Mag Move On Tayo | Magkaibigan ang Tawagan pero iba pala ang Turingan

in magmoveontayo •  7 years ago 

Ito’y aking kwento na hindi ko masyadong binabahagi sa iba. Natatakot ako sa sasabihin at magiging tingin ng mapanghusgang lipunan. Alam ko madami akong nagawang maliit siguro para sa iba pero para sakin ay malaking pagkakamali na naging bahagi na ng aking nakraan.

Bestfriend ang tawagan pero iba ang turingan. Ganyan tayo noon kung iyong natatandaan.

Ikaw ang aking unang naging kaibigan simula ng mapagdesisyonan ng aking mga magulang na lisanin ang bayan ng Pampangga at ditto na sa Laguna manirahan.

Si Kuya Tawin talaga ang una mong naging kalaro pero dahil buntot ako ni Kuya naging magkaibigan na din tayo.

Unang taon natin sa sekondarya ay naging magkaklase tayo. Sabay tayong pumasok at umuwi ng bahay dahil yun ang bilin ng ating mga magulang. Sa paglipas ng mga araw naging sobrang dikit tayo sa isa’t isa.

Taon pa ang lumipas, kung dati ay inaasar tayong kambal ngayon naman ay niloloko na tayong magkasintahan na walang kasiguraduhan. Hindi naman natin sila mapipigilan na yun ang sabihin sa atin dahil yun ang nakikita nila at para nga sakin na may musmos pang pag iisip patungkol sa pag-ibig, tayong dalawa ay mayroong relasyon na di malaman. Basta ang alam ko lang noon, masaya ako sa pag gawa ng mga proyekto mo at takdang aralin. Samahan ka habang naglalaro ng Runline online sa Computer Shop. Pati baon ko binibigay ko sayo para makapaglaro lang. Kahit Kikiam ang araw araw kong pagkain dahil binibigay ko sayo halos lahat ng baon ko ay di ko maramdaman. Masaya ako. Yun lang ang alam ko.

Sa paglipas pa ng panahon, Hindi natin namalayan na malapit na pala tayong magtapos ng pag aaral.

Apat na taon tayong naging magkaklase, apat na taon na masaya lang ang aking nararamdaman at apat na taon na magkaibigan lang pero higit pa sa kaibigan ang turing at tingin ko sayo.

Kaya naman bago tayo magtapos, Inabot ko sayo ang isang regalo. Regalong pinagipunan ko ng isang taon. Binilhan kita ng Cellphone. Tandang tanda ko pa kung gaano ka kasaya na may cellphone kana kasi sabi mo noon na dapat ay may cellphone kang magagamit bago kayo lumipat ng bahay para makakapag usap padin tayo. Wala din naman akong cellphone non pero naisip ko na pwede ko naman gamitin ang kay Mama ang importante mabilhan kita.
Nung mismong araw na yon Marso 25, 2010 ay napagdesisyonana natin na tuluyan na talagang maging magkasintahan.

Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Magkahawak kamay tayong umuwi ng bahay at sinabi sa mga magulang natin na tayo na. Noong una ay tutol sila dahil mga bata pa pero naglao’y naging okay din sa kanila.

Hindi ka nagtuloy sa Kolehiyo, Sabi mo’y magpapahinga ka muna sa pag aaral. Ako naman ay pumasok sa isang Unibersidad sa Sta. Cruz. Araw araw pagtapos ng aking klase ay dederetso ako sa bahay nyo sa Calamba. Nakakapagod ang byahe pero sa isip ko’y ito lang ang paraan para magkita tayo. Magmimiryenda tayo sa lugawan na malapit sa Computer Shop na pinagtatambayan mo. Syempre sagot ko dahil ika mo nga wala kang pera dahil di ka naman binibigyan ng baon dahil di ka pumapasok. Araw araw bago ako umuwi ibibigay ko sayo ang natitira ko pang pera para may pangload ka. Taon ang lumipas na ganon lang tayo palagi. Para sakin ay masaya naman at walang naging problema ang relasyon natin.

Nung araw ng debut ko binigyan mo ko ng isang teddy bear. Ang saya saya ko pero bigla ko naisip na parang galling din pala sakin yon dahil pera ko ang pinangbili mo non. Pero masaya padin ako.

At dahil nasa tamang edad kana nagdesisyon kang maghanap ng trabaho. Pumasok ka sa isang Pabrika bilang Production Operator habang ako ay nag aaral pa. Dahil nga nagtatrabaho kana minsan nalang tayo sa isang lingo magkita minsan ay hindi pa dahil hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay ng aking mga magulang. Doon nag umpisa ang hindi natin pagkakaintindihan pero agad naman nasusolusyonan.

Pero isang araw, magkasama tayo bigla mo saking sinabi na gusto mong gawin ang isang bagay na bilin ng ating mga magulang na wag nating gawin. Ang sabi mo’y nasa tamang edad na tayo, subukan natin. Pero di ako pumayag. Lagi mong sinasabi na hindi kita siguro ganon kamahal dahil hindi ko maibigay ang gusto mo. Nag aaway tayo dahil sa bagay na yon pero buo padin ang loob ko na wag ibigay sayo.

Pero wala, Hindi kita kayang tiisin. Mahal kita yun lang talaga ang alam ko ng mga oras na yon. Kaya binigay ko kung anong gusto mo sa pag aakalang maibabalik non ang dating sigla ng ating relasyon.

Pero nagbago ka. Naging mas agrisibo ka, gusto mo’y tuwing magkikita tayo ay may mangyayaring ganon pero lagi kitang tinatanggihan. Paulit ulit kitang tinatanggihan. At yun ang naging dahilan mo para humanap ng iba at iwan ako. Ang sabi mo’y si Mary Jane naibibigay ang gusto mo at ako’y walang kakayanang gawin yon. Hinabol kita, lumuhod sa harap mo’t nagmakaawa at sinabing okay lang kahit dalawa kami pero buo na ang loob mong iwan ako.

Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ng mga oras nayon. Pakiramdam ko’y tumigil ang mundo ko. Di makakain, di makausap at tumigil na din ako non sa pag aaral. Ilang buwan ang lumipas nagdesisyon akong magtrabaho. Binuhos ko doon ang atensyon ko, kung saan saan ako napapadpad para lang sa inuman. Naging masaya ako at natanggap ang nangyari pero yung takot ko na pag nagkaroon ulit ng karelasyon ay ganon ulit ang mangyari ay nandito padin sa puso ko.

Taon ang lumipas, Isang gabi ng kasiyahan sa Padis Alabang. May nakilala akong lalaki na di ko aakalaing magpapabago ng pananaw ko sa buhay na ang mga lalaking yan ay malilbog at Sx lang ang habol sating mga babae. Ang bilis ng pangyayari, walang ligawan na naganap sa isang iglip bigla ko nalang naramdaman na masaya akong kausap at kasama sya.

ggss.jpg

Ito nanaman ako, kontento na naman sa Malabong Usapan. Isa nanamang walang tamang deskripsyon na relasyon. Pero iba sya. Sa kanya ko naramdaman ang maging isang tunay na babae. Naging baliktad ang mundo, ako na dating laging nagbibigay ay naranasang ako naman ang bigyan at pahalagahan.

love.jpg

Dalawang taon ang lumipas, dumating ang araw na kinakatakutan ko. OO alam kong hindi sya ang una, pero hindi ako natatakot masaktan dahil sa gagawin namin pero natatakot ako sa posibilidad na maulit ang nangyari noon. Pero buong loob akong nagtiwala sa kanya, tinapon ko ang takot at napailitan ng tiwala at pagmamahal.

Isang beses ng pagmamahalan nabuo ang isang supling sa aking sinapupunan. Hindi ako natakot dahil umpisa palang alam kong alam nya kung anong ginawa nya. At ramdam ko ang kaligayahan ng puso nya.

bby.jpg

Magkasama kami hanggang ngayon kasama ang aming anak. Masaya at syempre di maiiwasan ang magkaroon ng problema pero alam kong hawak kamay naming haharapin at tatapusin ang ano mang suliranin na darating. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan nya ako ng lakas ng loob para lumaban at tanggapin ang nangyari noon at isiping parte ito ng aking buhay. Salamat Panginoon sa taong pinadala mo para magbago ang maling pananaw ko at mamahalin ako ng higit pa sa kanyang buhay.

