Dahil Mahal Kita

in magmoveontayo •  7 years ago  (edited)

Pinagmulan

Dahil Mahal Kita

Labing-anim na taong gulang ako noon at nag-aaral sa ika-apat na taon sa sekondarya ng makilala ko si James. Isa akong aktibong kabataang kristiyano sa aming simbahan noon kung saan ko sya nakilala na isa ring aktibo sa kanilang distrito. Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Siguro ay dahil pareho ang aming paniniwala. Di nga naglaon ay naging magkasintahan kami at madalas nya akong bisitahin sa aming lugar tuwing araw ng sabado. Madalas ay tinatakasan ko pa ang aking ina. Kunwari ay gagawa kami ng proyekto pero ang totoo ay makikipagkita ako kay James. Minsan noong naimbitahan ang grupo nila James sa aming simbahan at doon ay nakilala sya ng aking ina. Tila hindi maganda ang pakiwari ng aking ina sa kanya at noon di'y sinabi nya sa akin na hindi nya gusto si James. Subalit nagpatuloy ang aming relasyon hanggang sa nakapagtapos na nga ako ng sekondarya na may gantimpala. Habang sa di kalayuan kung saan hindi nakikita ng aking ina nama'y nanonood si James. Di nya alintana ang pagbyahe ng malayo at kakapusan sa pera upang ako'y bisitahin. Bagama't patago ay masaya kami.

Pinagmulan

Noon nga'y panahon na upang makapaghanap rin ako ng trabaho upang matulungan ko ang aking ina sa mga gastusin sa bahay kaya't minarapat ko na pumasok bilang tindera sa isang tindahan sa bayan. Doo'y mas madalas akong napupuntahan ni james at nasusundo sapagka't mas malapit na ito sa kanyang tirahan. Halos araw-araw ay sinusundo nya ako. Kasama ko rin syang nagdiwang ng aking ika- labingwalong kaarawan at aming unang anibersaryo. Madalas rin akong nagbibigay ng mumunting regalo sa kanya. Tila perpekto ang aming pagsasama, isang taong puno ng saya. Ngunit di naglaon ay nagdesisyon akong pumasok sa isang Call Center company. Dahil nakapag-aral naman ako ng Bokasyonal habang ako'y namamasukang tindera ay malaking tulong na rin siguro upang ako ay matanggap. Lakas loob akong nag-apply at di maipaliwanag ang aking kasiyahan nang ako nga ay matanggap. Sa wakas ay mas matutulungan ko pa ang aking pamilya. Ngunit di ko inaasahan na doon na pala magsisimula ang mga pagsubok sa aming pagsasama.

Pinagmulan

Halos dalawang oras na byahe ang kumpanyang aking papasukan mula sa aming lugar kung kaya't minabuti ko na doon na muna manirahan sa kadahilanang pang-gabi ang aking trabaho. Noong una ay di namin alintana ang distansya naming dalawa. Madalas nya akong tinatawagan pagkagising, bago ako pumasok sa opisina at sa aking pag-uwi. Tila di kami nauubusan ng pag-uusapan. Sa tuwing sumasahod naman ako ay palagi akong naglalaan para sa aming dalawa. Dahil sa kagustuhan kong makita sya ay pinapadalhan ko sya ng pamasahe upang mapuntahan ako. Dahil na rin ng mga panahong iyon ay wala pa syang trabaho. Inilalaan ko ang aking araw ng pahinga para makasama sya. Kumakain kami sa labas, namimili kami ng mga gusto nya, namamasyal at kung ano-ano pa. Dumating rin noon sa punto na nasira ang telepono nya kung kaya't kinailangan ko rin siyang bilhan ng telepono upang makapag-usap kami ng madalas. Lahat ng ninais at hiniling nya ay ibinibigay ko sa kanya, telepono, magagandang damit, load, pera, pati contact lense. Naging maluho sya noon, samantala nagagalit naman ang aking ina sapagka't kulang na ang naipapadala ko sa kanya. Madalas na rin kaming nag-aaway noon. Kaya naman mas lalo kong pinagbubuti ang aking trabaho upang madagdagan ang aking sweldo. Madalas ay nag o-overtime ako, dahil doon ay mas naging taliwas ang oras namin ni James. Sa araw ay natutulog ako at sa gabi nama'y natutulog sya. Madalas ay nag-iiwan nalang ako ng mensahe sa kanya upang mabasa nya sa kanyang paggising. Hanggang isang gabi naisip ko syang tawagan at labis ang aking pagkagulat ng isang babae ang sumagot ng telepono. Aniya ay wala si James at iniwanan lamang ang telepono. Di na rin ako nag atubiling magtanong pa kung sino sya. Makalipas ang ilang araw ay tinawagan ko ulit si James, sa pagkakataong iyon ay umaga ako tumawag upang masiguro na masasagot nya dahil panigurado ay kakagising nya lang, pero isang babae muli ang sumagot. Sa pagkakataong iyon ay may kung anong kabog akong naramdaman sa aking dibdib. Kung kaya't tinanong ko sya kung sino ba sya. Tila dinurog ang aking puso ng sabihin ng babae na kasintahan daw sya ni James. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng oras na iyon. Habang magtetext naman si James na katulad ng dati na tila ba maayos ang lahat. Pinili kong paniwalaan si James sa sinasabi nya na kaibigan nya lang yun at nais lang akong paglaruan. Subalit sa tuwing tatawagan ko sya ay may kakaibang kabog sa aking dibdib sa tuwing magri-ring ang kanyang telepono. Minsa'y tila sinasagot ito at pagkatapos ay papatayin ulit. Tumagal pa kami ng dalawang taon ang pagsasama namin ni James baon ang aking tiwala sa kanya.

Pinagmulan

Kaarawan ko noon at sinurpresa nya akong bisitahin sa aking tinutuluyan bitbit ang kanyang regalo. Magkasama kaming nagdiwang ng kaarawan ko. At dahil kaarawan ko ay sagot ko ang lahat, pati ang pamasahe nya pauwi at mga pinamiling damit at kung anu-ano pa. Hanggang isang tawag ang aking natanggap mula sa kanyang ina. Hinahanap nya si James, ako'y kanyang tinatanong kung kailan ba uuwi si James. Sagot ko nama'y noong nakaraan pa umuwi si James at ayon sa mga mensahe nya ay nakauwi na raw sya. Pagkatapos kong makausap ang kanyang ina ay dali-dali kong tinawagan si James. Doon ay aking napagtanto at nakumpirma na meron nga syang ibang babae na inuuwian. Ang masakit pa ay pinangangalandakan ng babae kung paano winawaldas sa kanya ni James ang mga perang ibinibigay ko. At di umano’y mahal lang ako ni James dahil sa perang aking naibibigay at mga luho. Sobrang sakit marinig ng mga sinabi nya. Noon na rin nagsimula na sa kung anong dahilan ay nagagalit na si James tuwing tumatawag ako sa kanya. Bihira na syang magtext at magparamdam. Kaya naman minabuti kong umuwi sa bayan namin kahit na kagagaling ko lang noon sa trabaho at wala pang tulog upang makausap sya. Napagtanto ko na lantaran na pala nila akong niloloko. Di na lingid sa kaalaman ng aming mga kaibigan na may babae nga sya at harapan syang nagsisinungaling sa akin sa harap mismo ng kanyang mga magulang. Naging katawa-tawa ako sa kanila, nagpaka-tanga at nagpaloko. Ngunit kahit ano pang gawin ko ay sadyang hindi ko sila mapaghiwalay ng babaeng iyon at dahil mahal ko si James ay natutunan kong magtiis, magbulag-bulagan at makihati. Lumilipas ang mga araw nalalapit na ang aming ikatlong-taong anibersaryo. Naroon ako't tulala sa isang tabi, umiiyak, di makatulog, di makakain at maging trabaho ko ay napabayaan ko na rin. Halos sampalin ako mga kaibigan ko upang ako'y magising. Bigla namang tatawag si James, manunuyo at walang ano’t-ano ay nababawasan ang sakit na aking nararamdaman ngunit di lalaon ay babalik muli karugtong ng galit.

Aking orihinal na litrato

Ilang buwan ang lumipas, nang ako'y magising sa napakahimbig kong pagtulog ng aking marinig ang tunog ng orasan. Oras na upang bumangon at maghanda sa pagpasok sa trabaho. Pero tila naiiba ang aking nararamdaman. Tila napakagaan ng aking dibdib. Tila napaka-aliwalas ng gabi at may kung anong ngiti sa aking mga mata. Inabot ko ang aking telepono at di ko namamalayan na tinatawagan ko na si James. Sa muli ang sumagot ay ang kanyang babae, subalit sa pagkakataong iyon ay tila wala akong galit nararamdaman ng marinig ko ang kanyan boses. Kinausap ko si James, maya-maya pa'y tuluyan na nga akong nakipag-hiwalay sa kanya. Pinalaya ko sya at ang aking sarili sa poot at galit. Wala na ni katiting na butil ng luha mula sa aking mga mata at tila ba ako'y isang bagong nilalang muli. Maagap akong naghanda sa pagpasok sa aking trabaho at tila ba himala ang makita ako ng aking mga kaibigang nakangiti. Bagama't naiisipan ko mang tawagan noon si James ngunit tila ba tadhana na rin ang gumawa ng paraan nang di ko na makontak ang numero nya. Noon ri’y aking napagtanto na akin na palang napabayaan ang aking sarili. Sa aking paglaya ay natutunan kong mahalin muli at pahalagahan ang aking sarili ng higit kanino man. Mas nakihalobilo at nakakilala ako ng maraming kaibigan. Pinagbuti ko ang aking trabaho at di naglaon nga ay na promote ako. Kasabay ng aking promotion ay isang Ginoo ang aking nakilala. Isang tao na nagpakita sa akin ng aking halaga at trumato ng espesyal sa akin. Naging magkaibigan kami at di naglaon ay muling nabuksan ang aking puso. Sa kanyang masugid na pagsuyo ay nakamit nya ang matamis kong “oo”. Ngayon ay anim na taon na kaming magkasintahan at ni minsan ay hindi nya ako pinaluha. Reyna kung ako’y kanyang ituring at sa nalalapit na taon ay haharap kami sa altar upang ipahayag ang aming pag-ibig at harapin ang panibagong yugto ng aming buhay bilang isa.

May mga bagay sa ating buhay na naisin man nating manatili ay hindi maaari, sapagkat hindi sila ang inilaan para sa atin. Madalas ay dumadaan tayo sa matitinding pagsubok upang magsilbing aral sa ating pagtahak sa panibagong buhay.



Nagmamahal, Ica..... Charot! Parang pang MMK lang. hahaha.. Ito ang aking partisipasyon sa patimpalak na pinangungunahan ni @jemzem. Akala ko ay magiging maikli lamang ang aking kwento at di ko inaasahan na pwede na pala itong ipadala kay Ginang Charo Santos. Paumanhin sa napakahabang kwentong ito. Bagama't mahaba ay siniguro kong hindi lalampas ang 1,500 na salita ang lahat ng ito. Salamat sa iyong pagtya-tyagang basahin ito. Mabuhay tayong mga Pilipinong nagmahal, nasaktan at nag move on :p ^_^





Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.

Thank you to @hr1 for supporting our writings too.

Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

iba ka talaga @wondersofnature mga gawa mo ay isa sa mga hinahangaan ko dito. hehe

Salamat po ^_^ nakakataba naman ng puso. hehe

totoo po yun, hindi po ako naiinis sa mga magagaling, hinahangaan ko sila para maka kuha ako ng idea..hehe

You have collected your daily Power Up! This post received an upvote worth of 0.25$.
Learn how to Power Up Smart here!

Hindi lang ikaw ang napa-throwback dito sa kwento mo, sis. Dahil pati ako'y napa-throwback rim sa past ko habang binabasa ko ito. 😭 hehehhehe
Paano ba naman kasi, sobrang relate ako sa kwento mo. Minsan din kasi akong hinuthutan ng pera dati. At dahil nga mahal natin, wala na tayong pakialam na mali 'yon. Pero sa kabila nga naman ng pangit nating karanasan, mabibiyayaan at masusuklian din naman tayo ng magagandang biyaya sa tamang panahon.
Nakakakilig na malapit na kayong ikasal ng boyfriend mo ngayon. Ayeeeee! Advance congratulations and best wishes, sis. ❤❤❤
Maraming salamat nga pala sa pagsali sa aking patimpalak at sa pagbahagi mo ng kwentong ito. 😊