Bitter No More: Ikadalawampu't isang Bahagi

in nobela •  6 years ago 

Ikadalawampu't isang Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem

Bitter No More.PNG

Ang Nakaraan...

Nagulat siya sa rebelasyon ng pinsan. Ngunit mas nagulat siya pati na rin si Mia nang may magsalita mula sa kanilang likuran.

“Kaya hindi ako sumusuko kasi nararamdaman ng puso kong mahal mo rin ako.”

Sabay silang napalingon ni Mia sa kanilang likuran. Nakita nila ang papalapit na si Ariel na may nakaguhit na malapad na ngiti sa mukha.

Napalunok ng ilang beses si Mia at halatang kinakabahan. Tila sasabog ang puso nito dahil alam na ni Ariel ang totoo.


“A-Ariel, you heard it wrong…” Sinusubukan ni Mia na bawiin ang sinabi nito kani-kanina lang.

“Enough, Mia. I heard it loud and clear. You love me,” nakangiting sambit ni Ariel habang hindi kumukurap sa pagtitig kay Mia.

Sa gitna ng kapana-panabik na emosyong nakapalibot sa lugar, napagpasyahan ni Anchelle na iwanan muna ang dalawa para makapag-usap nang masinsinan at ng magkaaminan na rin ang mga ito.

“Excuse me, I think kailangan n’yong mag-usap dalawa. Balitaan n’yo na lang ako kapag kayo na.” Kinindatan niya ang pinsan tsaka bumaling kay Ariel. “Don’t worry, hindi ako naiinggit sa inyo. I have to leave you para ma-solo mo siya. Ayee!” Tinapik niya ang balikat ng kaibigan at abot-tenga ang ngiti niya dahil sa kilig.

Agad naman siyang nagtungo sa hagdanan para umakyat papunta sa kaniyang kuwarto. Habang umaakyat siya sa hagdanan ay bigla siyang may nakasalubong na dahilan upang halos tumambling siya sa gulat.

“M-Ma?” gulat niyang tanong.

Napatawa nang pagak ang Mama niya at napakamot sa ulo. “Peace, Anak!”

Kumunot ang noo niya dahil sa inakto ng kaniyang Ina. “Kanina ka pa po ba nakatayo d’yan?”

“Ah, e, oo. Pasensya na, Anak. Ang ganda kasi ng palabas. Nadadala ako sa emosyon ng mga bida. Nakaka-touch,” anito habang matamang pinagmamasdan sina Ariel at Mia na nasa sala nila.

Lalong kumunot ang noo niya dahil sa tinuran nito. “Mama naman, e! Could you please give them privacy?”
Tumawa nang mahina ang Mama niya at hinila siya nito paakyat. “Sorry na nga kasi, Anak. Kinikilig lang ang Mama mo.” Bigla naman siya nitong niyakap nang mahigpit.

“Nasaan po si Papa? Huwag mong sabihin na nakatayo sa likod ng pintuan para makinig din sa kanila?” taas-kilay niyang tanong.

“Anak naman, hindi naman kami mga tsismoso’t tsismosa, slight lang. Tsaka, ang Papa mo, maagang umalis papuntang trabaho. 'Yung kapatid mo naman, bumalik sa pagtulog kasi inaantok pa raw siya kanina. Kaya sige na, pupuntahan ko lang ang kapatid mo.”

Tumango lang siya at pumasok na sa loob ng kaniyang kuwarto.

Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at nagpatugtog ng kanta.

“You made me stronger by breaking my heart….” nakangiti niyang sabay sa kanta habang kumukuha ng libro sa kaniyang bookshelf.

Naupo na siya sa kaniyang study table para simulang basahin ang kinuhang libro. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng mga magagandang kanta sa kaniyang cellphone habang nagbabasa siya.

Hindi niya namalayan ang oras dahil nawiwili siya sa pagbabasa at malapit na niyang matapos ang librong hawak. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang may kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto.

“Pasok!” sigaw niya at hindi na siya nag-atubiling tumayo para pagbuksan ang kumakatok dahil hindi niya rin naman ini-lock ang pinto.

“What are you doing, An An?” tanong ni Ariel habang nakaakbay ito kay Mia.

“I think that what I’m doing is rule two point six. Listen to uplifting music and read positive books,” nakangiti niyang sagot.

Nginitian naman siya ni Ariel na halatang natutuwa sa ginagawa niya. “You’re right! That’s rule two point six.”

Tinuro niya naman ang kamay ni Ariel na nasa balikat ni Mia. “I think that means…”

Pinutol ni Mia ang pagsasalita at yumakap kay Ariel habang ngumingiti nang pagkatamis-tamis. “Kami na.”

Sa tuwa niya ay napatayo siya at niyakap niya ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Finally, nagkaaminan na rin ang dalawa. They deseve to be happy at masaya siya para sa dalawa.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi
Bitter No More: Ikalabingsiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampung Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Gusto ko man na maging masaya oara sa kanila, sa kaibuturan ng puso ko ay nagsusumigaw ang kagustuhan kong kay An-An mapunta si kuya Ayel! Umaasa pa rin akong sila rin sa huli! Team An-yel Forever!

Bibilisan ko na ang pagpo-post, Mam Rome. Hehhhe. Para matapos na't magkaalaman na kung sino nga ba talaga ang magwawagi sa puso ni Ariel. Ang haba talaga ng hair ni Ariel. :D

haha maganda yong pagkasulat, maganda ang storya pero di ako makarelate, may ganito bang pangyayari jez?haha

Posted using Partiko Android

Kathang-isip lang naman 'yan, Paul. heheheh

lagi kay hastang...haha

Posted using Partiko Android

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.