Ang Paborito kong Ala-ala: MASARAP BALIKAN ANG NAKARAAN

in paboritongalaala •  7 years ago  (edited)

Ito ang aking ala-ala na masarap balik-balikan sa pamamagitan ng tula:

 MASARAP BALIKAN ANG NAKARAAN

 Masarap balikan ang nakaraan
 Alalahanin at namnamin,
 Pamilyang nakatira sa simpleng bahay,
 Bagamat maligayang tunay.

Masarap balikan ang nakaraan
Pamilyang aking kinagisnan at nagkakaisa sa anumang bagay,
Minsan ay nag-aaway-away,
Pero kami ay nagmamahalang tunay.

Masarap balikan ang nakaraan
Dahil bunso sa magkakapatid
Masarap isipin na ang atensyon ay napunta sa akin,
Para sila ay may maiiutos sa akin.

Ayos lang sa akin,
Walang reklamong bigatin,
Basta’t may tsokolate sa kanilang bulsa,
Ako ay masaya na.

Masarap balikan ang nakaraan
Water bed noon ang aming higaan,
Kaming magkakapatid ay laging nag aagawan,
Para lasapin ang umaalong higaan.

Masarap balikan ang nakaraan
Luto ni Nanay ay lagi naming inaabangan,
Lalo na ang pop rice at donut na nakakatakam takam,
Tiyak huhupa ang tiyan na kumakalam.

Masarap balikan ang nakaraan
Daing na isda na nasa sampayan
Inaabangan lagi ni pusang si Minggay
Na paborito rin ni asong si Bantay.

Masarap balikan ang nakaraan
Sa pamumuhay ni Nanay at Tatay
Kami ay malusog sa buhay 
Kahit walang gaanong magagarang gamit
Makabili lang ng bigas at ulam kahit danggit.

Masarap balikan ang nakaraan magkapamilya ay nagtipon tipon
Magdasal at kumain ng sabay-sabay
Habang si bunso ay nakasablay kay Nanay.
Masarap balikan ang nakaraan
Naghanda para manood ng pelikula si Tatay sa bahay
At kami ay tinawag para manood ng sabay-sabay
Habang naghahanda ng makakain si Nanay na lugaw na makulay.

Masarap balikan ang nakaraan
Tuwing pasko ay nagbibigayan
At kapitbahay nakisali sa kasiyahan
At magsalo-salo sa malaking hapag-kainan.

Masarap balikan ang nakaraan
Walang telebisyon noon
Sa silya laging nakapatong
Nakinood sa kabilang istasyon
Para hindi makaligtaan ang paboritong Cartoon.

Masarap balikan ang nakaraan
Lalo na ang simpleng kasiyahan
Takbo dito, takbo doon
Tumbang preso man o Jackstone.

Masarap balikan ang nakaraan
Laro sa labas ng bahay ang aming pinag-kakaabalahan
Larong shatong, Chinese garter, at tagu-tagoan
Larong takyan o bahay-bahayan man
Hindi kami natitinag sa panahon, umaraw o umulan man.

Masarap balikan ang nakaraan
Laro dito, laro doon
Tila hindi napapagod buong maghapon
Si Nanay ay laging nakaabang
At putak ng putak ang bungangang magaspang 

Masarap balikan ang nakaraan
Naka – tsinelas lang papuntang paaralan
Hindi alintana ang putik at layo nito
Makarating lang ng ligtas at detirminado.

Masarap balikan ang nakaraan
Baon ay isang piso lamang
Minsan hindi na makakain
Dahil pinangbili ng magic spring.

Masarap balikan ang nakaraan
Sa tuwing uwian galing eskwelahan
Laging basa at nakatampisaw sa ulan
Na walang pakialam

    Masarap balikan ang nakaraan
    Tatakas sa bahay at pupunta ng plasa 
    Para magpalipad ng saranggola

Masarap balikan ang nakaraan
Ang kabataan na walang kapagoran
Walang ibang iniiisip kundi kasiyahan
Hindi alintana ang problema sa buhay
    Basta patuloy  lang ang buhay

Masarap balikan ang nakaraan
Nagalit si Nanay at Tatay sa nagawang kasalanan
Kulong at palo ay aking naranasan
Ngunit ang mga iyon, ay humubog sa aking katauhan.

Masarap balikan ang nakaraan
Sa larawang kupas na laging pinagmasdan
Maghapong laging tinatanaw
 Ako ay hindi magsasawa kahit maging dugong bughaw.

Ito ang aking partisipasyon sa patimpalak ni @romeskie na may temang ANG PABORITO KONG ALA-ALA. Sana ay magustuhan niyo po at maaliw sa pagabasa.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Naaliw ako sa mala-time machine na pagkakalahad mk. Yung pagkain, pati ma si minggay at si bantay. Haha.. napalo rin ako noon pero ayos lang naman. Natuto ako sa mga mali.

Salamat sa pagsali! :-)

hehehhe.. salamat po.. naaliw rin ako habang ng sulat.. salamat din at naging parte ako ng patimpalak mo ;)

Congratulations @emelyn21! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard!


Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes


Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

oh, thank you :)