Ang aking isusulat ngayon ay hango sa tunay na buhay. Hindi ito kathang-isip lamang. Ito'y tungkol sa mga alaala ko noong ako'y bata pa na gustong gusto kong balik balikan. Huwag na lang sana sino sino kasi ayaw ko na silang balikan, tapos ang boxing. Ano ano nga ba? Ang unang unang pumapasok sa isip ko ay siyempre iyong mga bayarin kagaya ng; kuryente, tubig, at siyempre mga pagkain. Noong ako'y bata pa hindi ako ang nag-babayad ng mga bayarin sa bahay, hindi kagaya ngayon ako lahat. Ganito siguro talaga kapag nakabukod ka ng bahay at independiyente tao siyempre. Ang sarap balikan hindi ba? Ano kaya ang pakiramdam ng mga taong hindi sila ang nag-babayad ng mga bayarin nila? Siguro hindi sila isip nang isip kung saan sila kukuha ng pera na ibabayad nila bagkus ay tinatawanan lamang nila ang mga pangyayari na dumadaan sa kani kanilang mga buhay.
Sobrang daming mga alaala talaga ang gusto kong balikan lalu na pagdating sa mga sinaunang mga laro o pambatang laro o kung ano man ang gusto ninyong itawag. Ang masasabi kong pinaka paborito ko ay; ang larong Moro-Moro, ewan ko lang kung alam niyo iyong laro na iyon. Simple lang ang pag-laro ng Moro-Moro. Una ay hahatiin niyo ang mga kasaling bata sa dalawang pangkat, at kapag nahati na sa dalawang pangkat ay mag-hanap na ng lugar na gagawing base. Napaka importante na mabantayan ang kani kaniyang mga bases, sapagkat kapag nahawakan ito o nayapakan ay puntos na tumataginting sa nakayapak o nakahawak na grupo. Ganiyan lang po ka simple. Nga pala kung ikaw ay naunang umalis sa base niyo, ika'y walang karapatang manghabol dahil sa ikaw ang naunang umalis ay ikaw ang hahabulin. Halimbawa: Si Toto ang unang tumakbo papalayo sa base nila, si Jun-Jun naman sa kabilang base ang umalis. Hindi puwedeng si Toto ang humabol kay Jun-Jun sapagkat si Toto ang unang umalis sa base nila hindi si Jun-Jun. Ngayon kung aksidente namang nahawakan ni Toto si Jun-Jun o aksidenteng nagkadikitan, isa lang ang suma total niyan, bihag na si Toto. Ganoon din kapag nataya ni Jun-Jun si Toto ay antimano bihag na agad. Siyempre hindi puwedeng isahan lang ang labanan kailangan higit sa isahan ang labanan. Sabihin na natin na nabihag na si Toto, e 'di si Nene na lang mag-isa sa base nila. Puwedeng gawin nila Jun-Jun at Ling-Ling na lusubin na ang base nila Toto. Mahihirapan na siyempre si Nene depensahan iyon sapagkat mag-isa na lamang siya. Ipagpalagay na nating maramihan ang labanan mga 5 vs 5. E 'di nabihag na nga si Toto no? Maaari din siyang iligtas sa pamamagitan nang pag-hawak sa kaniya. Paramihan lang ito ng puntos, kung sino mas maraming puntos ay siyang panalo. Higit sa lahat huwag makikipagbabag. Huwag niyo kami tularan, kasi kapag nasaktan kami gaganti na agad. Ayaw ko na sanang balikan iyon kasi hindi maganda sa paningin kasi pagmamalabis iyon, pero iyon kasi ang totoo. Masaya hindi ba? Ganiyan kami noong bata pa. Awa ng diyos hindi naman araw araw ang babag. Ang nakakatuwa pa siyempre iyong mga matataba naming mga kaibigan, sila iyong mga nag-babantay sa mga kani kaniyang mga base. Sa kadahilanan na hindi sila makatakbo nang mabilis. Tuwing hapon nilalaro namin iyan, kahit medyo mainit pa. Hindi namin kasi malaro iyan kapag tag-ulan na. Kayo ba nilaro niyo ba iyan noong mga bata pa kayo? Malamang sa hindi haha.
O ito pa mga magagandang laro.Siyato o Chato, Harangan Daga o Patintero, Tumbang Preso, Piko, Text, Holen, Pogs at Jack-Stone. Hindi ko na masiyadong ipapaliwanag iyan alam ko na alam niyo na iyan. Hindi talaga maiiwasan noong bata pa na makipagbabag, kasi halatang halata naman na nandadaya sila e. Jack Stone nilalaro ko lang iyan kapag gusto ko magma-magaling sa babaeng hinahangaan ko. Bagamat hindi ako sanay, talagang nagsumikap ako nang husto para magpasikat lang sa babaeng hinahangaan ko. Hindi naman nag-tagal ay gumaling din ako. Ang dami ko na alam ngang alam e. Kagaya ng exhibition na tinatawag. Around The World, SafeGuard, Kuweba at Kamatis. Iyan lang ang mga natatandaan ko. Chinese Garter at 10-20 hindi ko talaga nilalaro iyan. Bukod sa pambabaeng pambabae, pakiramdam ko tinatapakan ang pagkalalaki ko at saka kabawasan sa pagkalalaki ko. Ang masaya diyan kapag nag te 10-20 mga babae sa iskuwelahan, siyempre mga naka palda lang sila at alam niyo na. Balikan din natin mga alaala sa iskuwelahan natin na gusto ulit natin gawin. Mawawala ba iyong pagliban sa oras ng pasok? Siyempre hindi. Andiyan iyong magkakayayaan kayo maligo sa swimming pool, mag-tungo sa mga malalaking malls at siyempre tumambay sa bahay kapag wala ang mga magulang at manonood ng betamax huwag niyo na lang alamin kung ano ano pinapanood namin. Talagang grabe ang sarap balikan noong H.S days. Mawawala ba naman ang mga taong sipsip sa iskuwelahan? Siyempre hindi. Lista nang lisya kung sino ang mga magugulo kung sino sino mga nakatayo at higit sa lahat maingay. Siyempre ang matagal ko ng hindi nagagawa. Ang pagkanta ng Lupang Hinirang sa gitna ng mga tao at tumula ng Panatang Makabayan. Field Trip pa isa, baka kapag may anak na akong buhay makapag field trip ulit ako. Kailan ko kaya ito magagawang muli?
KAPAG NAGUGUTOM NA.....
Alam niyo ba iyong tsitsirya na Pritos Ring? Siyempre hindi talaga mawawala ang kapilyohan natin noon bata pa tayo. Ganito ginagawa namin sa Pritos Ring noong bata pa kami. Bilog kasi ang Pritos Ring ngayon nilalagay namin sa daliri namin iyan, ginagawang sing-sing kung baga. Tapos saka namin kakainin o 'di ba saan ka pa? Batang 90's lang ang nakaka alam nito. Mga tsitsirya pa dati na masasarap na ngayon ay wala na. Gusto ko ulit makakain ng mga tsitsirya dati gaya ng; Snaku (pula at berde) nakakakita pa rin naman ako nang berderng Snaku kaya nga lang sobrang dalang na talaga. Rin-Bee, Pee Wee, Chiz Curls, OIshi, Kirei at Richie iyan ang mga tsitsirya na mayroon pa rin hanggang ngayon.Mga tig pipiso na wala na ngayon ang dami niyan at saka mga kendi. Ang sarap balikan ng ating pagkabata.
Ang daming masarap na inumin noong bata pa at saka noong medyo malaki laki na. Kagaya na lang ng; Fanta (iba't ibang uri), at Magnolia Chocolait iyong nasa plastik. Madami pa talagang masarap na inumin dati hindi ko lang matandaan mga tatak ng mga iyon.
ANG PINAKA PABORITO KO AT HIGIT SA LAHAT GUSTONG GUSTO KONG BALIKAN.
Ito talaga ang pinaka gusto kong balikan "ang manghuli ng gagamba" sa gubat. Partida pa dati noong bata ako sikat na sikat pa ang araw saka kami manghuhuli gagamba. Maganda kasi kapag may sinag pa ng araw, para kasi kita kaagad ang sapot ng mga gagamba.
Sa gabi kasi hindi kami pinapayagan at saka walang kwento kasi dampot ka lang nang dampot, mga naka gawa na kasi sila ng bahay nila. Ngayon hindi ko na kaya mag-lakad nang malayo dahil sa resistensiya ko ay mahina na. Puwede pa rin naman kaso pahinto hinto. Ngayon kapag naka huli na at napuno pa iyong posporo laban agad kami ng mga kaibigan ko. Mali pala iyong ginagawa namin dapat pala ginugutom muna mga gagamba para tumapang. Iba kapag manok. Manok hindi puwedeng hindi pakainin. Minsan pa dumadayo pa ako sa Poblacion, Meycauayan para lang makipaglaban ng gagamba. Doon ko din binili iyong kaha ko ng gagamba, kamagong siya kaya may kamahalan. Mantakin mo? Grabe sobrang nakaka-aliw talaga dati, hindi kagaya ngayon.
Ang igi ng buhay dati at sobrang saya. Hindi na kailanman maaalis sa isip namin na minsan nagkaroon kami ng buhay na ubod ng saya. Dati kapag pupunta kami sa parang maganda ang simoy ng hangin, walang polusyon. Sa parang dati may mga dayami pa, na kung saan nag-vevertical mga kaibigan ko. Ang sarap nilang panoorin. Sobrang dami ang magagawa sa gitna ng parang dati, kapag nag-papalipad kami sarangola dati para kaming si Superman kasi pakiramdam namin kami iyong nasa taas. Ngayon kaya makakapag-palipad pa kaya ako ng sarangola? Palagay ko hindi na, hindi na yata ako marunong gumawa ng sarangola. Dati kapag nagbi-bike kami simula Santa Maria hanggang sa Malolos bali wala lang, kapag sa papuntag Timog naman hanggang sa Monumento. Ngayon hindi ko na kaya aaminin ko naman, at saka nakaka-tamad na dahil sa polusyon at trapiko na rin. Ang dami kong gustong balikan sa mga pelikula lang at mga palabas sa T.V at sa mga programa sa radyo. Shaider ang pinaka tumatak sa akin. Alam mo na iyon @romeskie kung bakit, pero medyo malaki na ako noon nang napagtanto ko na mayroon palang something kay Anie. Mask Rider Black tuwing Alas Siyete ng gabi sa channel 13 pagka-tapos naman Machine Man. Twing umaga naman araw din ng Linggo Bioman. Mga anime naman kasi hanggang ngayon kasi nakaka-tatak pa sa isip ko pati na rin mga kanta. Mantakin mo 2018 na nasa 90's pa rin ako? Mas maganda kasi dati mga kanta kaysa sa ngayon. Hanggang dito na lang siguro ako sapagkat wala na akong maalala pang iban. Maraming salamat @romeskie. Sana madaming sumali sa patimpalak mo na ito. Sa uulitin paalam.
Wow! Ang dami kong naalala dahil dito master! Hindi ko nalaro ang moro moro pati yang mga gagambang nakakahon na yan. Naaawa ako sa kanila. Kung hindi lang ako takot, pinakawalan ko na lahat ng nasa posporong gagamba ng mga kapatid kong lalake. At gumaling ka talaga sa jackstone? Ibig sabihin marami kang babaeng oina-impressan? Hahaha. Sige. Ililibre kita ng field trip. Sa Nayong Pilipino. Hahahah..
Salamat sa mala-time machine na kwento! :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Oo madami akong kras siyempre normal naman iyon sa mga bata hindi ba? Oo gumaling talaga ako sa Jack Stone dami ko nga alam na exhibition e, kahit mukha akong kengkoy ginawa ko, hindi ko pa naman naiisip iyon kasi bata pa. Gagambang bahay lang yata sa mga kapatid mo haha. Noong bata ako walang kwenta field trip diyan nga madalas sa Nayon Filipino at Boom na Boom, lagi naman kami nandoon dati halos linggo linggo haha.
Walang ano man at good luck sa mga mananalo! Plug natin ito mamaya sa Pinoy Henyo hehe.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hindi ko alam kung anong gagamba andun. Baka pati si spiderman kinulong nila dun.. T_T
Sige. Sana maraming sumali. Patutugtugan ko ng The Bread habang naghihintay mamaya. Hahaha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sige doon ka muna sa #loveradio haha. Isang araw na nakakalipas wala pa sumasali nakaka inis naman walang mabasa haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Late ko na kasi naipost kagabi. Kinulit kasi ako ni Aya nang buong araw. Bubunuin ko na yung panghuling bahagi ng miniserye ko. :-) abangan mo. Haha
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hindi naman pala ako kasali gumaganito pa ako haha.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit