Ako Ay Batang 90's

in paboritongalaala •  6 years ago 

My Post(19).jpgHello mga ka-tropa! Narito ako muli para mag share ng isang likha na tula na ewan basta ganun para suportahan ang contest ni @romeskie na #paboritongalaala.

For the record hindi ako contestant pero since chill ang contest naisip ko din na magpost. Para sa buong mechanics ng patimpalak ni @romeskie pwede mong i check ang link na ito. 100th day Celebration | Writing Contest: Ang Paborito Kong Alaala


AKO AY BATANG 90's

SINULAT AT BINIGKAS NI @TPKIDKAI

MEMA-POST BILANG DI KO NA ALAM

Ako ay batang 90's
Alam na alam nyo na yan dahil sikat yan iyong newsfeed.
Yung kwentuhan tungkol sa anime tuwing hapon
Hanggang sa paglalaro ng habul-habulan doon sa may subdivision.
Ay.. wala nga pala kaming subdivision.

Pag tinanong ako kung saan ako nakatira sasabihin ko taga U.S.A.
United Squaters Area ng Laguna!
Pero di naman yan ang paborito ko talagang ala-ala
Kasi ito yun talaga.

Nung mga panahong bata pa kami usong-uso yung terno
kaya kami ng kapatid ko laging magkaparehas pormahan tuwing pasko.
Lagi nalang kaming napagkakamalan na kambal dahil dito
Pero sikreto nalang natin ako talaga ang mas gwapo.

Naaalala ko din ang mga panahon na kung saan may puno ng aratilis.
Kakainin ang pula nitong bunga na sobrang tamis.
At yung moro-moro na isa sa aking paborito
Magtatakbuhan ng mabibilis hanggang sa makarating sa kabilang kanto.

Hay... diba ang saya ano?
Wala kang iintindihin kundi puro lamang laro
At pag narinig mo ang sutsot ng nanay mo.
Alam mo na kailangan mo nang umuwi dahil pag hindi sa bilang ng tatlo
Nandyan na ang kapatid mo isusumbong ka sa para ikaw ay mapalo.

Sympre pag hapon, pag walang pasok dapat mag siesta.
Minsan may eksena pa na ako ay iiyak dahil di ako binigyan ng lima.
Yan ang pangako kapag ako ay natulog sa hapon
Pero ngayon, kahit ako na ang magbayad para sa tulog na gusto kong maipon.

Ako ay batang 90's
Alam na alam mo na yan dahil sikat iyan sa iyong newsfeed.
Yung saulado mo ang walong dragon ni Recca
at ilalagay ang initials nila sa iyong braso tapos maglalaro kayo na parang ninja.

Pag nagkaasaran na maghahamon na ng suntukan
Doon lagi ang venue sa may dagat-dagatan
Pero matapos non kami parin ay magkakaibigan
Maglalaro ng habul-habulan doon sa may subdivision.
Ay.... wala parin pala kaming subdivision hanggang ngayon.

Sound Credits:
Dati Karaoke
Tagpuan Piano Cover
Ang larawang ginamit ay mula sa under Creative Commons.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you c-squared! I am really grateful. The rest of the crew thank you so much! 😭😭 for the curie DF. It is truly an honor to be marked already. Can't find words to say 😭 how happy I am that this is recognized.

Sobrang throwback!!! Huhu

Oo @dyinkfinity sali ka din sa contest ni ate @romeskie para mabasa namin ang throwback mo rin.

Yay!!! Susubukan kong makahabol. Salamat!!

Nice one kuya

Salamat @itsmejayvee kailangan pang galingan lalo para makarami hahah

Lodi, gusto ko yun laman ng tula pati ang delivery. Awesome job, TP and congrats sa mini-curie vote! Bagong milestone nga :D

Yes bagong milestone ito. Ang tagal ko nang ini aim na magkaroon ng upvote sa curie kahit community pa yan. Parang selyo lang for me heheh. Salamat bestfriend @jazzhero.

nung narinig ko yung sikreto... shet kinilig ako paps hahaha ang pogi ng boses haha... galing boss... nakakatuwa pde pala soundcloud dito.. more more :D :D :D Galing tlga :D :D :D

Hahha kailangan kasi pabulong para di marinig nung kapatid ko. Pwede ang soundcloud i embed mo lang yung code all good na sya. Nakita ko lang din tapos ginaya ko na. Heheh more to come sympre naman mas na inspire ako lalo gumawa nito.

bagong feeling pag may tunog na hehehe... Galing :D

Oo kayatry mo din bro para naman marinig din namin ang boses mo ulit.

hahaha para kasing bading yung boses ko.. pero sure sure try ko minsan hahahaha

Kaya yan! Modulation ng kaunti yung iba kong spoken word ganun din hahaha. Medyo effeminate yung boses din.

hahaha cge cge :D

aiwa first time!! may yayabangin na si utoy hahahahaha

Nyahahha di naman pang marka na yan.

I so love this @tpkidkai!! Ang galing mo talaga! Idol! ♥

Thanks @leahlei medyo konyotic lang ng bahagya ang ibang words hahah.

Ang galing nga, hehe halatang call center agent. ♥

Astig! Di bale. Kahit wala kayong subdivision, ambangis naman netong entry mo. Ibang klase!