Noong ako ay bata pa,
masaya kaming namumuhay sa probinsya
Pero yung tatay ko’y nadestino sa Maynila
Kaya’t napili nilang dito na lang tumira
Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong sa probinsiya na lang kami sana
Pero musmos pa lang kasi ako noon kaya’t sunod lang sa ama’t ina
Pinagkunan
Sa facebook dati, may nabasa ako
May isang punto daw noong kabataan natin
Na naglaro kayo ng mga kaibigan mo
At hindi niyo nalamang yun na yung huli
Yung huling beses na magkakasama kayo
Ako hindi, alam ko na kasi
Alam na alam kong huling beses ko nang makakasama sila
Na hindi na kami makakapaglaro ng mataya taya
Hindi na rin kami magkakasamang humuli ng tutubi
Hindi ko na rin sila makakasama maglangoy
Doon sa may sapa, habang ang mga damit namin ay nakasabit sa kahoy
Bahala na kung liparin ng malakas na hangin
Kami kami lang naman din, kung sakali, uuwing hubo’t hubad pa rin
Hindi ko na rin sila makakasama maglaro sa silong
Tinatakot pa nila kami, may duwende raw na naninirahan doon
Hindi na kami makakagawa ng tent gamit lang ang aming mga payong
Nagpaalaman kami ng araw na iyon
Kasi bukas, tutulak na kami pa-Maynila
May paiyak iyak pa sila, walang kalimutan ha
Pero nagka friendster, facebook, myspace, twitter at instagram pa
Ni anino nila, nasan na? Wala!
Pinagkunan
Pero totoo, meron ngang punto ng pagkabata ko
Na nakipaglaro ako’t nakipaghabulan
Nag bike kasama ang mga kababata’t kaibigan
Yung tipong hindi namin iniisip ang kinabukasan
Ang importante, manalo lang sa tagu-taguan
Hindi namin iniisip kung mapalo man ng nanay o ng tatay
Ang importante, hindi kami uuwing talunan
Mag uwi ngmaraming tex, pog, jolen pati goma, pinag aagawan
Yung puntong yang mga yan ang aking kayamanan
Ultimo kisses na mababango, pinakatatago tago
Pinagkunan
Walang nakapagsabi sa akin na yun na ang huli
Hindi ako informed, masyado pa akong nawiwili
Paunti unti, nabawasan kami ng kalaro
May nanirahan na sa malayo
May iba naman, naging busy na masyado
Hanggang sa pati ako, hindi ko na namalayan
Yung mga larong dati kong kinagigiliwan,
Unti unti natabunan, nakalimutan
Yung mga dati kong iniingat ingatang kayamanan
Ayun, napabayaan, nilagay na lang ni nanay sa basurahan
Ang sakit sa ulo kasi gusto kong mabalik dun sa panahon na yun
Noong aktong itatapon na yung pinakatago tago kong kahon
Nandoon kasi yung mga alaala ko ng kahapon
Yung mga pinagpawisan kong goma, yung kinadulingan kong jolen
Yung mga tex na iningat ingatan ko kasi larawan yun ni Vincent
Parang eksena sa pelikula na paulit ulit sa aking isipan
Na gusto ko sanang balikan para si nanay ay pigilan
Gusto ko siyang pakiusapan
“Ma, wag nyo po itapon yan,
isang mahalagang yugto ng buhay ko ang nandiyan”
Kaya lang wala na, hindi na maibabalik pa
Kahit ulit ulitin ko pa sa aking memorya
Kahit balik balikan ko pa yung mga lugar ng aking pagkabata
Wala na, marami nang ipinag-iba
Masakit man sa aking puso
Alam ko, kailangan kong tanggapin
Na yung mga bagay na kinagiliwan ko noon
Isang masayang yugto na lamang ng aking kahapon
Hinding hindi ko na maibabalik ipagpilitan ko man ngayon
Nakaka relate ako sobra! Maliban sa tatakbo at uuwi hubot hubad haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Diba? Ang saya saya. Kaya lang pag inaalala ngayon, nakakalungkot na bigla. :(
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kaya nga e. Hindi naman natin pwede balikan iyan kasi madami tayo mapapabayaan lalu na ikaw may anak ka na.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @romeskie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of posts published
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Do not miss the last post from @steemitboard!
Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit