Mga Bagay na Dapat Bigyan ng Pansin - Ragnarok Online Mobile: Eternal Love

in onlinegame •  6 years ago  (edited)

Nitong September lang, nagsimula akong maglaro ng Ragnarok Online Mobile China Server para magkaroon ng idea sa lalabas na Global Server na nakasalin sa wikang Ingles, at ayon na nga, kahit papaano may natutunan naman ako. Then, nabalitaan ko naman ang Closed-Beta Testing (October 20) at siyempre, sumali rin ako. Natapos ang ang Closed-Beta Testing kahapon (October 24).

So bale, anong saysay nitong thread na ito? Ilalagay ko dito ang mga dapat bigyang-pansin ng mga tulad kong Pinoy lalo na iyong mga hindi nakapaglaro ng CN/KR Server o hindi rin nakasali sa Closed-Beta Testing. Hindi po ako nagmamarunong, sa katunayan Level 77/18 (Assassin Cross) pa lang ako sa CN Server at ang inabot ko lang sa Closed-Beta ay Level48/8 (Assassin). Gusto ko lang makatulong.

Simulan na natin.

Novice to _______.
Pagkatapos mo mag-create ng Character (Novice), unahin mong tapusin ang mga Main Quest (Red Exclamation Point) para sa mabilisang pag-level ng JOB mo. Kapag na-abot mo na ang max JOB level (Lvl.10), tigilan mo muna ang ibang quest na nakatengga, unahin dapat ang JOB Change quest na makikita sa South Prontera.

Bakit? Para hindi masayang ang ibang JOB Experience na makukuha mo. Isipin mo na lang, max na JOB level mo, anumang JOB experience na makukuha mo ay hindi naman mai-stack o maka-count para sa susunod na level.

Saan? Sa South Prontera. Puntahan lang si Poya - Team Eden Instructor (ayan ang name niya sa CN Server, hindi ko maalala ko iyan din iyong nasa Global Server), at isa siyang Knight. Kakausapin ka niya para sa JOB Change Quest.

Screenshot_2018-10-25-15-01-01-066_com.xd.ro.roapk.png

Bulletin Board Quest.
After mo mag-Change JOB, tapusin mo na ang mga quest na natengga. Kapag ang base level mo ay umabot na sa bandang 20, magkakaroon ka naman ng quest about Bulletin Board Quest. Isang itong Daily Quest. Kung nakapaglaro ka ng Ragnarok noon sa PC, malamang pamilyar ka dito. Ang Board Quest ay may limit na 10 per day. Sa tuwing matatapos ang mo ang isang Quest, pataas nang pataas ang magiging bigay na Experience sa mga susunod na quest.

Screenshot_2018-10-25-15-06-45-025_com.xd.ro.roapk.png

Screenshot_2018-10-25-15-17-02-066_com.xd.ro.roapk.png

Monster Wave/Resistance
Puwede din itong maituring na isang Daily Quest. Ang Monster Wave/Resistance ay magbibigay sa iyo ng x10 Experience sa tuwing makakapatay ka ng MOBS. Ito ay 2 quest per day pero kung sakaling hindi mo magamit, puwedeng mag-stack ito hanggang 6 quest. Kinukuha ang quest na ito kay Gardosen, NPC na katabi ng Bulleting Board. Ang Monster Wave/Resistance ay Time limit kapag kinuha mo pero mayroong Maximum Experience limit. Halimbawa, ang quest ay may 500,000 Experience limit, hanggang hindi mo naabot ang limit na iyan, mananatiling x10 ang gain mo ng experience.

Screenshot_2018-10-25-15-19-02-334_com.xd.ro.roapk.png

Crack/Rift Fixing
Sa pagkakataong ito, mas maganda kung may ka-party ka. Ang Crack/Rift Fixing ay isa ring uri ng daily quest na limit na 5 kada araw. May mga perks sa pagkuha ng quest na ito, may drop chance kasi ng mga rare item na maaari mong gamitin or ibenta nang mahal. Maliban sa mga item, may experience din itong bigay at zeny. Makakapamili ka ng Crack/Rift na puwede mong kunin kay Suger, isang NPC na katabi ni Gardosen.

Screenshot_2018-10-25-15-19-02-3341_com.xd.ro.roapk.png

Guild, Guild Buffs, Guild Raids, Dojos
Kung sa tingin mo kayang mong magpalakas mag-isa, nagkakamali ka. Sa tulong ng Guild mas ma-maximize mo ang pagpapalakas sa Character mo.

  1. Marami sa kanila ang malawak na ang karanasan sa paglalaro ng Ragnarok Online Mobile, hindi lang sa PC. Sila pa lang, malaking bagay na.
  2. Kapag miyembro ka ng isang guild, mayroong tinatawag na Guild Buffs sa pag-Pray o pag-Bless You sa NPC na si Valkyrie sa loob ng Guild Base.
  3. Siyempre, sa Guild Raids and Dojos, makakaipon ka ng Contribution Points(Guild Points) at Proof of Glory na magagamit mo sa Rune Building at sa iba pang bagay na may kinalaman sa pagpapalakas ng Stats na Character mo.

Screenshot_2018-10-25-15-38-15-829_com.xd.ro.roapk.png

Runes(Aesir Monument)
Nabanggit ko sa Number 3 ng Guilds perks ay ang Rune Building. Ang Runes ay sobrang makakatulong sa iyo para mapalakas nang husto ang character mo. Makukuha mo ito kung ikaw ay Level 40 na at may kasalukuyang Guild. Makukuha ito kay Olrun - Valkyrie (name niya sa CN Server, muli, hindi ko maalala iyong nasa CBT). Makikita mo siya sa loob ng Guild Base, pangalawang room sa kaliwa.

Screenshot_2018-10-25-15-41-42-590_com.xd.ro.roapk.png

Screenshot_2018-10-25-15-41-49-504_com.xd.ro.roapk.png

Screenshot_2018-10-25-15-42-01-257_com.xd.ro.roapk.png


Sa ngayon, iyan ang mga napansin ko na may malaking tulong kung sakaling ma-maximize mo ang bawat isa. Sana nagkaroon kayo ng ideya para sa darating na Open-Beta Testing ng Ragnarok Online Mobile. Kung may dagdag kayo, mag-comment lang kayo. Or kung may itatama kayo, please, sabihin niyo agad.


Happy gaming!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @crypt0n1an33d! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!