Mag Block at Magpalit ng Account Kung Kinakailangan

in magmoveontayo •  7 years ago 

Noong unang panahon may isang sobrang active na Facebook account na lahat ng gawain nya sa buhay ay naka status. Hindi naman lahat talaga pero marami syang update sa account nya sa araw-araw.

Magmula sa mga tawag na natanggap nya, reklamo sa customer nya, pagkain atbp pero sympre hindi naman iyan ang ipinunta nyo para dito. Ito ay para sa kwentong #magmoveontayo. ni Tropang @jemzem.

Hindi tulad ng mga kwento ko dito sa steemit na madalas ay galing sa aking malikot na imahinasyon ang kwentong ito ay mula mismo sa karanasan ng awtor ngayon.

Itago nalang natin siya sa pangalang Che isang dalaga na nagmula sa Bicol. Nakilala ng binata ang dalaga sa isang training school sa may bayan ni Binan. Dayo lamang sya, at ang binata naman ay matagal nang taga-roon. Sa una ay walang nararamdaman ang binata sa dalaga kundi pagkatuwa lamang ay gayun din naman siya sa kaniya. The feeling is mutual ika nga. Ngunit habang lalong tumatagal ang kanilang pag-uusap na nauwi sa pagkain sa labas at panonood ng sine. Unti-unting nahulog na pala sa isat-isa.

Nagsabi ang binata na gusto niya ang dalaga at isang mabilis na "ako din" ang naging tugon niya. Hindi na tanda ng binata kung ilang buwan siya nanligaw o kung nanligaw nga ba siya, o yung sa mga panahong lumalabas sila ay nanliligaw na pala sya.




Fast forward naging sila. Medyo Long Distance Relationship ang dalawa dahil sa nagtatrabaho ang binata sa Mandaluyong at ang dalaga naman ay nasa Laguna. Tuwing day-off ng binata ay agad siyang magba byahe pauwi para makita ang kaniyang sinisinta. Lumipas ang mga buwan at naging ganoon ang set-up nila.

Ang akala ng binata ay SOLID sila, dahil sa palagi silang nagkakausap araw-araw. Call center agent na sya sa gabi at call center agent parin siya sa umaga. Pero iyon ay hindi niya ininda kasi nga mahal niya ang dalaga.






Ipinakilala ang binata sa partido ng dalaga at ganun din naman ang sa binata. Tumagal ang ganoong set-up nila ng 8 buwan, sinuportahan niya ang mga plano nito sa pangingibang bansa at kung ano pa. Ngunit isang mensahe sa text ang nagpabago sa lahat.

Ver, nagtext si EX ko nakikipag balikan siya sa akin.

E meron ka na ngayong nobyo tapos makikipag balikan pa siya loko ba sya.

Ayun na nga ih. Nagkita na kami at nagkausap at sa totoo lang ay mas marami kaming pinagsamahan apat na taon din iyon na mahirap itapon.

Ganon nalang yon? Ipagpapalit mo ako sa kaniya dahil lang doon?

Tumawag siya sa telepono ko na hindi nya madalas gawin pero wala na nagdilim na ang paningin ko at hindi na ako sumagot sa tawag niya. Unti-unting naging tahimik ang facebook account ng binata at kahit kaniyang cellphone ay hindi narin ni loloadan. Hindi sila nag-usap ng ilang araw hanggang sa napagkasunduan nila na magkita sa Mang Inasal.

Doon napagpasyahan nila na mag "cool-off" muna para makapag-isip ang dalaga sa kaniyang nararamdaman. Gayun din naman ang binata, ang mga plano niya para sa kanila ay unti-unting nagbago. 23 anyos ako noon at pakiramdam ko ay handa na ako sa mga bagay-bagay. May maayos na trabaho atbp.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay isang text message muli ang aking natanggap.

Totohanin na natin ang paghihiwalay

Mabigat sa kalooban ngunit hindi na ako sumagot pa. Pinilit matulog dahil may pasok pa ako sa trabaho kinagabihan, ngunit nadama ito ng mga kasamahan ko sa trabaho hindi na daw ako nagku kwento tungkol kay Mahal.

Bawat sulok ng account ko sa dating facebook ay mayroong mga ala-ala nya kaya't medyo di man kagandahan ay ni block ko sya sa facebook kasama ang buo niyang angkan at gumawa ng , panibagong account. Sympre ni block ko din sya dun sa bago kong account at hinayaan ko muna ang aking sarili na maghilom dahil sa pagkabigo.

Nagpaka abala ako sa mga bagay bagay gaya ng trabaho at pag-aaral upang malimutan ang mga nangyari. Sympre hindi naman instant na nawala agad ngunit unti-unti gumagaan ang iyong pakiramdam at iyo nang naibigay ang pagpapatawad. Hanggang sa tinanggal ko ang block sa account niya, sa bago kong account doon kami nag-usap una na akong humingi ng tawad para sa aking mga naging reaksyon sa mga bagay-bagay ay siya rin naman ay ganun din. Nga pala hindi rin sila nagkabalikan nung dati niyang nobyo ngunit ako naman ay nasa isang maganda kalagayan na.

Matapos noon ay nagtanong siya na kung maaring makipagkaibigan at sinabi ko naman na Oo pero dahil nga sa hindi naman ako aktibo sa facebook ay hindi rin kami na nag-uusap at mas pinili kong huwag ding mangamusta bilang respeto at pagmamahal din sa aking nobya.

Kaya't isa sa mga pwede kong maipayo sa mga nakaranas ng ganito ay nasa choice mo naman na i block ang tao sa social media account niya. Kung talagang masakit, ngunit matuto tayong magpatawad. Una ay patawarin ang ating sarili dahil sa mga nangyari at sunod ay humingi rin ng tawad sa naganap na mga bagay-bagay. Hindi naman tayo perpektong tao, nagkakamali at magkakamali parin ngunit ang pinaka masarap na pakiramdam ay ang pagbibigay ng kapayapaan sa iyong sarili sa paraan ng pagpapatawad kaya #magmoveontayo iwasan na ang negative vibes sa buhay at ikwento nalang yan!

Ang larawang ni crop ay mula sa aking dating Facebook na account.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ay iba rin! Masalimuot masyado. Sa mga ganyang pagkakataon hindi ka mapapakanta ng "bakit di na lang totohanin ang lahat..."

Oo iba rin talaga yan ate @romeskie. Sobrang sakit noon pero ngayon wala na, I was saved from a relationship that might make me more miserable.

Bakit ba kasi nasasayangan pa sa apat na taon e matagal na nga 'yong tapos. 😭
Kung nasasayangan siya, baka may nararamdaman pa nga siya kay ex. Pero siguro nga hindi talaga kayo dahil may darating talaga sa inyong dalawa na siyang nakaukit na sa tadhana n'yo.
At tungko d'yan sa block-block na 'yan, sang-ayon din ako d'yan e. 😅
Ganyan din naging reaksyon ko dahil isa na rin sa paraan natin 'yan para maka-move on. Iba-iba man ng paraan, ang mahalaga naman ay tinutulungan talaga natin ang sarili nating huwag magpakalugmok sa bigong pag-ibig. Kaya i-block n'yo lang, mga bes. Hehehhe. Maa-unblock din naman talaga kalaunan dahil hindi naman forever tayong magdidibdib sa mga nangyari. Darating din talaga ang araw na makaka-move din tayo.
At saka, may bago ka na rin yatang lablayp, TP. Tama ba? Hehehehe.
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa aking patimpalak at sa pagbahagi mo ng kwentong ito. 😊

Oh yes @jemzem hehe I do have one more than 3 years na kami :)
And the best thing that happened is we both prayed for each other na sana dalhin ng Lord ang tamang tao for us. Then ayun kami pala yun, it was really an experience that we are both grateful.