Ang panalangin ni Mike para sa akin

in panalangin •  6 years ago  (edited)

May problema o pinagdadaanan ka ba? Pray!




ANG PANALANGIN AT ANG BISA NITO

![image]()
A ng panalangin ay siyang tanging paraan ng pakikipag-usap natin sa Panginoon. Sa pamamagitan nito, naipapaabot natin ang ating pasasalamat, pagpupugay, kagalakan, at maging mga suliranin at mga pasanin natin.

Ipinanganak ako sa pamilyang relihiyoso (patawad sa Maykapal dahil maraming beses na akong lumiban sa misa). Tinuruan ako ng mga magulang ko kung paano magdasal. Binabasahan din kami ng aking ama ng Bibliya. Ramdam ko ang tuwa kapag nakikinig sa pagbabasa noon.

Inaamin kong may parang pagdududa ako dati dahil napapaisip ako kung totoo ba talaga ang Diyos ngunit nawala ang aking agam-agam sa maraming dahilan. Maraming beses kong napatunayan sa sarili ko na merong Diyos. Nariyan ang pagkakataong kinakabahan na ako kapag malapit na ang bus sa bababaan ko noong nag-aaral pa ako sa Vigan. Ddalawang oras kasi ang layo mula sa boardinghouse ko hanggang sa sakayan ng jeep pauwi sa amin at hanggang alas sais lang ng gabi ang biahe. Mga ilang minuto bago makarating sa babaan ko, kinakabahan na ako at panay na ang mataimtim kong dasal na sana may sasakyan pa. Laging wala nang pila pagbaba ko sa bus pero lagi namang may natataong masakyan pauwi. Mga private vehicles. Marami pang iba pero sobrang haba na itong blog ko kung lahat babanggitin ko.

Sa mga nasabi kong karanasan ko sa itaas, walang pagdududa na sumasagot ang Dios sa mga dasal natin. Minsan pa nga agad itong nasasagot hindi lang natin namamalayan.

ANG PROBLEMA KO

May mga karamdaman ako at nabanggit ko na ang pinaka sa mga ito sa naunang post ko. Araw-araw nararamdaman ko siya. Alam ko ring kasalanan ko dahil matigas ulo ko. Nasa post kong ito ang dahilan ng aking karamdaman.

PANALANGIN NI MIKE PARA SA AKIN

May isang umaga akong nagising na halos hindi ko na makaya ang nararamdaman ko. Kinakabahan na naman ako dahil kakaiba ang nararamdaman ko dulot ng sakit ko. Nararamdaman kong medyo bumubuti ang pakiramdam ko kapag nagdadasal ako pero sa time na iyon parang hindi na ako makapag-isip ng maayos kaya nagbakasakali ako na may makita ako online. Natapat ako sa site na ito at si Mike ang nakasagot sa akin. Saglit lang chat namin tapos ginawan na ako ng panalangin.

Holy Father, You are powerful and sovereign in all the earth. I come before Your presence today lifting up in prayer the life of Renzo. I know that You are fully aware of his situation and I pray for Your intervention and turn things around. As it is written in Your Word in Romans 8:28 that everything works together for good of those who loves You. Even though he can't see the significance of his situation today, I pray that You allow him to understand Your will and be obedient and submit his life to You. By the blood of Jesus, I pray that the enemy's plan against him shall not prosper. Restore to him the joy of Thy salvation and may You, Lord, grant the desires of his heart. Set his motives right as well and preserve his integrity before people. I declare victory upon his life and may Your will be done. Thank you for all these blessings and for being with us. May You provide peace within him today and still his troubled hearts. Truly You are faithful and to You be all the glory, honor and praise. In Jesus mighty name we pray. Amen.*
Awa ng Diyos bumuti ang pakiramdam ko. Ayaw ko na kasi magpa-duktor dahil bukod sa mahal ang singil ng duktor pati mga gamot ay wala din akong naramdamang pagbabago. Halos isang taon din akong pabalik-balik sa duktor. Sana po huwag ninyo ako husgahan na nasa akin din ang mali, tatanggapin ko 'yon pero may isa pa akong dahilan kung bakit nangyayari ito pero hindi ko po pwedeng ibahagi.

ANG TURO NG AKING GURO

Noong nasa highschool na ako, hindi ko lang matandaan kung religion subject ba 'yon or volunteer lang 'yong katekista dati, may nai-share siya sa amin noon at gusto ko ring i-share sa inyo. Sana magsilbi itong tulong upang kayo ay makarating sa langit.

Hindi ko matandaan ang kwento niya tungkol dito basta ang tinandaan ko na lang ay ang dasal. Kung dadasalin daw natin ito araw-araw, ipinapasigurado raw ni Mama Mary na tayo'y magkakaroon ng kaligtasan. Dasalin lang ng tatlong beses ang Hail Mary.

Marami pong salamat sa mga matiyagang nagbasa nito. Ina-appreciate ko rin po ang mga magko-comment ng kanilang mga views ukol dito.


#panalangin #Dios #Maykapal #Panginoon

🔰 🔰 🔰
@originalworks


![image]()

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @rbc.boy! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published
Award for the number of comments received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - Final results coming soon

You can upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!