HINDI PA BA SAPAT ANG ISA? KUNG HINDI DALAWA, ILAN PA?

in magmoveontayo •  7 years ago  (edited)

Gaano kasakit?
Hindi pa ba ako sapat?
Ano ang nararapat?
Pera lang ba?
Gusto mo ba malaki?
At saka mahaba?

Okay simulan natin sa ganito. Sisikapin ko na hindi palagpasin sa 1,500 na salita. Paano nga ba ako nakapag-moveon sa mga masasakit na dinanas ko sa kamay nila. Hindi naging madali kasi sa'kin e. Mantakin mo, noong ako'y nag-aaral pa tiga F.E.U iyong pinaka matagal kong nakarelasiyon tapos nang nagkahiwalay kami ang sumunod ko naman inibig ay tiga F.E.U din. Hindi ko alam kung malupit talaga sa'kin ang tadhana. O malapit lang talaga ako disgrasiya.

Sa una kong relasiyon masasabi kong hindi naging madali, kasi grabe ang pagmamahal ko sa kaniya e. Andoon iyong hindi ako papasok sa isang subject para lang makapunta ako sa boarding house niya sa may Legarda sa Maynila. Kapag kasi ipinagpalit ka sobrang sakit e. Mabuti pa lang at medyo bata pa ako nito 1st year college lang kaya medyo nakakalimut limutan ko dati kahit papaano. Kami kasi kapag gumugimik kaming mga magkakaibigan doon kami sa madaming babae talaga para hindi masyadong halata na sawi, pero ang totoo iniwan na pala at ipinagpalit, at saka nang nangyari ito ay medyo may kaya pa kami kasi nasa France tatay ko nagtratrabaho, isa pa hindi pa maraming pera mga ate ko noon kaya mababait pa haha. Tapos kapag iba naman mga kasama ko mga pinsan ko at saka mga kabarkada niya, palibhasa matatanda sa'kin ang tungo naman namin sa isang patay sindi sa may Bocaue. Hindi ako masiyadong nahirapan dito hindi kagaya doon sa pangalawa kong nakarelasiyon. Iyon nga madami ako laging baon tapos wala akong problema talaga kahit ano sa buhay ko apura lang gala ko palagi, pagka-uwi sa iskuwelahan palit dami lang tapos ayun na, hihintayin na lang mag-gabi lalakad na ulit papuntang beer house. Hanngang sa naadik na. Sa una siyempre nagbabayad pa kinalaunan hindi na kasi may tiwala na. Siguro sex talaga maganda sa katawan bukod sa lalabas ang pawis mo sobrang makakalimutan mo pa siya, ang problema lang paano mo naman maaalis ang bisyo mo na iyon? Naalis ko lang iyon noong, naka bukod na ako ng bahay independiyente kung baga. Wala ng pera kasi pang inom sahod maliit lang kasiya lang sa sarili at saka pang-bayad lang ng mga bayarin sa bahay. Ganoon lang at saka isa pa pagkahiwalay na hiwalay antimano sinauli ko kaagad lahat lahat ng mga binigay niya sa'kin, ayos lang sa'kin kahit hindi niya isauli ang mga bagay na ibinigay ko sa kaniya. Iyong mga magandang alaala andoon pa rin siyempre, hindi naman mawawala iyon hindi ba? Alaala na lang ang mga iyon na minsan ko siyang minahal hindi naman ako gago para makipagbalikan pa kasi ginago na nga e babalikan ko pa. Sa una talaga masakit pagtagal tagal mawawala din naman. Iyon lang talaga matagal matapos ang isang araw kapag nasa ganiyang kondisyon.

girl-2934257_960_720.jpg

Pixabay

Ito talaga ang hindi naging madali para sa'kin, kasi wala na ako lahat nito 22 taong gulang ako nito. Akalain mo isang tiga F.E.U ulit ang nagpatibok sa puso ko? Nakilala ko naman ito sa debut ng pinsan ko. Mahal din naman niya ako kaso wala siyang nagawa kung hindi sa magulang niya kaya napilitan siyang o pumayag siya na ipagkasundo siya doon sa amigo ng mga magulang niya. Pero kahit na walang text text o tawag man lang mula sa kaniya, nanay pa niyang siraulo ang kumausap sa'kin at sinabing ayaw niya sa'kin at mas gusto niya si ganiyan ganiyan para sa anak niya. Minamaliit nila ako akala siguro nila wala ako ibubuga haha.

Papaiksiin ko na lang kasi nahihigh blood ako at saka para umabot na rin sa 1,500 na salita. Napakahirap talaga pala palagi kong iniisip kung bakit ganoon. Hindi naman ako pangit dati, wala naman akong eyebags saka mga tigyawat tapos ganoon pa nangyari 8 na buwan lang kami pero hirap na hirap ako. Ubod ng daming pera at panahon ang sinayang ko para sa kaniya. O andito na tayo sa pagmo-moveon Una ko yatang ginawa sinunog ko mga love letters na ginawa namin sa isa't isa, sinunug ko rin mga tula na ginawa ko para sa kaniya. Nanghinayang ako doon sa papel na ginamit ko ang mamahal kasi, pero iyong mga alaala hindi ko na pinanghinayangan. Bale wala na sa'kin iyon. Galit na galit kasi ako gusto ko talaga pumatay ng tao. Binlock ko sa friendster at saka sa myspace, binura ko mga litrato namin na magkasama kami, binura ko rin mga cellphone numbers niya at saka landline number niya. Trabaho lang ako nang trabaho, puro pera lang iniisip ko akala ko ganoon lang kadali pero hindi pala. Andoon pa rin siya sa isip ko kahit anong gawain ko. Ubod sa tagal ko talaga bago ko siya nakalimutan bumilang talaga ng maraming taon. Patawa lang ako lagi nang patawa nang sa gayon mapasaya ko sila pero sarili ko hindi ko mapasaya. Pilit ko man ginagawa kung saan ako magaling pero ganoon pa rin, kapag ako na lang mag-isa ganoon pa rin. Inom nang inom ng alak kinabukasan ganoon pa rin. O grabe hirap na hirap talaga ako noong mga panahon na iyon. Paulit ulit ko lang ginawa mga sinabi ko para kahit paano mapawi ang lungkot at pighati. Ang pinaka importante talaga huwag babalikan ang mga magagandang nangyari, kapag sumagi sa isipan at hindi talaga mapigilan ang pagkakataon. Gumawa ng mga bagay na pinaka ayaw mo nang sa gayon makatutok nang maayos sa gnagawa at hindi mapagalitan ni ate haha. Tanim tanim din uy. Kapag nagoonline games naman ako mas mahirap maka move on dahil mas nakakaadik e. Kaya hindi magandang solusyon ang paglalaro ng mga online games. Tatanda ang itsura dahil sa kaadikan. Huwaag na huwag dapat ipe friend ulit kahit mga kamag-anak niya block din at siyempre siya rin tiisin mo na huwag tiktikan mga social media, Noong araw naman Friendster lang at saka Myspace. Buod na lang ito ng mga nangyari sa buhay ko pati na rin sa piling nila. May matutuhan ba? Kaunti lang siguro. Huwag masiyadong magpakaadik sa kahit na anong bagay. Huwag din naman sobrang mapaghiganti. Kasi ang diyos nga nagpapatawad tayo pa kayang tao lang? Iniwan lang nila tayo hindi tayo binawian ng mga buhay natin. O paano hanggang dito na lang talaga ako at inaantok na ako. Hanggang sa muli paalam.

Bilang ng mga salita: 1059. Shortcut na lang ang lahat kaya hindi maganda ang pagkakalahad haha.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Una sa lahat, maraming salamat sa pagsali sa aking patimpalak, boss.
Kaunti lang ang alam ko sa kwentong pag-ibig mo, at iyon nga ay ang nabigo ka at ipinagpalit sa iba. Kaya naman nacu-curious din ako kung paano mo ini-handle ang pangyayaring iyon at kung paano ka nakabangon. Kasi alam na alam kong madali lang sabihing "mag-move on ka na", pero sobrang hirap gawin at panindigan.
Ang nagustuhan ko rito sa kwento mo ay ang pagiging spontaneous mo rito. Alam kong marami ka pang gustong sabihin pero ayun nga, kapos sa word count. Pero naibuod mo naman din nang maayos ang karanasan mo at naihatid mo ang mensaheng gusto mong ihatid sa amin. Masaya ako na kahit papaano, hindi nagtagal na ganoon 'yung bisyo mo at naagapan pa rin. Hindi rin naman kasi kita masisi dahil naging paraan mo naman iyon para maibaling ang atensyon mo sa iba pati na rin iyong sakit na nararamdaman mo sa karanasang iyon. Ibig lang din kasing sabihin n'on na gusto mo lang matulungan ang sarili mong makalimot at mag-move on. Hopefully, matagpuan mo na ang babaeng para talaga sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil masarap pa rin namang magmahal at mahalin. ❤❤❤
Muli, maraming salamat sa pagsali. 😊

Walang ano man. Ibig ko lang patunayan na talagang hindi na ako nasasaktan kahit maalala ko pa ang nakaraan. Patunay lamang ito na ang nakaraan ay isang alaala na lamang. Akala lang nila na madali magmoveon pero ang totoo, hindi. Ang totoo kasi aminin man nila o hindi kaya sila nakakamoveon agad kasi hindi talaga nila sineryoso iyong nakaraang relasiyon nila, kaya isang araw lang mayroon na agad. Ano iyon damit lang? Siguro nga kani kaniyang paraan para makalimutan ang masalimuot na nakaraan. Sa mga babae mas mahirap talaga lalu't nasa Pinas, lumabas lang ng bahay iba na iisipin ng mga tao. Hindi nila puwedeng gayahin mga ginagawa ko kasi pagchichismisan sila agad. Tinangap ko naman na talaga ang kapalaran ko, tatanda man ako magisa lang ay ayos lang wala namang masama doon. Salamat sa'yo at lahat lahat. Sana nga magtuloy tuloy na ang relasiyon mo at habang buhay na kayo magsama hanggang sa pagtanda niyo.

mahirap mag moveon pero naniniwala ako na sa tulong ng mga taong nagmamahal sayo unti unti makakaya mo yan...at darating ang tamang taong magmamahal sayo:)

Yes sister salamat nang marami.

Kung pwede lang sanang mawala sa isang haplos Ang sakit at pighati. Kung pwede Lang sanang sa isang bulong Ang puso ay turuan. Kung pwede Lang sanang maipikit Ang masakit na alala. Kung pwede Lang sanang maiwaglit Ang patuloy na pagpapantasya na meronpa kahit Wala na. Ramdam Kita @twotripleow Sana ay maging okay ka. Kung nanaisin mo andito Lang ako dadamay sa iyo. Pasensya Kung nawawala man ako minsan, pero andito Lang ako.

Kung puwede lang sana maging tayo kung sana wala kang sabit at walang nagugustuhang iba, kung sana ako'y bata pa, baka puwedeng ipilit ko sarili ko sa'yo. Maraming salamat IdolestEST. Matagal na iyan kita mo naman hindi na ako nasasaktan nang isisnusulat ko iyan? Ang tanong paano ako makaka move on sa'yo? Kasi hindi ba wala naman ako talaga pag-asa haha.

Bumabanat ka pa ng ganun ha. Nakamove on ka na nga sa hapdi at kirot. Sana ay mahanap mo na nga ang babaeng nakaTADHANA para sa iyo. Hahaha
(Siyempre may pagbanggit ako ng title ng mini nobela ko. Exposure lang. Haha)

Jajajajaja <---ganiyan lang sagot niyan haha o kaya kapag minalas nang tuluyan ignore user haha.