A FILIPINO SHORT STORY - ▐ ANG ORASAN▐

in maiklingkwento •  7 years ago  (edited)


the clash.jpg



ANG ORASAN


▐ the clock▐
orihinal na katha ni @cejero021



Kung minsan sa buhay ay may mga nagaganap na pangyayaring di natin lubos maunawaan, mga bagay na tunay na kamangha-mangha at nakapagtataka. Sadya nga bang malikot lang ang ating imahinasyon o talagang bunga ito ng mga bagay ng kababalaghan na maaring mangyari sa buhay ng isang tao.
Halinat tunghayan natin at tuklasin ang mga kamangha-manghang bagay sa ating maikling kwentong tampok.

Sanay inyong maibigan.






Ako'y nakahiga sa aking papag at nakatingin sa orasan na nakasabit sa may dingding katabi ng malaking piktyur ko nung ako'y nagtapos ng koleheyo.
Habang pinagmamasdan ko ang orasan ay biglang naalala ko ang nakaraan. Mga masasayang sandali, bigla akong napangiti.
Pumaling ako pakanan sa aking higaan at papikit pikit ang mata habang pinakikinggan ang TIK TAK TIK TAK. Tunog ng orasan.
Tahimik ang mga sandaling iyon dahil ako lang sa maliit kong kwarto. Sumagi sa isip ko ay mga malulungkot na nakaraan, mga alaala ng mga pinagdaanan. Pagpikit ng mata ko'y luha ang biglang tumulo ng di ko namalayan.

Kaya't bumangon ako at naupo. Ayoko ng mga gano'ng eksena dahil di naman kasi ako madrama. Bigla akong bumangon sa pagkahiga at naupo sa papag ko na sa pagkaalala ko'y matanda pa sa akin, antigo kong tawagin.
Habang nakaupo ay lumingon ako sa orasan alas onse na pala ng gabi. Akoy napatingin sa malayo sa labas ng bintana ng aking kwarto. Sumagi sa isip ko na ako ngayon ay nasa kasalukuyan at tapos na ang nakaraan at kahit ikutin ko man ang kamay
ng orasan ay di na magbabalik ang lahat ng pinagdaanan. Mga oras na kung saan maraming nangyari. Masasaya, malulungkot , nakakatakot, nakakabigla at nakakagutom.... Nakakagutom kasi madaling araw na pala at wala pa akong hapunan. Pero diko pinansin ang gutom "sayang naman yung luha na pumatak kanina" sabi ko sa sarili kaya tinuloy ko ang pag-eemote di rin lang makatulog.
Di ko alintana ang gutom nag-eenjoy naman ako sa pag gunita. Pero bigla-bigla ako ay namangha sa aking nakita dahil kamay ng orasan ay napakabilis ng ikot. Bakit ganon?? ang tanong ko sa sarili!

Pag hawak ko sa aking mukha nasalat ko'y balbas na mahaba. Anu itong nangyayari? Totoo ba ito o guniguni? Kinurot ko ang aking singit para mejo masakit ang dating. Aray! ang sigaw ko gising nga talaga ako.
Tinitig ko sa orasan ang aking mukha at dali dali kong kinuha at tinangal ang baterya at ibinulsa. Hinampas ko ang orasan sa sahig pero di parin natinag at tuloy parin ang ikot. Halos di mo na makita ang kamay sa sobrang bilis umikot nito.
Napalingon ako sa salamin, nagulat ako at napasigaw dahil balat ko'y naging makunat pati ang buhok kong unat ay naglaho. Tumanda ang aking mukha. Di ko na maintindihan ang lahat ng ito ang bulong ko sa sarili

Di ko na alam ang gagawin kaya akoy lumabas ng kwarto upang silay gisingin. Subalit akoy nadulas dahil naapakan ko ang balat ng saging paglingon ko kumakanta ang mga minions NAH NAH NAH - NAH NA BANANA ang sabi , mga isang daan sila siguro. Sobrang ingay nila kaya lumabas ako ng bahay upang humingi ng saklolo. Paglabas ko'y may digmaan nagaganap. Basag na raw ang base ng kalaban sabi nung isang builder na nakasalubong ko. Pagtingala ko sa langit may LAVALOONS (lava hound at baloons) na dumadaan. Pagdakay isang level 6 na dragon ang bumuga ng apoy sa kawalan. Sa kabilang dako nama'y puro wizard na weirdo ang buhok ang umubos at tumapos ng laban 3 star daw resulta ng digmaan.

Dahil gulong gulo na ang isip ko at di ko na kaya pa ang nangyayari. Di na rin ako makatakbo dahil feeling ko nerarayuma yung tuhod ko. Pero ang masaklap yung ABS ko na apat na taon kong winork out isa nalang ang natira at may kabag pa, badtrip talaga.
Maya maya ay isang magandang boses ang narinig ko habang may backround music na ang tunog ay KRIIIING...KRIIIIING...KRINGGGG... umaga na pala at tunog ng tunog ang alarm clock sa aking uluhan habang si nanay ay kumakatok naman sa pintuan tawag tawag ang aking pangalan. Dali dali akong bumangon at napabuntong hininga, Buti nalang panaginip lang pala!
Tinungo ko ang banyo upang maghilamos. Sa paglalakad ay may nakapa ako sa aking bulsa kaya agad ko itong kinuha at tinuklas. Pagbukas ko ng aking kamay ay bumungad ang dalawang baterya ng ever ready.


WAKAS !!!


border.png



MARAMING SALAMAT!!!
THANK YOU SO MUCH...






footer.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

The @OriginalWorks bot has determined this post by @cejero021 to be original material and upvoted(1.5%) it!

ezgif.com-resize.gif

To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by cejero021 from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

gleng lodi! panao to!