Salamat asawa sa lahat! Sa umpisa hanggang ngayon. Salamat sa pag unawa at sa pag gawa ng lahat ng iyong makakaya para samin ni Memae. Mahal kita! Happy 4 years and 11 months of Love asawa ko :*

pamili.jpg

Kaya kung sawi ka man ngayon, wag kang magalit sa mundo. Wag mong isumpa ang lahat ng lalaki dahil hindi sila magkakapareho. Dadating din ang tamang tao para sayo. “Tamang Tao, Tamang Oras at Tamang Lugar.” Sa ngayon mag enjoy ka muna. Wag bitter besh! Nakakapangit yan. Charot!

So, Ayon! Sa mga magsasabi na para akong bakla dati dahil ako lahat ang gumagastos at nagbibigay, GO! Laitin mo ko hanggat gusto mo tatawanan nalang kita. HAHA! Pero walang masama sa pagbibigay basta lagi mong tatandaan na wag sobra. Palagi kang magtira ng para sa sarili mo para masaktan ka man hindi guguho ang mundo mo. Kakayanin mo padin tumayo at bumangon mula sa pagkakadapa mo.

Maraming salamat Ms. @Jemzem dahil sa patimpalak mong ito muling bumalik ang mga alalang iniyakan ko ng sobra dati pero tinatawanan ko nalang ngayon! Hahaha! Labyu sis! Medyo late pero abot pa sa oras hahaha!

Salamat sa pagbabasa mo.

P.S. ~ wala talaga akong mailagay na picture sa kwento ko. Wala nakong naitatago na at hanggang ngayon nakaBlock padin ako facebook nya.

Love;
@sheshebaylosis

PHILIPPINES: 18th of June, 2018 : Monday

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  7 years ago (edited)

Hinabol kita, lumuhod sa harap mo’t nagmakaawa at sinabing okay lang kahit dalawa kami pero buo na ang loob mong iwan ako.

Ganyang-ganyan ang ginawa ko dati. 😭😭😭
Pero kung ano nga namang katangahan iniiyakan natim dati, tinatawanan na lang natin ngayon. 😂
At huwag kang mag-alala, sis. Dahil minsan din akong naging ganyang mapagbigay dati. Kaya hindi ka nag-iisa. Hahahhaha
Grabeee. Relate na relate ako sa kwento mo.
Saka ang kyut kyut naman ng baby mo! Sarap niya talagang kurutin. Hehehh
Anyway, sobrang sang-ayon ako sa sinabi mong hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. Ilang beses na rin akong nasaktan pero nakatatak pa rin sa isip at puso kong hindi naman lahat ng lalaki ay pareho lang. Kasi nga minsan talaga'y pinapatagpo sa atin ang mga maling tao para tayo'y matuto. At kung sinaktan man tayo, nasa atin lang din kung gagawin natin 'yung rason para magpadala sa lungkot at galit sa mga tao at mundo, o himayin ang aral na ibinigay ng sitwasyong minsan tayong sinaktan at binigo at ipagpasalamat na dumating ito.
Naks! Pero masaya akong masaya ka na't nakatagpo mo na ang lalaking magpapasaya sa iyo. ❤😊
Maraming salamat sa pagsali sa aking patimpalak at sa pagbahagi ng kwentong ito. 😊

Thank you sis! true lahat ng sinabi mo! idol na kita talaga hehe. And! cute kasi ako kaya cute ang anak ko charot! hahaha! thank you ulit 💋

Hiyehey! Ang cute pu ng story mu sis @sheshebaylosis

Kaya kung sawi ka man ngayon, wag kang magalit sa mundo. Wag mong isumpa ang lahat ng lalaki dahil hindi sila magkakapareho. Dadating din ang tamang tao para sayo.

Sana mahanap ku na den pu tamang lalake para saken.

thank you sis! Yis! Tiwala lang at dadating din yan. just wait and relax lol 😅


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.