Bitter No More: Ikadalawampu't limang Bahagi

in nobela •  6 years ago  (edited)

Ikadalawampu't limang Bahagi.PNG

BITTER NO MORE

sa panulat ni @jemzem

Bitter No More.PNG

Ang Nakaraan...

“I’m sorry, Anch…” Bumuntong hininga muna ito at humugot ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng gusto nitong sabihin sa kaniya. “I’m really sorry for taking you for granted. Pero ‘di ba sinabi mong handa mo pa rin akong tanggapin kapag bumalik ako sa ‘yo? I hope you mean it. I’m here because I want you back. I realized that I love you so much. Patawarin mo ako kung nawala ako sa sarili at naghanap pa ng iba. I’m totally lost at that time. I admit that I’m too immature to act that way. Pero nagawa ko lang naman siguro ‘yun due to adulthood. Normal lang naman sigurong bumigay sa mga babaeng kusang lumalapit sa ‘kin. I know I made a huge mistake, but what’s important is that nagsisisi na ako. I really hope na mapapatawad at matatanggap mo pa rin ako,” makahulugang pahayag nito.

Tinitigan niya ang mga mata ni Jade at saka bahagyang pumikit upang damhin ang tibok ng kaniyang puso. Ilang segundo siyang nakapikit bago muling idinilat ang mga mata.

Sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay nginitian niya ang binata at hinawakan ang palad nito.


“I have forgiven you, Jade. I don’t want to keep grudges anymore. Oo, nasaktan at nagalit ako sa ‘yo noon, pero napatawad na kita. Siguro’y nangyari ang lahat ng iyon dahil hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Despite everything, masaya na rin ako kasi napakarami kong natutunan. We have to learn a lesson for us to grow. Sana magsilbing aral din ito sa ‘yo, Jade. Sana kapag nagmahal kang muli ay hindi mo na uuliting gawin ang panlolokong ginawa mo sa ‘kin. I already accepted everything, sana ikaw rin,” sinserong wika niya.

Gusto mang magprotesta ng binata ay hindi na nito ginawa. Binigyan lang siya nito ng nagmamakaawang tingin at saka inihilamos ang palad sa mukha.

“I regret losing a girl like you, Anch. But I deserve this, and I have to accept this.”

Niyakap niya si Jade sa huling pagkakataon. Sa wakas ay tunay na siyang malaya.

a.png

Masayang umuwi si Anchelle sa kanilang tahanan. Ngunit nadatnan niya si Mia sa kanilang sala na tulala at malayo ang lipad ng isip.

“Mia!” Ginulat niya ito kaya halos malaglag ito mula sa kinauupuan dahil sa gulat.

Nakanguso itong tumingin sa kaniya habang nakahawak sa dibdib. “Annie naman, e!”

Tumawa lang siya dahil sa reaksyon ng pinsan. Ngunit agad din siyang nagseryoso nang mapansin niyang namamaga ang mga mata nito.

“Bakit namamaga ‘yang mata mo? LQ ba? Mahigit isang linggo pa nga lang kayo, tapos may tampuhan agad? Kaya pala lutang ka kanina, e,” komento niya.

Pero hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ng pinsan sa kaniyang sinabi. Bigla na lang itong umiyak at yumakap sa kaniya.

“Annie, I’m dying!” Humahagulgol nitong sumbong sa kaniya.

Bumagsak ang panga niya dahil sa sinabi nito. Gusto niyang isiping binibiro lang siya nito, pero hindi iyon ang kaniyang nararamdaman. Alam niya ang ugali ng pinsan kapag nagbibiro. Hindi ito nagdadrama ng ganito kapag nagbibiro. Hindi pa man niya alam ang katotohanan ay nakaramdam na siya nang matinding kaba.

“Please say it’s only a joke, Mia!” Iniharap niya ito sa kaniya at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

Tumitig ito sa kaniya at kitang-kita niya ang seryoso nitong mga mata. Sa titig pa lang nito ay gusto na niyang maiyak.

“The reason why I went back here was because I’m dying. May brain tumor ako, Annie, and it’s getting worse as the day goes by. Noong nalaman ko ‘yun ay pinilit ko sila Mom at Dad na pauwiin ako kahit saglit dito. I don’t know if gagaling pa ba ako. Pero kung hindi man at talagang tuluyan na akong mawala, at least I felt happy again by seeing my family here. You and Ariel are the best bestfriend in the world. I’m so glad that I have you,” mangiyak-mangiyak nitong sambit.

Hindi siya makapagsalita dahil sa narinig. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ng kaniyang pinsan. Napakabata pa nito para kunin ng Diyos. Marami pa itong mararating sa buhay. Hindi niya matanggap ang sinapit ng kaniyang pinsan na siya ring matalik niyang kaibigan.

“Alam na ba ‘to ni Ariel?” Ito ang unang lumabas sa kaniyang isip na gusto niyang itanong sa pinsan.

Tumango ang kaharap niya at mas lalong humagulgol sa pag-iyak. “We always talk kahit nandoon pa ako sa States. Bukod kina Mommy and Daddy, isa rin siya sa unang nakaalam sa kalagayan ko. Naaawa ako sa kaniya, Annie. Natupad nga ang kahilingan naming dalawa na magkatuluyan, but in a very short time.”

Kitang-kita sa mga mata ng kaniyang pinsan na nasasaktan ito. Siya man ay nasasaktan din sa sinapit ng kaniyang pinsan. Mapagbiro talaga ang tadhana. Buong akala niya ay magiging masaya na ang dalawa niyang matalik na kaibigan sa piling ng isa’t isa. Ngunit sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Hindi maaaring mawala sa kanila ang pinsan niya nang ganoon na lang.

“Gagaling ka, Mia! Huwag kang sumuko. Isipin mo si Ariel. Isipin mo ang parents mo, isipin mo kaming lahat na nagmamahal sa ‘yo. Be strong, Mia. Be…”

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang sumigaw si Mia. Hawak nito ang ulo habang makikita sa mga mata nito ang matinding sakit na nararamdaman.

“Annie! Masakit!” panay ang ungol nito at pag-impit dahil sa sobrang sakit ng ulo.

Bigla siyang nataranta at hindi niya alam ang gagawin. Buti na lang at bumaba ang Mama niya na agad namang lumapit sa kanila.

“Anong nangyari kay Mia, Anak?” kinakabahang tanong ng Mama niya sa kaniya.

“Sumakit ang ulo niya, Mama,” nanginginig na sagot niya. Tagaktak na rin ang kaniyang pawis lalo pa at mas lumakas ang pagsigaw ni Mia.

“Tumawag ka ng ambulansya, anak! Bilisan mo!” natatarantang utos ng Mama niya.

Sinunod niya ang utos nito at nanginginig habang pinipindot ang telepono.

a.png

Nang makarating na ang ambulansya sa kanila ay agad na isinakay si Mia at isinugod papunta sa pinakamalapit na ospital.

Agad na ipinasok ang kaniyang pinsan sa loob ng isang kuwarto ng ospital habang sila ay pinaghintay lang sa labas ng kuwarto. Napayakap na lang siya sa kaniyang ina dahil sa sobrang kaba at pag-aalala niya sa pinsan. Taimtim din siyang nagdarasal na sana ay umayos ang kalagayan ng kaniyang pinsan at sana ay gumaling ito.

Nang kumalma siya nang kaunti ay tinawagan niya ang mga magulang ni Mia na nasa States at ipinaalam sa mga ito ang nangyari sa anak nila. Nagdesisyon naman agad ang mga ito na umuwi ng Pilipinas para makita ang kondisyon ni Mia.

Matapos niyang tawagan ang magulang ni Mia ay agad niya namang tinawagan si Ariel.

“Hello, An An? Nasaan ka? Alam mo ba kung nasaan si Mia? Wala kasing tao rito sa bahay n’yo. May dala pa naman sana akong pizza, tapos wala pala akong madadatnan dito sa inyo,” dire-diretsong sambit ni Ariel sa kabilang linya.

“Ariel, huwag kang magugulat sa sasabihin ko. Pero si Mia kasi…”

Hindi pa man siya nakatapos sa pagsasalita ay pinutol na agad siya nito. “Bakit? Anong nangyari kay Mia, An An?”

Sa tono ng boses ng kaniyang kaibigan ay alam niyang kinakabahan na ito. Kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad na sinabi kay Ariel ang nangyari sa pinsan niya.

“Biglang sumakit ang ulo niya at isinugod naming siya rito sa ospital,” salaysay niya sa kaibigan.

“Saang ospital?” usisa nito.

Matapos niyang sabihin ang ospital na kinaroroonan nila ay agad na pinutol ni Ariel ang tawag. Tiyak na agad itong susugod sa ospital dahil sa pag-aalala kay Mia.

a.png

Ilang minuto ang nakalipas at dumating na si Ariel sa ospital. Agad niyang niyakap si Ariel nang makita niya ito. Habang yakap niya ang kaibigan ay biglang tinawag ng doktor na nag-asikaso kay Mia ang Mama niya. Tahimik silang nagmasid sa dalawa habang nag-uusap. Habang nagsasalita ang doctor ay bigla na lang bumagsak ang luha sa mga mata ng kaniyang Ina. Napaluha na rin tuloy siya kahit hindi niya alam ang sinabi ng doktor.

