Masked Coquette: Ikawalong Bahagi

in nobela •  6 years ago 

ikawalong Bahagi.PNG

MASKED COQUETTE

sa panulat ni @jemzem


Masked Coquette.PNG

Ang nakaraan...

"Hey, Son!"

Napalingon si Zheanne sa kaniyang likuran nang biglang tinawag ni Mike ang kaniyang anak. Nang makita niya ang bagong gising na si Martin na palapit sa dining area kung saan sila kasalukuyang kumakain ni Mike ay binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

Tumingin lang si Martin sa ama bago bumaling ng tingin sa kaniya. He gave her a smirk and turned his back para bumalik sa kuwarto nito.

"Son, join us! May kailangan tayong pag-usapan," maawtoridad na utos ng matanda kay Martin.

Ayaw man ng binatang makaharap siya sa hapag-kainan ay wala itong magagawa. Ayaw muna sana nitong makita ang pagmumukha niya dahil nakokonsensya ito sa ama dahil sa pagpatol nito sa kaniya. Pero dahil na rin sa utos ng ama na mag-usap sila'y wala itong magagawa kundi sumabay na lang din sa kanilang kumain. Alam nitong kapag ganoon ang tono ng boses ng ama ay kailangan nitong sumunod.
Martin and his sister were given a freedom to do what they like to do. They were even trained to be independent at hindi sila pinakikialaman ng kanilang ama sa mga gusto nilang gawin sa kani-kanilang buhay as long as hindi sila lilihis ng daan. Pero kapag may gusto mang ipagawa si Mike sa kanila, they should do it. Mike's voice should be heard and they should respect him all the time.

Muling humarap si Martin sa kanila at umupo sa tapat ni Zheanne habang ang ama nito ay nasa dulo ng mesa pero malapit lang sa kanila.

"Anong pag-uusapan natin? If it's about your wedding with Zheanne, malaya na kayong magpakasal. Ayoko nang kumontra sa gusto n'yo. If that will make you happy, then who am I to oppose?" dire-diretsong saad ni Martin habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito.

Nagulat si Mike sa mga lumabas sa bibig ni Martin. Hindi makapaniwala ang matanda na payag na ang anak nito sa pag-iisang dibdib nila. Noong mga nagdaang araw lang ay tutol ito sa planong kasalan.

Natatandaan pa ni Zheanne kung paano tumutol si Martin sa plano ng ama nitong magpakasal sa kaniya.

"Hindi n'yo ako mapapapayag, Dad! I can sense that she's a gold digger! Huhuthutan ka lang ng pera ng babaeng 'yun! At kapag naubos na niya ang pera n'yo, she will dump you!" tiim-bagang na angal ni Martin nang sinabi ng ama na gusto na nitong magpakasal kay Zheanne.

Tanggap naman ni Martin ang pakikipagrelasyon ng ama sa kahit na sinong babae. Pero ang magpakasal? Ibang usapan na 'yun para sa binata.

"Watch your words, Son! You don't even know her, yet you already judged her! Zheanne is a decent woman. She will never be the woman you thought!" nagtitimpi sa galit na tugon ni Mike sa anak. "Sa ayaw at sa gusto mo, makakasal din kami ni Zheanne."

Martin's jaw was clenching. "Then I will prove to you that I am right," he said before leaving his dad.

Pagbukas naman nito ng pinto ay nagulat ito dahil sa babaeng halatang nakikinig sa usapan nila ng ama.

"Are you eavesdropping, Zheanne?" Kinunutan siya ng noo ni Martin.

Binigyan niya lang ng sarkastikong ngiti ang binata bago ito tinalikuran.

Simula n’on ay tumindi ang kagustuhan niyang mahulog ang binata sa kaniya. It's challenging, yet exciting.

"Kailangan pa pala akong masukahan bago ka pumayag sa kasal namin. Nagi-guilty ka lang ba sa ginawa mo kagabi, Martin, kaya ka pumayag?" sarkastiko niyang sabat.

Matalim siyang tinitigan ni Martin. "Magpasalamat ka na lang na pumayag na ako! Baka bawiin ko pa kung hindi ka mananahimik!"

"Enough!" saway ni Mike sa kanila dahil nararamdaman nito ang tensyong bumabalot sa kanila.

"Sa labas na lang ako kakain." Kaagad na tumayo si Martin at hindi na kumain kahit gutom na gutom na ito.

Sumilay sa mukha ni Zheanne ang saya habang pinagmamasdan ang papaalis na si Martin. Finally, wala nang hadlang sa kasalan. Her first move was successful. At malakas ang pakiramdam niyang magiging successful ang lahat ng plano niya. She will win this game!

"Finally, pumayag na rin si Martin. My son is really stubborn, but I know that he'll realize that this is what makes his father happy. That you will make me happy." Halata sa mukha ng matanda na nabunutan ito ng tinik sa puso dahil sa pagpayag ng anak nito.

Kung masaya ang matanda, mas masaya siya. She must celebrate! Pupuntahan niya ang kaibigan at ibabalita ito. Alam niyang ang kaibigan niya ang magiging pinakamasaya sa pangyayaring ito. She can't wait to share this great news to her best friend. Alam niyang magiging proud ito sa kaniya.

Napansin naman ng matanda ang malapad niyang ngiti.

"You seem so happy, Honey."

"Of course, Honey! Alam naman nating ayaw talaga ni Martin sa 'kin. He thought that I'm just up with your money. Pero baka nga nalaman na niyang hindi ako kagaya ng iniisip niya kaya sa wakas ay pumayag na siya," nakangiting sagot niya.

Ngumiti rin ang matanda sa kaniya. "Matutuloy rin ang kasal natin, Zheanne. Kapag napirmahan na ng dati kong asawa ang annulment papers, magpapakasal agad tayo kahit saan mo pa gusto."

Isusubo na sana niya ang pagkain nang marinig ang sinabing iyon ng matandang fiancé. That problem. Alam niyang wala siyang dapat na ipag-alala sa dating asawa ni Mike. He assured her that his ex-wife will never be a problem.

Kahit na matagal nang naghiwalay ang dalawa, hindi pa rin annulled and kasal ng mga ito. Pareho man ang dalawa na nagkaroon ng maraming karelasyon, pero hindi naman humahantong ang relasyon ng mga ito sa kasalan. Kaya hanggang ngayon ay kasal pa rin sa papel ang dalawa. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon, magkaibigan naman ang dating mag-asawa. Naging mutual din naman kasi sa mga ito ang desisyon na maghiwalay. At napag-usapan din nilang kapag may magpakasal man sa kanila, agad nilang pipirmahan ang annulment papers.

"But what if magbago ang isip ng dati mong asawa? What if ayaw niyang pumirma?" she asked him to be more assured.

Hinawakan ng matanda ang kaniyang kamay at binigyan siya ng ngiti na tila sinasabi nitong wala talaga siyang dapat na ipag-alala. "She will sign the papers. Huwag ka nang mag-isip ng hindi maganda. I can assure you one thing ─ makakasal tayo."

Nginitian na lang niya ang matanda. Sabagay, alam niya rin namang gagawin nito ang lahat para lang maikasal silang dalawa. Ito rin ang atat na atat na maitali na siya nang tuluyan at maging opisyal na miyembro na ng kanilang pamilya.

Nagpatuloy na sila sa pagkain nang biglang may nagsalita.

"Daddy!" Lumapit ang isang napakagandang babae kay Mike at yumakap ito nang mahigpit sa matanda. Bumaling naman ito sa kaniya at siya naman ang niyakap. "Hi, Tita Zheanne!"

Nagulat si Zheanne sa biglaang dumating.

"A-ang bilis mo namang bumalik," ang tangi niyang nasambit.

Itutuloy...


Ito po ang mga naunang bahagi ng ating kuwento:

Masked Coquette: Panimulang Bahagi
Masked Coquette: Unang Bahagi
Masked Coquette: Ikalawang Bahagi
Masked Coquette: Ikatlong Bahagi
Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi
Masked Coquette: Ikalimang Bahagi
Masked Coquette: Ikaanim na Bahagi
Masked Coquette: Ikapitong Bahagi

Ang schedule ko sa pagpo-post ng karugtong ng kwentong ito ay Martes, Huwebes at Sabado kaya antabayanan na lang ang susunod na pangyayari. Kung hindi man ako nakapag-post sa nasabing schedule sa kadahilanang abala ako sa mga bagay-bagay, titiyakin ko namang habulin ang bilang ng ipo-post kong bahagi.

At para sa inyong mga komento at kuro-kuro, 'wag mag-atubiling ilagay ito sa comment box sa ibaba. Ako po'y labis na magagalak na mabasa ang komentong magmumula sa inyo. :D

Maraming salamat sa pagbabasa! :)


pinagkunan ng larawan:1, 2

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Thank u for your support. Now following u also. God bless!