1998 Grade 4
Sa sobrang dami ng realization at sa sobrang daming beses ko nauntog at nagising sa katotohanan ay medyo naubos na ang laman ng aking memorya at hindi na gaanong maalala ang kasiyahan ko noong kabataan ko. (bata pa rin naman ako hanggang ngayon) Gayunpaman, nais kong suportahan ang aking kaibigan at taga-payo na si ate @romeskie sa kanyang patimpalak. Late man ang pagpasa nitong aking entry, ayos lang. Ang mahalaga ay maibahagi ko din ang aking karanasan noong bata.
Pakikipaglaro
Usong-uso sa amin noon ang mga laro na kinakailangan ng madaming manlalaro. O kaya ung grupo-grupo na mga laro. Patintero, Moro-moro, The Boat is Sinking, Open The Basket, Catch the Tail, atbp. Kami din yata ang nagpauso ng Taguan na by group ang laban. Magtatago ang isang grupo habang hahanapin naman ng kabilang grupo. Mas madali ang paghahanap dahil madami ang nanghahanap. At mas magulo dahil sa mga batang nagtatakbuhan. Boom Jampol! Save!
Nahilig yata ako sa paglalaro ng taguan nung bata. Nadala ko din kasi ang ugaling iyon hanggang sa aking pagtanda. Andami kong nakatagong sikreto at alam na sikreto mula sa ibang tao. (Kung gusto nyo malaman, dm lang. Madali akong suhulan) Magaling din ako magtago ng mga gamit. Sa tuwing may nawawala sa aming bahay ay ako ang napagbibintangan na kumuha (kahit hindi). Pero alam ko kung saan sila mahahanap (kaya napagbibintangan na ako ang nagtago). Higit sa lahat, mahusay ako magtago ng feelings. Oo bes, totoo un. Hindi ako masyadong showy. Hindi din ako lantaran kung mag-announce ng aking nararamdaman. Hindi. Hindi totoo un. Wag ka na kumontra.
Pinakapaborito ko din laruin nung bata ay wrestling-wrestlingan. Ang mga kaklase ko noong elementarya ay mga fans ng WWF (iyon pa ang tawag noong panahon namin) kabilang na ako doon. Dahil sa aking tangkad, palagi ko ginagaya si Kane at Undertaker. At pinaparusahan ng Chokeslam ang mga kaklase ko. Hindi ko lang magaya ung pagtirik ng mata ni Undertaker at paglabas ng kanyang dila na mahaba. (Ngayong nasa wastong gulang na ako, effortless na sa akin gawin un tuwing gabi)
Pagkain
Bata pa lang ako ay masiba na ako. Ay, pasensorry for the term. Matakaw pala, malakas lumamon. Hindi ako mapili sa pagkain. Isa na din siguro iyon sa dahilan kaya bata pa lang ako ay mataba na agad.
Paborito ko kumain dati sa Cindy's ung chicken bbq nila na ubod nang linamnam. Ngayon ay wala ka na makikita na Cindy's dahil nalugi na ang negosyo. (Hindi ko kagagawan ang pagkalugi nila). Wala pang unli rice noong araw. At hindi pa naiimbento ang gravy kaya ung lasa talaga ng inihaw na manok na nanunuot sa balat ang sarap. Un ang aking paborito. At oo, mas gusto ko pa un kaysa Chickenjoy.
Mahilig din ako sa sitsirya na may laruan sa loob. (Kahit hindi masarap ang lasa ng laruan) Pati ung Chikito, Siga, Sunshine (na minsan ginagawang bala sa sumpit), HumpyDumpy, Tomy (letter i ba un o y?), Cheese Ring, Peewee, CheezeIt, Clover at ang pinaka-kakaiba sa lahat... ang Lumpia (cheese roll na dalawa ang laman).