Matapos mag-usap ng dalawa ay iniwan na ng doctor ang Mama niya. Agad naman nila itong nilapitan at niyakap.

“Mia has brain tumor, at ang sabi ng doctor ay malala na iyon at hindi na nila magagamot ito. Ang bata pa ng pinsan mo, Anak…” Hindi na napigilan ng ina niya ang paghagulgol ng iyak. Gaya niya ay mahal na mahal din nito si Mia at itinuring na ring anak kahit pa ang asawa lang nito at ang ama ni Mia ang magkapatid.

Pumasok na sila sa kuwarto kung nasaan si Mia. Nanghihina man ay pilit na ngumiti ang pinsan niya.

“A-Annie…” pabulong na tawag nito sa kaniya.

Agad siyang lumapit rito at hinawakan ang palad nito.

Gusto niyang magsalita at pagaanin ang loob ng pinsan pero walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Kahit pigilan man niyang hindi mapaluha sa harap ng kaniyang pinsan ay ‘di niya magawa. Kusa iyong bumabagsak kahit ano mang pigil niya.

“Sshh. Huwag mo akong iyakan, Annie. Hindi pa naman ako patay,” biro nito at binigyan siya ng ngiti.

“Mia naman, e...” reklamo niya at lalo pang umiyak.

“Annie, I want to tell you something.” Biglang sumeryoso ang mukha ni Mia. “Please take good care of Ariel. Kung kukunin na ako ng Diyos, gusto ko pa ring maging masaya siya, at kayong lahat na iiwanan ko. I already accepted my fate. My borrowed time is about to end, but despite that, I’m still happy.” Kumawala sa mga mata nito ang masaganang luha, ngunit pilit pa rin itong ngumingiti.

Tumango lang siya at pinisil ang palad ng pinsan habang panay pa rin sa pagbagsak ang kaniyang luha. Sumisikip ang puso niya lalo na at tila namamaalam na ito sa kanila at sinasabi na nito ang huling habilin bago pumanaw.

“Can I talk to, Ariel? Puwede bang iwan n’yo muna kami saglit?” tanong nito sa kanila.

“Sure,” malungkot niyang sagot at niyakap ang pinsan niya.

Niyakap din ng Mama niya si Mia at hinalikan ito sa noo. “Your parents are coming, Mia. Kaya magpakatatag ka, Anak. Ipagdarasal naming gumaling ka.”

Sabay sila ng Mama niya na lumabas ng kuwato at iniwan sina Ariel at Mia sa loob. Pagkalabas nila ng kuwarto ay agad niyang niyakap nang mahigpit ang Mama niya habang walang tigil sa paghagulgol ng iyak. Mahal na mahal niya ang kaniyang pinsan, at ayaw niyang mawala ito sa buhay nila.

Itutuloy...

At abangan ang pagtatapos ng kwentong ito sa aking susunod na post.
(Wipes tears)


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Bitter No More: Panimulang Bahagi
Bitter No More: Unang Bahagi
Bitter No More: Ikalawang Bahagi
Bitter No More: Ikatlong Bahagi
Bitter No More: Ikaapat na Bahagi
Bitter No More: Ikalimang Bahagi
Bitter No More: Ikaanim na Bahagi
Bitter No More: Ikapitong Bahagi
Bitter No More: Ikawalong Bahagi
Bitter No More: Ikasiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikasampung Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-isang Bahagi
Bitter No More: Ikalabindalawang Bahagi
Bitter No More: Ikalabintatlong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-apat na Bahagi
Bitter No More: Ikalabinlimang Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-anim na Bahagi
Bitter No More: Ikalabimpitong Bahagi
Bitter No More: Ikalabing-walong Bahagi
Bitter No More: Ikalabingsiyam na Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampung Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't isang Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't dalawang Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't tatlong Bahagi
Bitter No More: Ikadalawampu't apat na Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Lunes, Miyerkules at Biyernes kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan: 1, 2

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Narito po ang link sa lahat ng bahagi ng Bitter No More: Thank you!

Ang tragic pala nito! Bakit naman ganun? Kawawa naman si Mia. :(

Epilogue na after this, mam Rome. Last post na lang. Huhuhu

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.