Naalala ko pa dati noong una tayo nagka kilala sa pamamagitan ng cell phone. Kahit hanggang ngayon hindi ko pa rin malimot kung ano 'yong unang rason mo noong nagka text tayo. "Hi", sabi mo. "Hello", sagot ko. Nagtanong ka sakin kung pwede mo ba akong maka text pero hindi ako pumayag agad baka kasi niloloko ako ng barkada ko noon. "Gawa-gawa ko lang talaga ang numero at swerte naman nag ring eto." Dahilan mo. Sa tinagal tagal ng pamimilit mo na gawa mo lang talaga ang numero ko naniwala ako. Nasa Maynila kapa noon at ako naman nasa Palompon Leyte nag-aaral ng BS Mar-E. Nagtagal ang pagtetext natin hanggang nag desisyon tayo na mag kita. Pasko iyon at nag bakasyon ka, tamang tama bakasyon ko rin noon.
Nagkita nga tayo doon sa kasunod na Brgy. sa inyo, hindi ko alam kung bakit hindi sa bahay nyo. Hindi rin ako nagtatanong kasi ang nasa isip makita kita, kasi sa mga panahong 'yun mahal na kita. Naki tira muna ako sa ka klase ko sa skul tamang tama taga doon din sya. Pero sa una pa lang nag duda na talaga ako binabalewala ko lang kasi mahal kita.
Umuwi ako sa amin na may halong lungkot kasi ang usapan natin na magkita tayo bago ako umuwi hindi mo tinupad. Kailangan ko na rin kasing umuwi dahil nahihiya na rin ako sa may bahay. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko kasi umuwi ako na hindi ka nakita tapos hindi pa kita makontak. Ngunit lumipas ang ilang araw nagparamdam kana naman, ngunit papunta kana sa Maynila. Nagtagal ang usapan natin ng ilang buwan, bumalik nanaman ang pagmamahal ko sayo. Ang saya saya ko na naman sa twing mag uusap tayo sa telepono. Minsan din nag cha-chat pa tayo, "yahoomessneger" pa dati yon.
Lumipas ang ilang buwan, "mine may sasabihin ako sayo". sabi mo. Hindi ako kinabahan kasi masaya naman tayo at wala akong nababalitaan na may ginawa ka. "Ano ba yon?", kampante kong tanong. "'Wag ka sanang magagalit ah", sabi mo. Sa pagsabi mo noon kinabahan ako baka kasi may iba kanang mahal at ako naman na gustong malaman agad kaya pa ulit ulit kong sinabi na, "ano kaba, hindi ako magagalit kasi mahal kita." Nahihirapan kang bumigkas sa gustong sabihin mo kaya sinasabihan pa kita, "wag kang mag alala ayos lang yan". Dahil sa sinabi ko siguro kaya nasabi mulo. "Buntis ako", "tang ina" sagot ko agad. Bigla nagunaw ang mundo ko parang nalulunod ako sa sakit ng dibdib ko. Halos hindi ako maka hinga sa pag-iisip bakit na buntis ka, eh wala naman tayong ginawa.
"Nabibiro ka lang eh", sabi ko, "hindi, seryoso talaga ako", sabi mo. Hindi ako nag salita kasi umiiyak na ako, inilalayo ko ang telepono. Tinanong kita kung pano nangyari yun, "umihi kasi ako sa inidoro na naka upo tapos natyempohan na baka may nagpalabas ng katas nya kaya pumasok sa ari ko", sabi mo. Hindi ako maka paniwala sa ganong rason pero umiiyak ka tapos sinabi mo pa, "ayos lang kung ayaw muna sakin kasalanan ko rin naman". Sa mga salitang iyun napa isip ako, "kawawa rin sya, mahal ko rin naman sya", sabi ko sa sarili. Kaya tinanggap kita ng buong buo. Pag aaral koy nasakripisyo dahil imbes na alawans ko ibinibigay sayo kasi alam kong kailangan mong maging masigla.
Huminto ako sa pag aaral at pumunta ng Mindanao para mag trabaho muna sa lupa kasi gusto mo maka hanap agad ako ng pera. Napipilitan akong lumayo kasi kung wala tayong pera nanakit kana, minsan binato mo nga ako ng cellphone sa ulo. Umiyak ako noon, hindi dahil sa masakit kung hindi dahil sa nagawa mo akong saktan ng ganoon lang. Hindi mo nga ako pinapunta noong binyag ng bata kasi sabi mo, "pupunta kapa dito eh kunti lang yong pera mo."
Hindi nalang ako nakipag talo at ako'y pumunta ng Mindanao. Lumipas ang ilang buwan bigla mo lang akong sinabihan, "maghiwalay na tayo, hindi kita mahal kasi ang mahal ko ang tunay na ama ng anak ko, pasensya na nagka balikan na kami." Grabe ang sakit ng pakiramdam ko, parang gusto ko ng mamatay, pagkatapos sa lahat lahat ng ginawa ko, nagawa mong mag sinungaling. Pinaasa mo ako na mahal mo ako, may dinagdag kapang sinabi, "anong gagawin ko sa pera mo kung hindi ako masaya." Umiyak ako ng umiyak at sinabi ko, " ayos lang na hindi mo ako mahal basta sa akin ka lang". Pero ayaw muna talaga kahit anong pilit ko.
Lumipas ang ilang taon, sa barkada nalang lagi sumasama at pumupunta sa mga lugar na magaganda nawala rin ang sakit. Noong una tinitingnan pa kita sa facebook pero may kunting lungkot pa rin. Hindi naglaon nawala na talaga, nakapag move on na at ako'y masayang masaya at nakapag isip, "salamat at nawala ka".
Kunting dagdag lang, "ang sugat man ay hindi maghihilom ngunit lilipas din ang kahapon".
Salamat sa pagbasa, ang babaeng ito ay hindi yung sa kwento na ibinahagi ko. Medyo matagal na kaya wala na kaming larawan noon.
Ang larawan ay galing sakin
cherry mobile flare J3 lite.
Kabayan, grabe pala ang iyong buhay pag ibig. Ang sakit... pero saludo ako sayo.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
haha binasa mo pala ang storya ko, oo malupit yong naranasan ko,hindi ko na dinetalye lahat kasi ang haba na. salamat sa saludo mo, saludo yan ah, hindi awa.haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hanep din naman sa pagkasinungaling 'no? Nakakatawa 'yong rason ng pagkabuntis. Tsk. Pero sa kabila ng nangyari, maipapagpasalamat mo na lang talaga na hindi siya naging sa iyo dahil baka nga lalo ka lang masaktan. Naiintindihan ko rin ang pinagdaanan at nadaramdaman mo noong panahon na iyon. Nagmahal ka lang din naman nang sobra sa maling tao.
Pero buti't nakapag-move on ka na ngayon. Mas deserve mo ang babaeng totoong magmamahal sa iyo. ❤
Maraming salamat sa pagsali sa aking patimpalak at sa pagbahagi mo ng kwentong ito. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
haha o nga po eh, sa twing maiisip ko yun naiinis ako sa sarili ko kasi ang tanga ko pero hindi na kasi importante yun, ang sakin kasi mahal ko sya at ayoko syang mapahamak, salamat din sa iyong pagbasa kahit hindi maganda ang pag construct.hehe
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit