Dapat na maging responsable ang mga kabataan para sa kanilang mga magulang, dahil napakalaki ng utang na loob natin sa ating mga magulang, binigyan nila tayo ng buhay kahit na sila ay kasangkapan lamang ng ating panginuon, nagsakripisyo sila para sa atin, inaalagaan tayo ng mabuti, kaya bilang mapagmahal na anak at responsableng anak para sa ating mga magulang, kailangan na suklian natin ang kanilang kahirapan, ang kanilang sakripisyo para sa atin, mahalin natin sila ng buong buo, aalagaan, tutolong tayo sa kanilA, at Hindi natin sila pababayaan.
Kahit na anumang pagkukulang nagawa nila dapat ding suklian ang kanilang kabutihan, kahit na may mataas na tayong pinag aralan dapat pa ding irispito natin sila dahil sila ay ating mga magulang at Mahal natin sila. Hindi pa rin sapat ang ating pinag aralan o kahit anuman ang ating makamit sa ating buhay Hindi pa rin dapat para sa sakripisyong ginawa nila para sa atin, kaya bilang responsible at mapagmahal na anak kailangan ipakita natin at ipadama sa kanila na sila mahalaga at Mahal natin sila habang sila ay nabububay pa at NASA mundong ibabaw maipadama natin sa Manila kung gaano sila kahalaga.
Ang isang mapagmahal na anak ay dapat may respito sa magulang, hindi sumusuway sa kung ano mang mga kautusan dahil walang magulang ang magpapahamak ng kanilang anak. Tandaan na ang magulang ay isang ginto at hindi mapapalitan ng kahit anu paman.