Ang Paborito Kong Alaala : “Masasayang Peklat ng Nakaraan”

in paboritongalaala •  6 years ago 

Sino ba naman ang taong hindi sumaya sa kanyang pagkabata? Yung tipong bigla ka na lang matatawa kapag iyong ginugunita ang mga masasayang alaala. Yung tipong matutulala ka na lang bigla kase nakakita ka ng isang bagay na makakapagpaalala sayo ng mga nakaraan. Gaya ko, sa twing makikita ko ang aking mga peklat sa aking katawan, ay dahil ito sa aking mga masasayang alaala sa aking nakaraan. Kaya heto na,gumawa ako ng isang tula para balikan ang mga ito.

5E11C3A8-BB33-4225-8822-0C835B75DC20.jpeg

Sino nga ba ang taong di sumaya sa pagkabata?
Mga panahong ang alam mo lang ay tawa ng tawa
Ni hindi mo alam maging malungkot dahil sa lagi kang masaya
Napapangiti ka na lang kapag binabalikan ang ganitong alaala

Aking ibabahagi ang aking karanasan
Nagkasugat sugat man pero gusto kong balikan
Ngayon ako’y napapangiti sa aking upuan
Kaya ito na aking sisimulan

Paggising ng umaga,
Manunuod agad ng palabas ni Guko, Picollo at Vegetta
Pasensya pero di ako mahilig sa Sini-eskwela
Gusto ko kase yung aksyon ang aking nakikita

Kapag ang kapatid ko ay parating na,
Kami na ay pupunta sa kama
Syempre ako na ay mag - aala John Cena
Sapagkat ang laban ay magsisimula na

Kung sino ang unang umiyak, sya ang panalo
Sapagkat malamang di sya ang mapapalo
Dahil andyan na ang sinturon ni lolo
Na sa pwet namin ay talagang dadapo

Kapag ang ulan ay malakas
Kanya kanyang paraan para tumakas
Sa bawat kulog at kidlat, sisigaw ng malakas
Maghahabulan na parang wala ng bukas

Paguwi sa bahay , di pa makontento
Sa may bomba o kaya sa gripo kami ay dederecho
Malamang sa tubig kami ulit ay maglalaro
Kahit ang katawan namin ay singlamig na ng yelo

Sa may malawak na lupain
Kami ay magtatakbuhan ng matulin
Na tila singlakas naming lahat si Shaolin
At sa asim namin, mahihiya ang Datu Puti sa amin

Larong Langit, lupa at impyerno
Aakyat maski sa taas ng puno
Tawanan sapagkat may nakikita silang prutas ng mabolo
Abay teka! Butas pala ang short ko

Larong tagu taguan sa maliwanag na bwan
Di magpapakita kahit magkamatayan
Maski punong puno na ng langgam ang aming paanan
Ikagat mo na lang sa dila upang sakit di mo maramdaman

Mga ala alang ito’y kailanma’y di ko makakalimutan
Aking babaunin sa pagtanda at kahit mapasaan man
Dahil mawala man ang memorya at maglaho man sa aking isipan
Mga masasayang peklat ng nakaraan ay nakaukit na sa aking katawan

Pinagkuhanan ng Imahe

Ito po ang aking entry sa patimpalak ni Ma’am @romeskie : “Ang Paborito Kong Alaala”.

8063B94F-2067-4FDD-9565-EBA511CB526A.jpeg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Komedyanteng makata! Haha. Iyak tawa ako. Naluha ako sa mga alaala. Natawa ako sa pagkakatula. Hahaha

Haha. Ganyan lang, itawa lang dapat natin ang mga ganitong ala ala. 😂 Salamat Ma’am @romeskie!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.