Kababalaghan o kathang isip lamang?

in panaginip •  7 years ago  (edited)

Magandang araw po mga kababayan at mga kaibigan dito po sa steemit! Nais ko pong ibahagi sa inyo itong munting kaalamanan base na din po sa eksperensya.

Atin pong talakayin ang tungkol sa "panaginip".

dream.jpg
http://emoteramuch.blogspot.com/2010/08/masamang-panaginip-nightmare.html

Maaring di naman lingid sa inyong kaisipan ang tungkol sa kaganapan na ito, nararanasan ng bawat isa habang tayo'y mahimbing sa pagkakaidlip sa umaga man o sa kalaliman ng gabing magdamag. Ang panaginip ay di natin madalas na napapansin o pinapaalam sa iba, marahil na rin sa mga iba't-ibang kadahilanan. Halimbawa ay, di natin agad maaalala mula sa ating paggising, pero may pagkakataon at pangyayari o mangyayari pa lang ay saklaw na ng ating panaginip, magugulat ka na lamang at masasambit mo na "parang nakita ko na to?" , "parang nangyari na to?" "De javu" sa wikang espanya, sa wikang ingles ay "already seen" at dahil sa di kasiguraduhan, kaya nananatiling kababalaghan para sa tin.

May mga iba't-iba ding panaginip, tungkol sa mga naganap na o dili kaya'y lagi daw kasi nating iniisip ayon sa mga nakakatanda. Halimbawa ay, kung ikaw ay nakapanood ng isang pelikula na sadyang nakakatakot o pelikula na gustong-gusto mo, may posibilidad na mapanaginipan mo ito.

Nakaranas ka na ba na tumawa mula sa pagkakahimbing ng tulog o mapasigaw sa takot dahil sa masamang panaginip? Nakaranas ka na ba ng mga pangyayaring nabanggit mula sa katabi mo sa pagtulog? Kapag nakapanaginip ka daw ng masama, baligtarin mo ang inuunan mo o kaya'y tumagilid ka ng higa.

Nakakapunta ka ba ng sementeryo at nag aalay ng dasal kapag nagpakita sa panaginip mo ang isang mahal mong matagal ng pumanaw. Ang isa pang kababalaghan ng panaginip ay tungkol sa pagkakabunot ng ipin mo, sinasabi ng mga nakakatanda na ito'y nagbabadya ng kapahamakan ng isang kaanak, ikagat mo daw ang ipin mo sa kahit anong kahoy bago daw ipagsabi, at ang nakapangingilabot pa ay sa bawat pwesto ng ngipin ay doon malalaman kung babae, lalake, matandang babae o matandang lalake.

May pagkakataon din na naaalala natin ang isang panaginip, ito'y mula naman sa magagandang pangyayari o pinapangarap mong mangyari sa buhay. Subukan mong manood ng superman, mararanasan mong lumilipad ka sa panaginip mo.
lucid-dream-flying.jpg
http://jeepneypsychology.com/tag/panaginip/

Subukan mong manood ng nakakakilig na nobela, sa panaginip mo, ikaw ang kapareha. Subukan mong manood ng "ang probinsyano" ni coco martin, sa panaginip mo... ikaw ang bida. Nakakatuwang isipin, di ba.
250px-Ang_Probinsyano-titlecard.jpg
https://en.wikipedia.org/wiki/Ang_Probinsyano

May mga kakatwa din na panaginip na nagsasaad ng mga numero, at ito'y kabisado ng mga nagpapataya sa weteng at lotto. Naranasan mo na bang tumama dahil sa panaginip mo? Maaaring nagkakataon lamang pero madami na din ang nakapagpatunay.
pcso-winner.jpg
https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://www.philstar.com/probinsiya/2014/04/07/1309932/napanaginipang-numero-nanalo-sa-lotto&ved=0ahUKEwi6rpjfvtPVAhUHXLwKHafnBgYQFggdMAE&usg=AFQjCNGSh7vfjCeqM5j_nIEWJdHJQNVNbg

Maraming salamat po sa mga bumabasa at makakabasa ng lathalang ito. Ito po lamang ay napag-uusapan lang o sabi nga ng iba'y kwentong barbero, maaaring kababalaghan o kathang isip lamang. Maaring masasabi ko na 100% na nakaranas ka na ng mga nabanggit ko, sa kadahilanang kahit sa isang sanggol pa lang ay makikitaan mo ng ngumingiti habang natutulog, isang palatandaan ng panaginip...kaya?.
love-babies-smile-sleep-600x400.jpg
http://babyology.com.au/miscellaneous/the-very-best-things-about-newborn-babies.html

Muli maraming pong salamat sa inyong lahat. Lalo na po sa bumubuo ng teamphilippines at steemph. Mabuhay po tayong lahat!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

nice one. Galing naman ng explanation in tagalog. na experience ko lahat ng to. Haha kapag binabangungot ako ginagawa ko pinipilit ko magising tapos pag gising na, pray muna ko bago ko matulog ulit

Omg! Maraming salamat @haleyaerith 😊. And i thought no one is gonna post their comment. Lol... my wife making fun on me for that matter. There were hundreds of filipino around this community, but i guess... thats us...asian. anyway, im proud being a filipino, nothing will change. Thank you so much 😊.

No prob. Hehe. I appreciate every single post from our fellow pinoy for the effort. 🙂 Followed u. Keep posting. 😎

Makatang-makata ang dating :)

oo makata yan si kuya. Hehehe

Di po gaano @juvyjabian 😊.

Upvoted and followed

Maraming salamat @mhel 😊.

Walang anuman 😀