Ang Paborito kong Alaala

in paboritongalaala •  6 years ago 

Ilang araw na ako nag-iisip kung alin sa mga paboritong alaala ang isasali ko sa patimpalak na ito. Yung mga cartoons kaya noong 90's na nagbigay buhay sa aking mga imahinasyon? Pwede!. Marami yun, pinakapaborito ko yung Zenki at BTX. Ang ganda rin nung Magic Night RayEarth, Neon Genesis Evangelion, Mahiwagang Kwintas. Sinong makakalimot sa Cedie at Princess Sarah. Pinanood ko pa mga pelikula niyan.

Zenki

Paano kaya yung pagligo sa ulan. Total panay naman ang ulan ngayon. Ang sarap alalahanin na nung bata pa kami ay walang malisya na tumatakbo kami at naliligo sa ulan ng NAKAHUBAD... ang tsinelas kasi pinapaanod namin sa kanal.
(wholesome po ako ) Oo pwede ito. Yun na lang kaya.

Alam ko ganito ka rin dati

Pero may naisip pa ako eh. Nung 90s madalas ang brown out lalo na pag malakas ang ulan. Ang ginagawa naming magkakapatid kasama mga pinsan ko ay naglalaro kami ng baraha. Unggoy-ungguyan, pares-pares at syempre yung pekwa. Haha pekwa. Nagawa rin namin noon na sampuan kaming naglalaro ng tong-its. Tatlo ang manlalaro yung pito mga miron na mas marunong pa sa naglalaro. Pakatapos! maksisisihan kasi na-olats.

Pekwa

Haha ang sarap balikan ng simpleng buhay noong panahon na magaan ang lahat at hindi komplikado. Yung solb ka na sa tsitsiryang mamiso na may pagkain ka na may laruan ka pa. Sino pa kaya nakakaalala sa Mang Pinoy. Di pa uso nun ang google para matuto kaya nanonood kami ng sineskwela. (Haha. Ayan alam na yung edad ko ng mga nagababasa nito)

Sa dami ng magagandang alaala ng kabataan may isang alaala na hindi ko malilimutan. Para ngang mas nararamdaman ko pa lalo yung alalang iyon sa dahil sa patalastas ng Knorr Cubes (napanood mo na ba?)

ito yun, panoorin mo po

Nasa ikalawang taon ako noon sa high school. Dalwang grading akong top 1 (yeah ang bright). Pero tinamaan ako ng hepatitis A dahil hilig kong kumain ng homemade fishball sa tawid ng eskwelahan (patay-gutom kasi). Dahil dito isang buwan akong lumiban sa klase (buti nga). Nagdulot iyon ng pagbaba ng aking marka sa ikatlong grading at pagbaba ng ranking sa top 9(tuwang-tuwa mga kaklase kong hinayupak haha) . Sa pagtatapos ng klase hinirang akong top 2 at yung top 2 namin ang naging top 1. ( ang sad lang pero dats layp). 91.70 ang pinal nyang grado samantalang 91.40 ako (dikit ang laban).
Habang binabati kami ng mga guro nasa background music sa isip ko ang kantang "Pagnatatalo ang Ginebra"

Ginebra Team

Dalawang araw na lang at Araw na ng Parangal nung ipabatid sa amin ang pinal na ranking ng klase. Di ko alam paano sasabihin sa tatay ko na di ko nakuha ang top 1. Pero kailangan kong sabihin. At sa inaasahan ko nga nadissapoint ang aking tatay (sadlayp). Syempre ako ay nalungkot. Bagsak ang balikat dahil isa aking kabiguan (panyo meron ka). Lumapit ako sa aking ina para sabihin din na di ko nakamit ang top 1. Pero parang alam na nya ang sasabihin ko. Noong panahong iyon unti-unti na siyang ginugupo ng karamdaman niya. Pero yung sinabi nya ang nagpagaan ng loob ko, " Wag mo na intindihin iyon anak. Bilib naman talaga ang mama sayo talaga!". Yun yung salita naging lakas ko ng loob dahil sa isang ambisyon na di ko nakamit. Yung mga salita na umiikot sa utak ko at nauulinigan ng aking tainga hanggang nayon.

"Wag mo na intindihin iyon anak, bilib naman ang mama mo sayo talaga!"

Walang makakadaig sa luto at pag-aalaga ni mama. Yung luto nyang nakakagaan ng loob at yakap nyang nakkabuo ngpagkatao. Nang parehas na taon ding iyon namayapa ang aking ina. Nang taon ding iyon, unti-unti akong tinalo ng karamdamang taglay ko hanggang ngayon na syang nagdulot ng aking kapansanan. Minana ko ang talino ng nanay ko maraming nagsasabi. Pero minana ko rin ang sakit na dumadaloy sa dugo ng lahi namin.

Maraming taon ang lumipas (wag mo ng bilangin). Hindi ko nakamit ang pangarap ng nanay ko para sa akin na maging abogado. Napaglipasan na rin ako ng panahon at takbo ng buhay dahil sa naging sakit at kapansanan ko. Halos lahat ng kaedad ko ( wag mo na itanong ang edad) ay matagumpay na sa buhay pero ako wala pa ring nararating.

May mga panahong nalulungkot ako kasi tumatanda akong umiikot ang mundo sa pagpapablik-balik sa ospital para check up, monitoring, laboratoryo. Aaminin ko na nakadama ako ng lungkot pero puno pa rin ng pag-asa. Naniniwala ako may mangyayaring maganda na di ko inaasahan.

Tumanda akong walang nakamit (bata pa po ako metapora iyan)
Pakiramdam ko isa akong malaking kabiguan (Dear Ate Charo)
Pero alam ko na may isang tao na nakamasid sa akin at alam ang lahat ng tahimik kong karangalan. Sya yung nakakabatid ng aking mga nakamit na hindi makikita ng ibang tao. Sya yung nakakaunawa ng sarili kong laban na pilit at sinisikap pagtagumpayan. Sya yung nagsabi na

"Wag mo na intindihin iyon anak, bilib naman ang mama mo sayo talaga!"

Ang kaisa-isa at natitirang larawan ni Mama

at alam ko ito pa rin ang sasabihin nya sa akin. Hindi nya binitawan ang mga salitang iyon bago nya kami iwan. Sinabi nya iyon para may paborito akong alaalang babalikan at magpapalakas ng loob ko at magbibigay pag-asa.

( tapos na po! Kakain muna ako ng tinola na may Knorr Cubes)

ito po ang aking entry sa patimpalak ni bes @romeskie na "Ang paborito kong Alaala"

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.