lang akong manika na hindi makagalaw at di makapagsalita at hinahayaan nalang siya kung anong gagawin niya sa'kin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Maraming beses sinubukan niyang halikan ako sa labi pero ayoko. Hindi dapat. Hindi tama.
Lumipas ang ilang buwan na naging kami. At, oo, masaya naman ako sa kanya kasi, nandiyan siya kapag kelangan ko siya. Hinahatid niya 'ko sa school at sinusundo pauwi.
Minsan nga pumunta pa kami sa bahay ng lola ko kasi gusto siyang makilala ng lola ko tapos, dinalhan niya ng prutas yung lola ko. :)
Pero isang araw ....
"Sumagot ka naman... Nasaan ka baa?"
Sinusubukan kong tawagan siya kasi magyayaya sana akong lumabas. Pero, hindi siya sumasagot. Pero, hindi pa rin ako tumigil.
"Hello? Sino to?"
May sumagot. Boses babae kaya nabigla ako.
"Huuh? Sino pala to?"
"Girlfriend niya 'to. Ikaw ba? Sino ka? Anong kelangan mo sa kanya?"
Nung narinig ko yun, biglang huminto ang ikot ng mundo at biglang nadurog ang puso ko. Kaya binaba ko yung telepono at napatulala nalang ako bigla.
Maraming tanong ang nagsimulang tumakbo sa isip ko.
"Panget ba 'ko?"
"Bakit niya nagawa sa'kin yun?"
"Ganun lang ba yun? Naghintay siya ng matagal para gawin niya sa'kin to?"
Naniwala ako sa kanya na ako lang. Di ko akalaing magagawa niya sa'kin yun.. Grabe!!!! Sobrang sakit. Yung pakiramdam na akala mo totoo ang lahat pero, dalawa pala kayo.
Kilala ko yung babae. Marami pala silang pictures sa facebook. Di ko namalayan kasi, di naman ako masyadong nagbubukas ng facebook dati. At, 7 months na sila nung girl. At kami, 3 months pa lang. So diba? Alam niya palang may girlfriend na siya pero, pinaasa niya pa rin ako. :(
BAKIIIITTTTT??? :(
Hindi ko na siya kinausap pa pagkatapos nun. Ayoko nang marinig ang mga panloloko niya.
Matagal tagal din akong nagmukmok ng dahil dun. Pero, pinagdarasal ko nalang na sana maging masaya siya sa pinili niyang landas.
Oo, natakot akong umibig pagkatapos nun pero napagtanto ko na deserve ko din naman maging masaya diba?
Kaya, kinalimutan ko nalang yung nangyari at, sa puso ko, pinatawad ko na siya.
Mahirap maghilom ang sakit. Lalo na sa puso natin. Yung sakit ng pagkabigo sa pag-ibig, hindi basta basta nawawala yun at walang gamot dun. Hindi yun parang sakit ng ulo na kapag uminom ka ng paracetamol, maya maya, nawawala na. Kaya, ang mas mabuting gagawin ay, magdasal.
Kung gusto mong umiyak, iiyak mo. Pero, iiyak mo yun sa Diyos. Walang kasing sarap sa pakiramdam pag umiyak ka sa Panginoon kasi pagkatapos, makakaramdam ka ng "instant relief" sa dinaramdam mo. At, alam ni God kung sino ang itinadhana niya sayo.
Sabi nga sa Bible,
"Love never fades."
Kaya kung nag fade yan, hindi yun love.
Mag-antay ka lang. Dadating din yung taong inilaan ni God para saiyo.
At eto ako ngayon, nahanap ko na siya. :) Masaya na ang love life ko ngayon kasi, natuto akong tanggapin ang mga bagay na hindi na natin mababago pa. At natuto akong magmahal ulit. :) Dalawang taon na kami ng boyfriend ko at ni minsan, hindi niya nagawa yung naranasan ko kay Mark.
Si Mark naman, sila pa rin nung girlfriend niya. Masaya din naman siya sa kanya kaya, masaya na din ako para sa kanila. :)
Kaya ikaw, OO, IKAW!!!! Ikaw na nagbabasa nito. Kung hindi ka pa nakakapag move on, mag move on ka na bess!!! Kasi hindi mo makikita ang daan patungo sa forever mo kung lagi kang may block kasi takot ka nang umibig. Alisin mo yang takot na yan at matuto ka na ding magmahal ulit. :)
Alam ko naging masaya ka din naman sa kanya diba? Kung naging masaya ka nga sa maling tao, paano pa kaya sa tamang tao, diba? :)
Move on na tayo!!! :) :)
Ang gastos pala bumisita sa inyo nuong araw, kailangan may sisiraing appliance 😆
Pero nagustuhan ko yun ending. Ayiee. Madali talaga maka-move on para sa mga taong nahanap na ang poreber.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahaha :D oo nga ehh. Kasi, para.paraan siya. Lol :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nag expect ako may punch line sa dulo. Hugot pala talaga. Hahaha. Sabi nga nila, move on move on din pag may time.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hahahaha. :D Oo nga. Move on move on din :D Tinapos ko na kasi baka lumagpas ako sa 1500 words. Wahahha :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Pang love life lang ba tong mag move on tayo? Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Tama mag move-on na tayo. Yang mga manlolokong iyan talaga nakaka BV kala nila may araw din sila. Mapuputol din ang mga pototoy nila. Pag di sila nagtanda.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Paraparaan lang yan para makita ka niya 😂😂😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Natatawa ako na may sisirain siyang appliances para lang makapunta sa inyo. 😂
Pero bakit magkapangalan si ex mo kay boyfie ko? Charot. Anyway, sang-ayon ako na kapag nagdasal tayo nang buong puso sa itaas na sana paghilumin niya ang sugat na idinulot ng bigong pag-ibig, ibibigay niya iyon. Siya rin ang makatutulong sa atin na gumaan ang pakiramdam natin lalo na't tinutulungan din natin ang sarili nating makabangon.
Sa ngayon, mabuhay ang love life mo, sis! Ang gwapo ng boyfie mo kaya buti na lang at labas na siya sa puso mo ngayon. 😁❤
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa aking patimpalak at sa pagbahagi mo sa kwentong ito. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ay waw may ganern. Lupet nun ah grabey. Move on is life! ❤️
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Haha. :D Oo. Move on na. Para hindi maging kamukha ng ampalaya. :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit