May umaakyat ba ng overpass na hindi tumatawid sa kabila? Siguro kung hindi ko pa nababasa yun aklat na yun baka ginawa ko na rin yun. Nakakatawa di ba? Tulad ng buhay ko, makulay, sa dami ng kulay naging isang perpektong abstract. Pero mabalik tayo sa tanong ko kanina, mayroon bang mga umaakyat ng overpass na hindi tumatawid sa kabila?
Kung ang sagot mo ay wala, malamang nasa tamang pagiisip ka pa. Marami sa mga ikinkilos natin ang masasabing predictable. Madaling basahin ng mga taong malapit sa iyo. Mga hakbang na inaasahan na ng maraming tao. Sa mga kadahilanang ito kaya masasabing lohikal ang isang tao. Para saan nga naman ang overpass kung hindi ito tatawiran ng mga tao, ang relo kung hindi gagamitin sa pag-alam ng oras, ang celfone para maka-text at maka-talk sa mga friends mo, ang tsinelas para wag kang magyapak, ang toothbrush para sa ngipin, o ang sanitary napkin….ngeh..alam na natin yun!!!
Ginagawa natin ang isang bagay kasi mayroon tayong isang malinaw na layunin. Pwede rin namang hindi natin gawin ang isang hakbangin dahil meron tayong ayaw mangyari. Kung anu’t ano man, malinaw ang ating saloobin, alam natin ang ating ginagawa.
Pero paano naman sa mga taong umakyat ng overpass pero hindi tumawid? Sinu sino kaya ang mga ito? Ano ang kanilang mga pagkatao? Sila kaya ay mga alien na galing sa Mars ng minsang mapalapit ito sa daigdig?
Mali kayo, tao rin sila, kagaya mo, kagaya ko. Weird na matatawag pero mga totoong tao. Sila yung mga taong nakangiti palagi dahil alam nila na mas kakaunti ang mga muscles ng mukha na ginagamit sa pag-ngiti kesa magsimangot ,sila rin yung mga taong pilit kang pagdadalhin ng payong dahil baka raw umulan kasi bawal daw magkasakit eh summer naman, mga taong uuna sa canteen para ipagreserba ka ng upuan gayong kayo lang dalawa naman ang kakain kasi alas dos na ng hapon at naguwian na ang marami, o kaya’y mga taong panay ang text at miscall kahit alam niyang sarado ang celfone mo.
Kayo?, saan kayo kabilang? Ako, siguro kung sinubukan kong umakyat sa isang overpass eh, tatalon ako, bakeeet kamo? Kasi alam ko na mahuhulog din ako. Wala kasi akong pakialam kung magkabali-bali pa ang mga buto ko, natitiyak ko rin namang walang makakapansin sa gagawin ko. Aba marami na rin naman beses akong nahulog, nadulas, nahulog, natapilok, nahulog, minsan nga may nagtulak pa sa akin. Pero kahit durog-durog na ang mga buto ko, umaakyat pa rin ako sa letseng overpass na yan!!! Umulan man o bumagyo. Ewan ko ba, pero masaya ako, kahit mahirap gagawin ko. Umaasa na sa susunod kong pag-akyat ng overpass na yan ay makakatawid na ako sa kabila kasi naghihintay na sa akin ang kaibigan ko…henyo ata to’..!!!
Thanks for reading.