Pati matatamis at kendi ay aking hilig. Haw-haw, Flat tops, Lala, Stay Fresh (na pinapalutang sa bibig habang nakatingala), Joy (ung whistle), Fox's Candy, Softee, Monami, Halls, Yema, Bazooka (ung bubblegum na may comics na mababasa), Mentos at Polo. Ang hindi ko lang nagustuhan ang lasa ay ung Haw Flakes (ung ginagawang ostiya ng mga bata) dahil hindi ko magets kung ano ang lasa. Alanganing maalat na matamis na maasim. Parang kiamoy, basta ang weird.
Kaya din siguro hanggang ngayon ay mataba ako dahil sa sari-saring pagkain na pinaghalo-halo ko sa aking tiyan noong ako ay bata. Pero noong bata ako ay takot ako sa maanghang. Ngayong pagtanda, nagugustuhan ko na ang mga spicy foods. Pati hot mommas. Ay este hot mami pala, ung noodles.
(This portion is brought to you by Kaning-Baboy, ang tunay na halo-halo)
Pag-aaral
Hindi ko alam kung bakit noong bata pa ako ay gustong-gusto ko pumasok sa school. Ayoko ng uma-absent o kahit nale-late. Hindi naman ako mahilig mag-aral, hindi din matalino pero ayoko na may namimiss na happenings sa school.
Sa paaralan ko natutunan makipagsuntukan (kahit hindi itinuro ni titser). May nakaaway ako na isang bata, kasing-edad at kasing-laki ko din. Nagkapikunan kami at nauwi sa suntukan. Ung umiikot ung kamay nang mabilis para lang makatama sa kalaban. Ang tapang ko pa noon at hindi umuurong sa laban. Hindi din ako iyakin. Ang ending, putok ang labi ng kalaban ko (at tinahi sa clinic), duguan naman ang aking ilong (hindi dahil sa English). Hindi ako umiyak habang nakikipagsuntukan pero ibang bagay na kapag may Hinulugang Taktak na kulay pula umaagos pababa sa aking damit.
Ako : "Hindi naman masakit!
Siya : "Talaga, hindi masakit?!"
Ako : "Hindeh! Hindi masakit!"
Siya : "Talaga?! Eh bakit iiyak ka na?"
Ako : "Hindi kaya! Pawis lang 'to!"
Siya : "Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!"
Ako : "Wala kaya!"
Siya : "Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan! Supot!"
Ako : "Sinabi ng hindi eh! Supot ka din!"
Siya : "Supot umiiyak! Iyakin na supot!"
Ako : "Hindi nga ako~huhuhu iiyak! Wala 'to~huhuhu!"
Siya : "Ahahaha!"
Ako : "Kala mo dyan! Isusum-isusumbong kita~huwaah isusumbong kita sa mama ko~huhuhu!" (hikbi)
Mahahalagang Okasyon
Palagi akong masaya kapag may kapitbahay o kalaro ako na nagbe-bertdey. Syempre, kainan, palaro, loot bags at bonus na kapag may clown at magic. Mahilig akong magpabida ng bagong damit kapag aattend ng birthday party. Paborito kong suotin ang t-shirt na may design na cartoons atsaka jumper. At hindi mawawala ang sapatos kong umiilaw na meron pang compass (para hindi ako maligaw, wala pang GPS that time). Pati ang relo ko na BATMAN kulay itim at dilaw na iniiyakan ko kapag nakakalimutan ko isuot.
Kapag birthday naman ng kamag-anak, tahimik lang ako. Sobrang istrikto ni mommy, ayaw niyang naglilikot ako kapag ganun. Mahirap akong disiplinahin nung bata. Kaya siguro matibay din ang katawan ko sa suntukan dahil magaling na trainor ang aking mommy. Beterano na ako sa pagtanggap ng palo, hampas, latay, kurot, kukorot (kurot na gamit ang kuko, mas mahapdi), pingot, suntok, tadyak, hambalos, pitik, pitik sabay hug (pambasag ng kinabukasan) at kalmot. Hindi na rin ako takot sa tsinelas, hanger, sinturon, buckle, patpat, sandok at walis. Lahat sila friends ko na.
Tuwing pasko naman at fiesta, sagana kami sa handa. Ung budget para sa isang linggo, ihahain sa isang-araw. After ng pasko o fiesta, isasalba kami ng sardinas, corned beef, pork & beans atsaka sausage. Mura pa ang mga delata noon. At marunong pa magpautang ang mga may sari-sari store noon.
Nauuto ako palagi sa pagdampot ng barya tuwing bagong taon. Nakaugalian na sa aming pamilya ang paghahagis ng barya para daw sagana ang buong taon. Maaari lamang damputin iyon kapag umaga na. Syempre maaga ako magigising para dumampot ng barya, at nakukuha ko lahat. Kapag naipon ko na at nabilang, tatanungin ako kung magkano. Sabay sabi ng, pwede na yan pamalengke -- Punta ka sa palengke, bumili ka ng ganito. Wow! Pinaghirapan ko damputin pamalengke namin. Eh di sana hindi na nila inihagis nung gabi. 6yrs din ako nauto ng ganyang tradisyon.
Palabas sa Telebisyon
At dahil bata, mahilig ako sa cartoons. Ito yata ang nakakapagpatulo ng laway ko noong bata ako. Napapanganga kasi ako habang nanonood. Zenki, BTX, Monster Rancher, Dragon Bold ay este Dragon Ball Z, Gundam, Mosquiton, Slayers, Recca, Time Quest, Pokémon at napakarami pang pambatang palabas.
Naging fan din ako ng Bayani, Sineskwela, Math-Tinik, Batibot (tuwing umaga), Sesame Street, Wansapanataym, Hiraya Manawari at ang pinakapaborito ko -- Pahina. Madami ka matututunan dito. Madami pating kwento at adventures.
Idagdag pa natin ang Power Rangers, Maskman, Bioman, Shaider, Masked Rider Black, Voltes V, Daimos, Jetman, Fiveman, Machine Man at lahat ng mga may MAN sa dulo (hindi kasali ang man-to-man) at naglalakihang robot. Sa sobrang likot ng aking imahinasyon, iniisip ko na isang araw bibigyan kami ng titser namin ng kapangyarihan at kami ang magliligtas sa mundo mula sa aliens at higanteng insekto.
Kukulangin yata sa oras kapag idinetalye ko pa lahat. Pero yan lang muna mga natatandaan ko. Lahat ng naranasan ko noong bata, yan ang nagmulat sa akin sa kung ano ako ngayon. Masayahin, magulo, makulit, bibo, pabebe, masiba at matapang. Ung Jampol noon, un din ang Jampol ngayon. Lumaki lang at tinubuan ng buhok kung saan-saan.(sana pati sa ulo din) Basta kung may masaya pa na nangyari, un ay nung nakumpilan ako at tumanggap ng unang komunyon. Hindi naman ako banal o relihiyoso pero may kapayapaan na sumibol sa aking kalooban simula nung malaman ko ang tungkol sa Lumikha at magkamalay ako sa pagmamahal ng Maykapal.
Relate talaga. Haha. Panalo un mga anime lineup sa gabi nuon.
Tapos panalo rin un pagkakasulat, pede na ilagay sa libro ng ABNKKBSNPLKo :D
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nyahaha! wag mo naman masyado purihin lodi @jazzhero baka akalain nila na ako ung favorite author nila. nyahaha! nakaka-overwhelm masyado ung comment mo. parang gusto ko na tuloy maglabas ng libro. nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Nice! Yung totoo, ikaw ba talaga si bob? Haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
bob uy po ate @romeskie
pwede din naman bob the builder
nyahaha! 😂
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Relate ako dito lalo na sa mga animés. Katatapos ko nga lang ulit panoorin ang BTX.lol
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Batang 90s ka din siguro @jhoevhee? ang ganda ng BTX kahit ulit-ulitin panoorin, hindi nakakasawa. makasaysayan talaga ang apat na hayop na Diyos ng China. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oo naman. Pero Ghost Fighter at Dragon Ball Z talaga inaabangan ko noon. Dagdag mo pa ang Sailor Moon. At Lupin III ..Lol
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit