Kabataan, ito na yata ang pinaka naging masayang bahagi ng ating buhay. Kung saan ay napakasimple lang ng ating kaligayahan. Napakalawak ng ating imahinasyon, malaya tayong nakakapaglaro at walang mabibigat na suliranin sa buhay. Minsan sa katahimika'y ako'y nakakapagbalik tanaw, yaong mga masasayang ala-ala ng kabataan na nakaukit sa aking puso't isipan na walang ano-ano'y biglang nagpapangiti sa akin. Kay sarap balikan ng mga ala-alang iyon. Pero alin nga ba sa mga ala-alang iyon ang aking pinaka paboritong balik-balikan?
Sa tuwing magbubukang-liwayway ay bumabangon na ang aking lola. Bitbit ang kanyang bayong ay nagtutungo na sya sa palengke upang mamili ng kanyang mga lutuin. Sa kanyang pagbalik ay bitbit niya ang kanyang pasalubong sa akin, 2 pakete ng adong ^_^ ito ay ang tsokolate na nabibili sa palengke na hanggang ngayon ay nakikita ko parin. Lubos ang aking galak sa tuwing inaabot nya iyon sa akin. Iba't-ibang hugis ng tsokolate na minsa'y may ibang kulay rin. Sabik na sabik na akong nag-aabang sa aking paboritong programa sa telebisyon habang kinakain ang mga tsokolate. Narito na nga ang mga paborito kong palabas, ang mathtinik, sineskwela, sara ang munting prinsesa, heidi, tom sawyer at iba pa na nagpapasimula ng aking magandang umaga. Bago naman mananghalian ay darating na ang aking dalawang paboritong pinsan. Walang mapagsidlan ang aking galak sa tuwing nakikita ko silang parating na. Sapagka't makakapaglaro na naman kami ng paborito naming sudsod baro, chinese garter, bahay-bahayan, pati na rin ang model-modelan na kunwari'y mga beauty queen kaming rumarampa sa entablado, minsan nama'y mga super hero rin kami na kayang tawagin ang hangin, lumikha ng apo'y at lumipad sa langit.
Bagama't sabik na sabik na kaming makapaglaro ay narito na ang aking tiyahin na naghahanda ng bahig upang kami'y patulugin. Aniya ay mabilis di umano ang aming paglaki kung kami'y matutulog sa hapon. Bagama't labag sa aming kalooban ay mahihiga kami ng magkakatabi, ngunit habang nakahiga ay walang tigil kaming naghahagik-hikan. Ilang minuto na nga ang nakalipas ay gising na gising pa rin kami. Magkukunwaring bagong gising upang makaalis na sa banig na iyon at makapaglaro. Sa dapit-hapon nga'y malaya na kaming nakakapaglaro ng kung anu-ano, katulad ng luto-lutuan sa lata ng sardinas na pinapakuluan ng dahon ng kamote, pagkatapos ay manghuhuli ng gagamba. Maya-maya pa'y may dala-dala na ang aking pinsan ng sitsiryang may laman na laruan at mik-mik na pwedeng gawing sigarilyo kunwari. Pagkatapos ay babasain ang plastik ng sitsirya para gawing tato-tatuan. Sa panahon namang bilog ang buwan ay magkakasama kaming nakadungaw sa bintana habang pinapagana ang imahinasyon na isang mangkukulam na nakasakay sa walis tingting ang tumatawid sa maliwanag at bilog na buwan. Gayundin din ang paggawa ng kung anu-anong imahe sa bilog na buwan na nabubuo sa aming imahinasyon.
Pagsapit naman ng gabi ay magpapa-alam na muli ang aking mga pinsan. Sa kanilang pag-alis ay di ko maiwasan ang malumbay. Ngunit sa tuwing araw naman ng linggo ay nagsisimba kami sa hapon kasama ng aking lola at sa aming pag-uwi ay sabay-sabay kaming nanunuod ng aming paboritong Wansapanataym. Tila di kami mapaghiwalay noon. Sila ang aking BFF. Bagama't may pagkakataon na di kami nagkakaunawaan ay di pa rin matatapos ang araw na hindi kami nagkakabati. At ito nga ang paborito kong ala-ala. Ngayon ay pareho nang may pamilya ang aking dalawang BFF ngunit sa tuwing kami ay magkakasama ay tila ba kami nagiging bata ulit. Madalas nakakapagkwentuhan pa rin kami ng aming masasayang karanasan noon.
Napa "throwback" ka rin ba habang binabasa ang aking kwento? Hindi ba't kay sarap balik-balikan ng ating kabataan? Minsa'y kapag nahaharap tayo sa mga matitinding suliranin ay hindi natin maiwasang balikan ang mga masasayang sandali ng ating kabataan at maisip na sa sana'y maaari nating balikan ang mga panahong iyon kung saan tayo'y masaya lang at walang mabigat na dinadala. Sa kabilang banda ay nakakalungkot ring isipin na hindi na ito mararanasan ng mga makabagong kabataan nyayon.
Ito ang aking partisipasyon sa patimpalak na pinangungunahan ni @romeskie na may temang "Ang Paborito Kong Alaala". Maraming salamat sa iyong oras na inilaan Kabayan!
- We offer Upvote service. Single and Monthly subscription, check the details here.
- Get an Upvote rewards by following our curation trail.
Also, Please support our Curation Team @sawasdeethailand that aims to reward good quality Thai content creator.
Thank you to @hr1 for supporting our writings too.
Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses
Wow! Pareho tayo ng mga pinapanood. Meron pa yan sa hapon ung tom sawyer at peter pan. Haha. Nakakamiss maging bata.
Salamat nga pala sa pagsali. :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hi po @romeskie , pa check na rin sa entry ko .. hehe ;) https://steemit.com/paboritongalaala/@emelyn21/paborito-ala-ala-masarap-balikan-ang-nakaraan
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hi @emelyn21. Nabasa ko na at na-resteem. Paki-comment na rin ang link sa mismong post ko ng patimpalak para mabasa rin ng ating hurado. :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You have collected your daily Power Up! This post received an upvote worth of 0.19$.
Learn how to Power Up Smart here!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit