Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) inaprobahan ang dagdag singil sa tubig

in maynilad •  6 years ago  (edited)

ekEkTay - Imgur.png

Mahal naming mga kababayan, isang nakakalungkot na balita. Inaprobahan na ng MWSS ang Maynilad’s Rebasing Adjustment para sa Ikalimang Rate Rebasing Period (2018 - 2022) na Php5.73/cu.m, dagdag sa kasalukuyang average basic na singil sa tubig na Php32.48/cu.m.

Upang mabawasan ang impact ng pagtaas ng taripa sa kapwa ko mga kustomer, ang Maynilad ay hahati-hatiin ang implementasyon nito sa susunod na apat na taon:

Petsa ng Simula / Pagtaas/cu.m.
ika-1 ng Oktubre 2018 / Php0.90
ika-1 ng Enero 2020 / 1.95
ika-1 ng Enero 2021 / 1.95
ika-1 ng Enero 2022 / 0.93

Dagdag pa rito ay inaprobahan rin ng MWSS ang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) na 1.08% o Php0.37/ cu.m. para sa 4Q 2018. Ang adjustment na ito ay batay sa exchange rates na USD1 : Php53.43 at JPY1 : Php0.48.

Depende sa pagkunsumo ng tubig, ang mga kustomer ng Maynilad ay maaaring asahan ang sumusunod na impact sa kanilang buwanang bill sa tubig simula ika-1 ng Oktubre 2018:

Buwanang Kunsumo (cu.m.) / Buwanang Bill Adjustment (Php)
10.00 / 3.66
20.00 / 13.73
30.00 / 28.10

Halimbawa, kung ang isang kustomer ay nakakakunsumo sa isang buwan ng xxx cu.m., ito na ngayon ang kanilang babayaran:

kung 10cu.m.
Simula ika-1 ng Oktubre 2018: Php32.48x10 + Php0.90 x 10 + 3.66 = Php337.46
Mula sa dating Php324.80

kung 20cu.m.
Simula ika-1 ng Oktubre 2018: Php32.48x20 + Php0.90 x 20 + 13.73 = Php681.33
Mula sa dating Php649.60

kung 30cu.m.
Simula ika-1 ng Oktubre 2018: Php32.48x30 + Php0.90 x 30 + 28.10 = Php1,029.50
Mula sa dating Php974.40

Simulan na nating magtipid na tubig mga kabayan.

Pinagkunan: http://edge.pse.com.ph/openDiscViewer.do?edge_no=a6717aea29999a5a43ca035510b6ec2b#sthash.ANhjSI57.dpbs

Sundan nyo ako sa
Twitter: https://twitter.com/Elegant_Joylin
Facebook: https://www.facebook.com/joylin.elegant
Linkedin: https://www.linkedin.com/in/elegantjoylin/
Reddit: https://www.reddit.com/user/elegant_joylin/
Steemit: https://steemit.com/@elegant-joylin
Medium: https://medium.com/@Elegant_Joylin
Scorum: https://scorum.ph/en-ph/profile/@elegant-joylin
Github: https://github.com/elegant-joylin
Telegram username/group: https://t.me/elegant_joylin or https://t.me/crypto_phl
Bitcointalk username: elegant_joylin
Bitcointalk profile link: https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=917890
Moonforum link: https://www.moonforum.net/forum.php?referrerid=1852

Ang mga kumento at mga mungkahi ay malugod na tinatanggap.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!