Magmoveon tayo : Sa wakas! Cheers!

in magmoveontayo •  6 years ago  (edited)

CE64FCA9-1683-4CE8-A5A7-37508133011B.jpeg

Isa, isang lalaki na nasaktan at iyong pinaasa
Dalawa, dalawang beses kitang pinatawad sa kabila ng panglolokong iyong ginawa,
Tatlo, sa pangatlong pagkakataon, kita’y aking nahuli muli at tila wala na talaga
Apat, apat na beses kitang tinawagan para ako’y magmakaawa na magbalik ka
Lima, limang taon tayo’y nagtagal pero ika’y humanap ng iba
Anim, anim na beses akong nagpunta sa dati nating tagpuan umaasang makita ka,
Pito, pitong rason ang aking ginawa para pagtakpan ka sa aking pamilya
Walo, walong beses mong sinabi na ”tama na, ayoko na”
Siyam, sa ikasyam na kanto, muli ko kayong nakita, magkahawak ang kamay nyong dalawa
Sampu, at sa ika-sampu ng Pebrero, ako’y tuluyang sumuko na.

Paano ba ako nagmove-on?

Simple lang, sa bawat gabing dumaraan, alak lang aking kapiling. Oo alak lang talaga. Sabihin man natin na isa lang iyung inumin na may mapaklang lasa ,pero labis labis ang tulong na dinulot nito sa akin. Sa bawat pagikot ng baso, aking nakakalimutan lahat-lahat. Hinihiling na sana paggising ko, mabura na ang aming ala ala. Na sa bawat pagsuka ko, ay aking mailabas din ang pasakit na dulot ng kanyang panglolokong ginawa. Gimik dito, gimik duon. Tugtugan dito, tugtugan duon. Ang dami kong nakikilalang tao, ang daming itsurang dumadaan, hinihiling na sana ang mukha mo ay malimot ko na. Yung tila sa sobrang kalasingan, pagdating ng bahay, ako agad ay matutulog na di ka na muling maiisip pa. Pero ako’y nagkamali! Mali ang aking inakala. Hindi na ako magiging hipokrito, sa bawat hiling ko sa twing kaharap ko ang isang alak, hindi ko matago tago ang aking tunay nararamdaman. Ano ba naman ang laban ng isip sa puso diba? Ibang iba talaga kapag puso na ang apektado! Damay lahat. Hindi kayang manipulahin ng isip ang puso. Yung mapapaiyak ka na lang sa mga tropa mo dahil ang bigat eh. Yung wala kang pakiaalam kung tawanan ka man nila kinaumagahan o kaya’y kuhanan ka pa ng video. Oo aminin ko, ako’y labis na nahihiya sa twing ganun na lang ang ngyayari. Deny dito , deny duon ang ganapan sa twing ipapaalala na ng aking tropa. Pero kahit ganuon, laking tulong din ng mga kolokoy na iyun sakin, kaya nga tropa eh. TRUEpang magkasama sa tawa’t iyakan. Yung mga payo nilang ang lulupit, yung tila akala mo expert sila na daig pa si Papa Jack. Malaking tulong lahat yun sakin, yung support system kumbaga. Nagawa ko pa ngang mambabae para malibang ako. Sabi nga nila, di mo makakalimutan ang nakaraan hangga’t walang taong magbibigay sayo ng panibagong karanasan. Ayun, date dito, date duon. Pero alam nyo? Lumipas ang taon, yung akala mong wala na, nakaukit pa din pala. Saklap no? Duon ko naisip na ang pagmomove-on ay magsisimula mismo sa ating sarili. Di kailangan ng ibang tao o bagay para lang makamoveon ka. Alam nyo kung bakit? Kase para lang akong nag-iigib sa butas na timba, niloloko mo lang ang iyong sarili. Una, iinom ka ng alak, iiyak ka, ilalabas mo ang lahat lahat pero pag nawala ang amats, ano na? Babalik ulit ang sakit at ala ala. Pangalawa, may mga tagapayo ka nga, pero sa bandang huli desisyon mo pa din ang masusunod? Di inaksaya mo pa laway ng iyong katropa. Pangatlo, mambabae ka, pero sa twing yakap at halik mo sa kanya, mukha nya ang gusto mong makita? Ano nga ba talaga? Diba kalokohan. Alam nyo kung paano talaga? PAGPAPATAWAD. Ayan yun! Yan ang magic word sa akda kong ito. Bakit ko nasabi? Kase nuong nagsimula akong magpatawad, unti unti ko ng natatanggap lahat lahat. Yung walang galit na nararamdaman ba. Simula nun, nakapag focus na ako sa aking sarili, inayos ko ang aking buhay at nagkaruon ng magandang trabaho. Kay sarap naman pala na mailibang mo ang iyong sarili sa mga bagay na ito. Yung tipong ginagawa mo ang lahat ng ito ay dahil para sa iyong sarili, hindi para sa ibang tao o kaya para sa kanya, ngunit para iyong kinabukasan. At eto na nga, maayos na ako ulit at handang handa na ulit magmahal ng walang bahid ng sakit ng nakaraan. Ngayon, iinom na ako di dahil sa gusto kong makalimot sa kanya, sapagkat iinom ako dahil gusto kong makarelax dulot ng pagod sa aking trabaho. Sa wakas! Cheers!

Pinagkuhanan ng Litrato

Eto po ang aking kwento. Eto po ang akong entry sa patimpalak ni Ma’am @jemzen! Maraming salamat sa pagbabasa!

AC1A3838-9C5F-43AF-BC9B-DCD8D13A2177.jpeg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Madalas ganyan talaga ang ginagawa kapag gustong makalimot sa bigong pag-ibig e. Pero tama ka, panandaliang pagkalimot lang naman ang mararamdaman kapag tinamaan na ng alak. Pero kinabukasan, lumalala lang talaga 'yung pakiramdam. Kaya hindi talaga advisable magpakalasing kapag brokenhearted. Mahilig akong uminom, pero never akong uminom sa tuwing brokenhearted ako. Nagmumukmok lang sa sulok at nagmumuni-muni. Napapainom lang ako tuwing may masayang event o basta masaya ako. 😁
Buti na lang din at natagpuan mo ang kapatawaran sa puso mo, iyon ang susi e. Pagtanggap at kapatawaran.
Ang lalim ng hugot mo rito, manong. Baon na baon. 😂
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa aking patimpalak at sa pagbahagi ng kwento mong ito. 😊

Oo Ma’am @jemzen. Sarili mo lang ang makakatulong sayo pag 💔 ka. Syempre wala ka din dapat sisihin nun, kasi pag magmamahal ka, ihanda mo din ang sarili mo na masasaktan ka. Hindi araw araw masaya. Yun ang katotohanan. Cheers.

👏🏻👏🏻👏🏻 True Manong @oscargabat!!! Hanga sa mga sinulat mo...

Relate ka din manang @iamqueenlevita? 😊 ganyan talaga ang nagmamahal ng tunay.

manong @oscargabat, hahahha okay lang yan , maligaya din naman buhay inlove :D ehehe magpakasaya sa life nalang din ...

Puta..Sawari pla Manong..ikay may ganitong istoryahe sa buhay.hahaha..
Sadyang Hindi lang siguro kayo nararapat sa isat isa kaya hindi nya naapreciate ang iyong tunay na halaga..hindi bale..marahil itoy isa lamang karanasan na nagbigay na ng aral sa iyo..may mas maganda kwento ng pag ibig na isinulat para sayo si Papa G.
Cheers to that Manong😂

Pua talaga. Haha siguro nga ganun na nga. Everything happens for a reason ika nga. Naku Ma’am @lhey18, darating tayo jan na magchecheers talaga tayo. 😂 sabay sabi ng..PTA! Hahaha