Ang oras ay mahalaga sa ating mga tao,ang oras ay parang kakambal ng ating buhay,dahil bawat oras natin ay makabuluhan. Itoy simbulo ng ating buhay,kaya habang tayo ay nabubuhay pa dito sa mundong ibabaw dapat pahalagahan natin ng mabuti at pakamamahalin,dahil hindi natin alam kung kailan tayo mananatili dito sa mundong ibabaw,kung kailan nya tayo babawian ng buhay,kaya bawat oras,bawat minuto,at bawat Segundo ng ating buhay ay gagawin nating makabuluhan at makasaysayan,dahil ang bawat nating oras itoy Hiram at panandalian lamang.
Kaya bawat oras natin ay ating pakamamahalin dahil alam nating lahat na itoy Hindi atin, itoy Hiram natin,kaya sa bawat sandali ng ating oras,gagawin nating lahat na Hindi tayo makagawa ng pagkakamali sa buhay,alam nating lahat na walang perpekto dito sa mundong ito pero gagawa tayo ng marangal na Gawain,dahil Hindi natin alam kung kailan matatapos ang oras na laan sa atin.
Alam nating lahat na ang oras na bigay sa atin ay panandalian lamang,kaya habang tayoy maybuhay pa gagawin natin ang ating makakaya na makagawa ng mabuti sa ating kapwa,huwag nating papabayaan na tayo mapunta sa kasamaan,dahil kahit anu mang oras tayoy mawala,anu mang oras nya kukunin ang Ating buhay, may maiiwan tayong ala ala na maganda,lagi nating tatandaan na ang oras sa ating buhay itoy mahalaga, makabuluhan,at kailangang pahahalagahan ng bawat isang nilalang dito sa mundong ibabaw.